•8•

24.1K 223 11
                                    

8.

Nagising na lamang ako na wala ng katabi at tanging kumot lamang ang nakatabing sa aking hubad na katawan.

"C-calix?" Mahinang sabi ko.

Pagod na pagod pa ako dahil sa ginawa namin. Hindi pa roon natapos ang aming pagtatalik. Pakiramdam ko habang tulog ako panay galaw pa rin niya sa aking ibabaw.

"Babygirl?" Napalingon ako sa pinto at nakita ko ang pinaka-gwapong lalaking nakilala ko.

"Sa'n ka nagpunta? Akala ko panaginip lang niyo, Calix..." Niyakap niya ako at pinaghahalik-halikan ang aking pisngi.

"This is not a dream, twin. Magkasama talaga tayo. Hindi na kita ibabalik sa kanila." He said habang nakatingin sa mga mata ko.

"Paano... Paano kung mahuli nila tayo? Mahuli ka nila, Calix? Handa ka ipabugbog at ipapatay ni Mom para mapalayo ka sa akin. Lahat gagawin nila para mawala itong relasyon natin. C-calix, hindi ko kaya. Sa ilang taon na nagkahiwalay tayo, parang nasa impyerno ang mundo ko. Pilit nila akong pinapakilala sa iba pero 'di sila ikaw. Di sila si Calix na mahal na mahal ko." Sabi ko sa kanya at napaiyak ng tuluyan.

"Shhh... Hindi na nila magagawa niyon. Kaya ko na sila, twin. Kaya na kitang ipaglaban. Kaya ko na humarap sa mga totoo mong mga magulang. Kaya ko na, twin. Okay?" I nodded at pinunasan ang aking luha.

Naalala ko ang mga nangyari sa akin ng mahiwalay ako sa kanya.

"Dad! Wag po! Please, ako, ako po may kasalanan. Wala pong ginawang mali si Calix, Dad, Mom?" Nilapitan ko si Mom - ang kinilala kong ina pero nang malaman kong naipagpalit kami ng totoong kakambal ni Calix, nakilala ko rin mismo ang tunay kong Nanay.

Hindi kami mayaman, katulad ng mga Kalaw. Isang empleyado lang aking ina sa isang snacks factory at aking ama ay nagtatrabaho sa autoparts. Bilihan ng mga gamit/accessories ng mga sasakyan.

Akala nila Mom and Dad, ang totoong kakambal ni Calix ay nasa totoo kong mga magulang pero wala. Dahil sinabi sa kanila ng nurse, patay na ang bata. Wala na ang kakambal ni Calix.

"Mom, nagmamakaawa po ako sayo. Pakiusap," pero umiling lang sa aking si Mama.

Para mapunta pa rin ako sa kustodiya nila Mama ay gumawa ng kasulatan ang Pamilyang Kalaw, tutulungan nila ang totoo kong pamilya na makaahon sa hirap. Bibilhan nila ito ng bahay at pagtatayuan ng business. Hindi lingid sa aking kaalaman, na sampo kaming magkakapatid at pang-anim ako sa amin.

Kaya walang nagawa ang mga tunay kong magulang kung hindi pumayag sa kasunduan at never ng magpapakita sa akin.

Nagalit ako nu'ng una, nawala ang kalayaan kong makilala pang lubusan ang aking mga magulang pero inisip ko rin ano ang magiging kahihinatnan ko? Sanay na ako sa karangyaang tinatamasa ko.

"Bastardo! Sarili mong kapatid, tinitira mo!
There are so many hookers out there! Iyon ang pagsawaan mo! From now on, I forget I have another child! You have nothing to inherit from me! Lumayas ka rito, Calix! Wag na wag kang babalik sa pamamahay ko!"

OBSESSION: Calixto Kalaw Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon