CHAPTER 1: 𝐈𝐭 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐞𝐧𝐬

225 143 37
                                    

Sabrina Emi's POV

"Just a minute. Wait!" gigil kong sabi sa kuya kong sobrang mainipin. Ewan ko ba naman kasi. Ang lakas ng ulan, umagang-umaga. Nahirapan tuloy akong bumangon. I'm having difficulties getting out of my bed everytime na malamig.

Nagmadali akong naligo, pwede na yong 30 seconds na shower idadaan ko nalang sa pabango 'to. Leche kasiii! Kumain nalang ako ng kalahating pancake na hindi ko pa masyadong naluto sa kakamadali. Wala kasing puso't bituka si Kuya, mautot sana siya sa maraming tao. Pesteeee!

"Let's go, Xieleo-san." saad ko habang iniirapan siya at nagmamadaling maglakad kahit medyo madulas ang daanan palabas ng gate.

"BWAHAHAHAHAHA!" I was slightly shocked when I heard his laughters.

"You sure where to go? Para ka kasing pupuntang NASA e. Look at you, para kang astronaut. HAHAHAHAHAHA!" tuwang tuwa niyang sabi habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nainis nalang din ako sa turan niya. Masisisi mo ba naman ako? Nakasuot kasi ako ng maluwag na kapote matching with boots and payong. Kadiri ng stagnant water at ayoko rin mabasa ng ulan.

"Kuya, helloo? Alangan namang maligo ako sa ulan. E, ikaw nga diyan mukhang buntis." I exclaimed at pinasadahan ko rin siya ng tingin from head to toe, I mean toe to toe. Mukha naman siyang paa e. Haha. Naka shorts siya with black shirt na medyo fitted kaya kita kung gaano siya kabusog and sunglasses. Ye, sunglasses, kahit wala naman si sun. Nyenye.

"What the hell!" Nakita ko naman siyang nagpigil ng tawa. Kaya natawa nalang din ako sa asaran naming dalawa.

"Now, let's really go, kuya. Late na late na ko oh. Drive faster, please." Maawtoridad kong utos sa kuya ko at sumunod naman siya. Takot niya lang, 'pag sinumbong ko siya kay Mommy. Hihi.

* * * *

Halos 5 minutes na ang tinatakbo ng sasakyan at malapit na rin kami sa school.

"Just drop me here, kuya. May bibilhin lang ako sa Bookstore." I said with matching puppy eyes na sure akong naging mukhang aso ako don.

"I thought late ka na? Bakit pupunta ka pang bookstore? It's raining, oh. Baka mag kasakit ka pa." saad ng Kuya kong concern kunno.

"Kaya nga naka-full gear ako ngayon e, para safe. I can manage, kuya. Malapit nalang naman ang school. Lalakadin ko nalang tsaka humina naman na ang ulan." paninigurado ko sa kanya. Minsan nandidiri ako sa cheesiness niya.

Nahalata ko naman na medyo napanatag siya sa sinabi ko. "Are you sure? Hintayin nalang kita dito, if you want."

"No, I'm old enough, Kuya. Mabilis lang ako dito"

Beyond Limits Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon