CHAPTER 10: Near Miss

28 13 0
                                    


"Z-Zyle?"

Napatayo ako bigla ng makita siya.

He is my childhood friend, his parents and mine are long-time business partners. Bata palang kami ay malapit na kami sa isa't-isa. Two years ago ay pumunta sila sa Japan for business matters kaya matagal ko rin siyang hindi nakia. I remembered him texted me the other day, but I never know that he'll come see me now.

"Sab!?" gulat na saad din niya.

"So, magkakilala pala kayo?" saad naman ni Greg.

Napatango-tango naman si Zyle. Walang ano-ano ay sinuntok ni Greg si Zyle sa tiyan.

"Zyle!" sigaw ko.

Napa-ubo naman siya at napahawak sa tiyan niya. Lumapit rin sa kanya si Ace at sinuntok niya rin ito. Nakabangon naman kaagad si Zyle at bumawi rin ng suntok kay Ace.

"Ano bang problema niyo, mga dude?" angil ni Zyle sa kanila.

Hinanap ko naman kung nasan ang traffic cone na hawak ni Ace kanina. Nang makita ko 'yon ay kaagad kong kinuha.

Nag-aalala ako kay Zyle lalo na at may nakasukbit na kutsilyo sa beywang ni Ace. Hawak ni Ace si Zyle at pinagsusuntok naman siya ni Greg.

"Haaaaa!"

Buong lakas kong hinampas si Greg ng traffic cone kaya natumba siya sa sahig. Agad ko namang hinila si Zyle mula sa pagkakahawak ni Ace.

"Tara na!" impit na sigaw ko sa kanya.

"Babawian ko pa sila! Wait." angil sa 'kin ni Zyle.

"Bonehead! Mamamatay na tayo!" inis kong sigaw sa kanya.

Nag-aalangan akong sabihing may kutsilyo si Ace. Sa tingin ko kasi ay nakalimutan niya rin 'yon.

"Start your car, let's go!" nagmamadaling anas ko. Mabilis ko siyang hinila palapit sa driver's sit at pumuwesto na sa kaliwa.

"The fuck!" sigaw niya at napasabunot sa ulo. Nagmadali siyang buksan ang pinto at i-start ang makina.

Sinulyapan ko naman sina Greg at nakita kong inaalalayan siyang tumayo ni Ace. Napalakas yata ang hampas ko ng traffic cone.

"What is really happening!?" sigaw sa 'kin ni Zyle na nagpapanic na, dahil ayaw sumindi ng makina.

"There is a knife beneath his shirt kaya bilisan mo nalang!"

Tinignan ko naman sina Greg at nagitla ako nang mariin silang nakatingin sa 'min.

Hinugot ni Ace ang kutsilyong nasa beywang niya at nagsimulang tumakbo papunta sa 'min.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang nagsimula nang umandar ang sasakyan. Pinanood ko si Ace mula sa side mirror ng sasakyan.

Tumatakbo siya. Palabas na kami ng parking lot nang makita kong ihagis niya ang kutsilyo.

"The fuck!" naiinis na ani ni Zyle.

Napapikit ako ng magsimulang umalog at sa biglang paghinto ng sasakyan.

"Nabutas ang tire!" angil niya.

"Pusangina!" inis na sigaw ko.

"Bibig mo!"

"Walang lipstick!"

Lumabas na kami kaagad ni Zyle sakto naman na may lalaking pasipol sipol papunta sa kotse niya.

Beyond Limits Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon