19

0 0 0
                                    


Hindi pa

Madilim na tala
Nakikiramay
Sa aking kapanglawan
Ngayong gabi
Mahihimlay ako
At mawawalan ng buhay
—nanaman.

Hindi nakangiti ang araw
Sa pagsikat niyang
Nakasisilaw
Sa init
Na nakakapaso
Ng sinag niyang
—nakakatunaw.

Hindi kumikinang ang mga bituin
Animo'y dekorasyon lang
Ni walang ningning
Kinakain ng dilim
Hanggang aking sungkitin
Napaso lang sa maling akala
—nakakabitin.

Kaya tatakbo ako,
Hanggang maubusan ng hininga
Ididilat ang mata
Kapag ang ilaw ay kumukurap na
Pilit na lalangoy
Kapag nalulunod na sa lalim
Dahil hindi ako kaisa't kapiling
Ng mga tala at bituin
Hindi ako yayakapin
Ng pagdurusang kinikimkim

Sasagipin ko
Ang sarili
Sa bawat laban na lihim
Lalabanan ang antok
Pilit na didilat
At pupuksain
Hindi ako mahihimlay sa gabing ito
Hindi sa lungkot at pagod
Hindi sa kamatayang nakasunod
Hindi sa lubid na nakasuot
—Hindi pa.

#

The Passionate CorpseWhere stories live. Discover now