12Alas dose
May dalawang batang naglaro ng apoy
Di sinasadyang natupok
Hinog ang pangangatawan
Ngunit di pa ang isipTuluyang pinaglaruan
Sa dilim
Tahimik na ang lahat
Payapang gabiNa bubulabugin
Ng mga ingay niya't halakhak
Ipapaubaya nalang
Sa sistema ng alak
Panandiliang galak
Masasamang balakNiyayapos ng kadiliman
Kanilang mga katawan
Pinadidirihan, kinasusuklaman
Yaong liwanag lang sa kandila ang may alamLumalagkit na ang simoy ng hangin
Nahimlay ang pawa nilang katawan
Sa sikat ng araw,
Nagigising na
Sa epekto ng kalokohanNuminipis na ang kanyang balat
Umaagos sa sistema
Mga baho't kalat
Wala nang magagawa ang mga luha
'Sang buhay nanaman ang masisiraMamamatay ka ba?
O papatay ka na?Alas dose,
Nanaman
May dalawang batang nagsisisihan
Kumikitid ang isipan
Isang solusyon lang yan
Lagukin mo muna ang dignidad
Saka babalikan,
Kapag wala na ang tapangIsang libo't limandaan
Iniabot sa aleng mangkukulam
Kumukurap-kurap ang bombilya
Aanhin ang gunting na hawak niya?Namamawis na ang kanyang batok
Nanginginig ang kalamnan
Sa takot at kaguluhan
Nag-uulumihanan
Sa kakarampot na konsensyang naiwan
Wari'y nakaranas ng impyerno
Sa puting mesang hinihigaanSa wakas ay natapos na
Wala na ang mumunting pintig ng pusong naririnig niya
Sana ay masaya ka naAlas dose
Sa huling pagkakataon
Nakarinig ako ng halakhak,
"Pasensya na, di ka na magkakaanak."#
YOU ARE READING
The Passionate Corpse
PoetryCorpses are gross, dirty and foul-smelling. At times, they're scary to look at. But curiousity enthralls upon something unpleasant. Amidst the ugliness, it satisfies the dark part of our soul-not meant to be human. Something about it is unnatural...