JUSTIN'S POV
jasmine?
.........
........
jasmine??
tumingin tingin si jasmine sa paligid
pero bakit sakin hindi :((
nakaka inis naman
kaya tinawag ko ulit sia
sa pangalawang tawag ko..
sa wakas tumingin din!
pero nagulat ako nung napansin nia na ako nga ung tumawag sakanya
kase napanga nga ba naman.
nagulat din ata sia nung nalaman nia na ako ung tumawag sakanya.
pero wala na akong pakialam dun
kase ang nagawa ko lang ay pagmasdan ang muka nia
at tulad ng inaasahan ko.....
ang ganda nia nga talaga malayo man o malapit maganda talaga kahit pa naka nganga sia...
hayyyys pero nagulat ako sa ginawa ko bigla nlng akong nag snap ng fingers ko sa harap ng muka nia ayun tuloy parang nagulat ko nanaman sia.
"ahh ahmmm anu un?" sabi nia
kaso naiinis ako sa sarili ko kasi nung nagsalita na sia
parang ako naman ang nawala sa sarili ko.
buti nlng may nakita akong isa pang libro na pinagpapatungan nia nung librong binabasa nia.
kaya un ang naging excuse ko para lang may masabi sakanya kase nakakahiya naman na tinawag ko sia pero wala naman talaga akong sasabihin, gusto ko lang talagang makita ang muka nia ng malapit, so far kase di ko pa talaga sia natititigan ng malapitan kadalasan kase natititigan ko lang sia pag nasa malayo sia, OO! tinititigan ko sia pag malayo sia ang ganda nia lang kase talaga.
at dahil nga parang crush ko sia at na blanko na ako eto nlng ang nasabi ko:
"ahmm yang libro na pinagpapatungan mo gagamitin mo na ba? "
"eto?? ahmm di pa naman?" sabi nia
"ah eh pwede ko bang mahiram muna??"
"hmm sige eto oh" hayssss.
"salamat"
hayyyyyyyys! ang tanga ko! andami ko naman pwedeng sabihin bakit un pa ang sinabi ko!??
tanga lang talaga ako minsan, naiinis ako! sobrang naiinis talaga ako pwede ko naman sabihing ang ganda ganda nia! pero bakit paghiram pa ng libro ang sinabi ko??? nako nababaliw na nga siguro ako kasi naman may kaharap akong anghel eeh!
sabihin nio nang corny ako wala parin akong pakialam kasi nga diba sabi naman ni jasmine wala nga talaga akong pakialam sa paligid bukod kay jasmine pero syempre di nia alam na may pakialam ako sakanya eeh.
at kaya lang naman ako nandito sa library is because i know and i'm expecting her to be here kase pansin ko kalahati na ng taon since the classes start and almost everyday nakikita ko siang pumupunta dito at pano ko nakikita? syempre diba nga sabi ko wala akong pakialam sa paligid BUKOD kay JASMINE, sakanya lang talaga! kase naman eeh nung nakita ko sia nung first day na attract na talaga ako sakanya at di nagtagal eh nalaman ko na kung ano ang pangalan nia kase sabi nila palakaibigan daw ito kaya yun nagtanong tanong na ako sa mga naging kaibigan nia na.
anyway habang nasa tabi ko pa sia binuksan ko ang librong hiniram ko sakanya at bahagyang binasa ito. kaso napansin ko na pang first year pala ang libro na ito, eh 2nd year na ako! oo 2nd year na ako at si jasmine naman ay 1st year plng.
nako sana hindi makahalata si jasmine baka mabuko ako neto! PATAY!
halos 30 minutes din akong pasulyap sulyap sakanya habang kunyaring nagbabasa.
mejo nalungkot lang ako nung napansin ko na tumayo na sia.
"kuya pwede ko na po bang makuwa ung libro? uuwi na po kasi ako eeh"
"ah sige eto na oh salamat ah" sabay ngiti
"your welcome po" at ngumiti din siya
hayyyy! grabe ang lakas ng epekto nia saken! kanina lang masaya ako kasi kinausap nia ako pero ngaun pra na akong lumulutang kase nginitian nia pa ako!
![](https://img.wattpad.com/cover/2862985-288-k437402.jpg)