Shades of One Shots 3 : Our Dream

9 0 0
                                    

"Happy 3rd anniversarry by! I love you!"

Bumungad sakin yung mga balloons, rose petals, cake & chocolates sa table pagkapasok ko sa kwarto ko.

Gulat kong tinignan yung mga classmates at friends ko na iilan sa kanila may hawak na confetti.

Sunod kong pinasadahan ng tingin yung gwapo kong boyfriend, si Adam, nakatayo at nakangiti, may hawak na guitara.

He started strumming his guitar...

"I met you in the dark
You lit me up
You made me feel as though
I was enough
We danced the night away
We drank too much
I held your hair back when
You were throwing up...

Naghiyawan at kilig na kilig yung mga tao sa loob habang nanood sa min.

Dahan-dahang lumapit si Adam at diniinan nya ng buong sinserong pagmamahal ang pag-awit nya sa harapan ko.

"Then you smiled over your shoulder
For a minute I was stone-cold sober
I pulled you closer to my chest
And you asked me to stay over
I said, I already told you
I think that you should get some rest...

Napangiti na lang akong pinagmamasdan sya.

"I knew I loved you then
But you'd never know
'Cause I played it cool when I was scared of letting go
I knew I needed you
But I never showed...

Ngiting-ngiti akong hinimas yung cheek nya.

My man is so sweet aww, make me wanna keep him until the last breath of mine.

"But I wanna stay with you
Until we're grey and old
Just say you won't let go
Just say you won't let go"

Hanggang sa natapos yung kanta.

Nilagay nya yung guitara sa little sofa ko at madiin akong niyakap at hinalikan yung noo ko.

"BY, THANK YOU, HAPPY 3RD ANNIV, I LOVE YOU TOO!!!" Naluluha akong niyakap sya pabalik.

He's a complete package man, He is the best gift that i had.

He protect me, He love me, He Cared for me, Hindi sya natutulog kapag hindi kami nagkakabati.

I can say he is the ideal man whom wants a girl to be with.

Our 3 years of love is so very worth it.

Wala na akong hinihiling pang iba, Im super much contented to him.

But Its been 4 years since he passed away, I was in Grade 12 nung namatay sya. He died because of Hazing.

Last time I know, He died for me. He was once a member of fraternity ng hindi ko alam. Napilitan syang sumali run kasi kapag hindi sya sumali, Ako ang pupuntiryahin nila.

And its so hard for me to move on, I really missed him. But what can I do, hes gone.

I was now in 3rd year college taking up the tourism course. Travelling was once our dream, I'll be the flight attendant and he'll be the pilot. But even now he's gone, I will still keep reaching our goals either alone or not.

--
--

Sumalubong sakin ang isang magarang kotse habang papatawid ako sa pedestrian lane sa labas ng University.

Tumili ako ng napagtanto kong malapit na akong mabangga nung sasakyan. Buti nalang nakabrake sya.

"Putangina naman oh, huy lumabas ka jan! Hayup nito!" Galit na sigaw ko dun sa may-ari ng kotse habang malakas kong tinapik yung salamin nito.

Naka-pilot uniform sya ng school namin? weyt taga-dito sya? bago ko lang sya nakita dito a? transferri or late enrollee?

Cool na cool syang lumabas, nakashades pa, parang wala lang nangyari hayup.

"Huy, muntikan mo na akong masagasaan hayup ka, nasa tamang daanan ako, hindi mo ba alam yung patakaran ng kalsada. Na sa tuwing may dadaan sa pedestrian hihinto ka, ganon ka ba talaga ka bobo, ih kung nasagasaan ako dun sa ginawa mo, kung makapagpatakbo ka ng sasakyan mo parang wala ng bukas!!!" Datdat ko sa kanya at nang-iinit nako sa galit.

Sarap sapakin yawa.

"Miss, pasensya na talaga, hindi ko sinasadya, babawi nalang ako sayo, please" pagmamakaawa nya.

Nakayoko ako ng time na yun, baka kasi pag nakita ko pagmumukha nya, masapak ko sya ng wala sa oras.

Humugot ako ng hininga at imbyerna syang hinarap.

"So anong ak---

Natigil ako bigla at napalitan ang galit ko ng pagkagulat, nang masilayan ko yung pagmumukha nya, hinubad na pala nya yung shades.

"ADAM?!!!!"

"Who's Adam?" Confuse na tugon nito saken.

Nabalik ako sa ulirat. Grabe, kamukhang-kamukha nya talaga.

Imbes matakot, binalot ako instead ng kuryusidad.

"Unang-una po hindi ako si Adam, at pangalawa hindi ko sinasadya yung nangyari humihingi ako ng tawad, at pangatlo pwede ba akong makabawi sayo sa nagawa ko?" Dagdag nya na may sinseridad na tono.

Nawala nalang bigla yung galit ko, napalitan ito ng pagiging kalmado.

Napa-tango ako sa kanya ng hindi ko alam at tulalang tinitigan sya.

"I'm David and you are?" Pagpapakilala nya.

"I'm Beatrice." Sagot ko sa kawalan.

Tila nagflashback sa isipan ko yung unang pagkakakilala namin ni Adam noon.

"Hi This is Adam, your crush."Hagikhik nitong pagpapakilala, habang nilalahad yung kamay nya.

Imbes sagutin, sinamaan ko sya ng tingin.

"Ito na totoo na to, Hi Im Adam, O sincere na yun."

"Beatrice, o happy? tsk!" Walang gana kong sagot at imbyerna syang inirapan.

Nag-uunahan ng tumulo yung mga luha ko at pinilit na ngumiti.

"BY, ITO NA BA YUN, ITO NA BA YUNG SINASABI MONG DARATING SA BUHAY KO?"

Napangiti ko nalang sambit sa kawalan. At matamang tinitigan yung lalaking nasa harapan ko.

Fin.

Shades of One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon