Chapter 1

13 4 0
                                    

Chapter 1

Hindi pa man sumisikat ang araw ay kaagad ng nakaramdam ng lamig si Charity dahil sa tubig na bumuhos sa kaniya. Bagamat mahimbing ang kaniyang pagkakatulog mabilis pa sa hangin na naidilat niya ang kaniyang mga mata. Isang malamig na tingin naman ang bumungad sa kaniya dahilan upang mapabalikwas siya ng bangon.

Sumalubong sa kaniyang harapan ang nakakatakot na tingin ng ate niya. Kung pagmamasdang mabuti hindi maipagkakaikaila na may taglay itong kagandahan. Ang maputi at makinis nitong balat na tamang-tama sa magandang hubog ng katawan nito. Isama mo pa ang mukha nitong tila isang anghel sa ganda.

"A-Ate, anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?"

"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na huwag mo akong matatawag na ate!"

"P-Pero..."

"Tsk! Ano pang hinihintay mo? Bumangon ka na diyan at tumulong ka kina yaya!"

Walang imik namang bumangon si Charity sa maliit at basa na niyang kama na kagagawan ng ate niyang si Claudia. Tanging pag-iling na lamang ang nagawa ni Charity habang pinagmamasdan si Claudia palabas sa kwaro niya. Sa halip na patulan niya ito minabuti na lamang niyang manahimik. At kaagad na mabilis na nagpalit ng tuyong damit si Charity at tuluyan ng lumabas sa kwarto niyang may kaliitan.

Sa buong buhay ni Charity wala siyang hiniling kung 'di ang maging masaya. Bukod dito ay ang mahalin siya ni Zaito, ang lalaki na itinuring niyang tagapagligtas mula nang pagkabata niya. Bagamat hindi palaayos si Charity hindi maitatanggi ang angkin niyang kagandahan. Ang maputi at makinis niyang balat na bumagay sa inosente niyang mukha. Hindi pa man nakakapasok ng kusina si Charity ramdam na kaagad niya ang malalamig na tingin sa kaniya ng ibang mga katulong sa bahay nila.

Tila ba pakiramdam ni Charity para siyang hangin kung ituring ng mga ito. Hanggang sa matapos na niya lahat ang dapat niyang gawin ni isang tingin man lang mula sa magulang niya ay hindi niya nasaksihan. Sa halip na kumain siya kasabay ng mga ito mag-isa siyang kumakain sa may kusina. Sa halip na maging malungkot isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Charity bago tuluyang bumalik sa kwarto niya.

Isang oras pa ang lumipas at tahimik siyang lumabas ng kwarto niya. Maingat naman niyang tinungo ang pinto sa likod ng bahay nila. Sa halip na dumaan sa malaking gate nila papalabas sa napakalaki nilang bahay. Dumaan si Charity sa isang daanan na tanging mga katulong at iba pang tagapagsilbi lamang ang dumaraan. Ilang minuto pa ng kaniyang paglalakad, kaagad na napangiti si Charity ng matanaw niya sa 'di kalayuan ang kaibigan niyang si Denise.

Mabilis pa sa hangin na tinungo ni Charity ang kaibigan niya na naghihintay sa may tindahan. Sa hitsura pa lang ng kaibigan niyang si Denise. Masasabi mong galing ito sa angkan ng mayayamang pamilya. Mula pa lang sa suot nitong damit mapapansin mong mamahalin ang mga ito. Bagamat may katabaan ito hindi maitatanggi ang angkin nitong kagandahan. Bukod dito, si Denise ang pinakamatalino sa buo nilang klase.

"Hey, Charity! Bakit ang tagal mo? Kanina pa kaya akong naghihintay rito." Nakasimangot na pahayag ni Denise kay Charity.

"Pasensiya na. Tinanghali lang talaga ako ng gising."

"Talaga lang ha? Baka naman dumaan ka na naman sa bahay nina Zaito."

Sa halip na sumagot si Charity sa akusa ni Denise. Kaagad siyang napatigil nang matanaw niya ang lalaking gustong-gusto niya. Walang sinayang na oras si Charity at kaagad na lumapit sa gawi ni Zaito. Saka lamang napagtanto ni Charity na hila-hila pala niya ang kaibigan niyang si Denise.

Summer NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon