Chapter 2
Hindi pa man sumasapit ang takdang oras ng klase ni Charity ay maaga na siyang umalis ng bahay nila. Bagamat nag-iisa at wala pa ang mga kaibigan niya, pakiramdam ng dalaga na tila ba malayang-malaya siya. Ang malamig na simoy ng hangin ang siyang dumadampi sa makinis at maputi niyang balat. Habang ang mga huni ng ibon ay mistulang naging magandang musika para kay Charity. Bukod dito, napansin din niya ang mga bulaklak sa hardin ng kanilang paaralan. Para kay Charity, mistulang nagpapahiwatig sa kaniya ang mga bagong sibol ng bulaklak na huwag siyang mawalan ng pag-asa.
Lately I'm not who I used to be
Someone's come and taken me
Where I don't wanna go
If I knew exactly what I have to do
In order to be there for you
When you were feeling low
Malambing at mahinhing pagkanta ni Charity. Dahil alam ni Charity na siya lamang ang tao sa hardin kaya malakas ang loob niyang kumanta. Sapagkat alam ni Charity sa kaniyang sarili na hindi siya ganoong kagaling kumanta. Bukod dito, kahit ang mga kaibigan niya ay hindi alam na marunong siyang kumanta.
And all the things we ever wanted
Were once yours and mine
Now, I know we can revive it
All the love we left
Muling pagpapatuloy ni Charity sa kaniyang pagkanta. Kasabay nito ay ang marahan niyang paghaplos sa rosas na daig pa ang mansanas sa kapulahan nito.
Everytime I kiss I feel your lips and
Everytime I cry I see your smile and
Everytime I close my eyes I realise that
Everytime I hold your hand in mine
The sweetest thing my heart could ever find
And I have never felt this way
Since the day I gave your love away
Hanggang sa bigla na lamang naudlot ang pagkanta ni Charity nang may marinig siyang kaluskos. Isama mo pa ang mabigat na pagbagsak ng kung ano. Kaagad namang nanlaki ang mata ni Charity dahil sa nakita niya sa kaniyang harapan. Hindi kalayuan mula sa pwesto ng kinauupuan niya, nakita niya ang isang lalaki na tila ba katatalon lamang sa isang puno. Sa hindi malamang dahilan kaagad na nakaramdam ng pagkahiya ang dalaga.
Dahil kung alam lang niyang may tao roon hindi siya maglalakas loob na kumanta. Sa buong buhay niya pakiramdam niya ngayon lang sa nakaramdam ng labis-labis na hiya. Tila ba nais ng dalaga na lamunin na lamang siya ng lupa matakasan lamang ang hiyang nararamdaman niya.
Akmang kakausapin na sana ni Charity ang lalaki pero bigla na lamang itong umalis sa harapan niya. Ang kaninang pagkahiya ni Charity ay tila ba napalitan ng inis dahil sa inasal sa kaniya ng lalaki. Pero, hindi maitatanggi ni Charity ang angking kagwapuhan ng binata. Ang matikas nitong katawan na bumagay sa maputi nitong balat. Isama mo pa ang titig ng lalaki na tila ba nakapanlalambot ng tuhod.
Sa halip na isipin pa ni Charity ang hitsura ng binata nagpasiya na ang dalaga na magtungo sa kanilang classroom. Bagamat hindi niya kilala ang lalaki masasabi niyang mas matanda ito sa kaniya base na lamang sa nakita niyang necktie nito. Malalim man ang iniisip ni Charity sa kaniyang paglalakad hindi pa rin nakaligtas sa kaniyang paningin si Zaito.
Kaya naman nakaisip ng kalokohan si Charity. Habang papalapit siyang naglalakad sa nakatalikod na si Zaito at mabilis pa sa hangin na niyakap niya ito.
"Hehehe! Good morning, Zaito my loves." Nakangiting bati ni Charity sa binata habang nakayakap pa rin dito.
"What the! Huwag mo nga akong yakapin na babae ka! Ang aga-aga ginugulo mo na naman ang araw ko!"
