00

24 5 0
                                    


"Kuya Math, change loc tayo. Jam-packed yung Leaftea eh. Let's meet at Ton's na lang. Ingat!"

Napabuntong hininga na lang ako pagkatapos basahin yung text sa akin nung student ko.

Badtrip naman! Ilang minuto na lang bago ako makarating doon eh. Sayang yung 10 pesos kong pamasahe. Pang load ko na sana 'yon.

"Manong, para nga"

Hindi pa man totally huminto yung bus agad agad akong bumaba at tumawid sa kabilang kalsada. Sumakay ulit ako ng bus pabalik sa University namin. Sa loob kasi nito yung location ng Ton's, yung sikat na coffee shop.

Sinalubong agad ako ng amoy ng kape at cake pagkapasok ko sa Ton's. Inilibot ko ang paningin ko sa loob nito. Modern style ang interior niya at magaan sa pakiramdam ang ambiance.

Halatang mayaman yung may ari nito dahil maganda yung pagkakagawa. 9 AM palang maraming tao na agad pero may mga bakante pa rin naman.

"Good Morning, Engineer!" masiglang bati sa akin ni Alex, barista siya dito. Kakilala ko sa Communication Faculty. 2nd year din siya katulad ko.

"Advance ka mag-isip? 'Di pa nga sigurado kung makaka-graduate" sabay kaming natawa sa sinabi ko.

"Sure na sure na 'yan! Matinik ka sa mga prof eh" sabi niya saka tumawa ng malakas. 

Napatingin tuloy sa direksyon namin yung ibang tao.

"Gwapo eh" nagpogi sign ako pero umarte lang siya na nasusuka.

"Gutom lang yan Math, anong order mo?" hinanda niya na ang ballpen at maliit na papel para isulat ang order ko.

Tinignan ko muna yung menu sa taas ng counter saka ako pumili "Ice americano at brownie"

Pagkaraan ng ilang minuto binigay niya agad sa akin yung order ko.

"Here's your order! Mamaya na sukli mo ah, wala pa si Boss eh"

Tatanungin ko pa sana kung sino yung boss na tinutukoy niya kaso may costumer na dumating. Nagsenyasan na lang kami para ipagpatuloy kung ano yung mga gagawin namin.

Hindi na nagtagal yung paghahanap ko nung nakita ko agad si Elise, yung tuturuan ko ngayon.

Bukod sa nasisinagan siya ng araw naka Neon pink t-shirt pa siya. Halos magkulay pink na yung paligid ng coffee shop dahil sa suot niya. 

"Sakto wala na akong highlighter, ikaw na lang yung pampalit ko" bungad ko sakanya saka umupo sa kaharap niyang upuan.

"Alam mo kuya, 'di ko alam kung bakit ikaw yung in-assigned ni Dad na mag tutor sakin. Palagi mo na lang ako inaasar" ngumuso siya at pinag krus ang dalawang braso.

Ewan ko ba. Masaya ako kapag may taong naaasar sakin. Lalo na kapag isip bata pa katulad nitong si Elise. Graduating pa lang kasi siya ng Senior Highschool kaya ganyan umakto. Syempre, hindi ko sasabihing isip-bata siya at baka mag tantrums pa siya dito.

Till the Last DropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon