"Good Morning, party people! Whoooo!"Tumigil lang ako sa pagsigaw nung kinalampag ng kabilang kwarto yung pader ko.
Hindi kasi soundproof eh.
Bumangon ako sa kama at nag unat. What a good morning to start a new day.
Napanaginipan ko kasi si Crush. Nakulong daw kami sa Laboratory Room tapos magkikiss na sana kami kaso nagising ako. Okay lang kahit bitin marami pa namang gabi eh.
Dumiretso ako sa CR para maligo pagkatapos sinuot ko yung gray sweatpants at white shirt ko. Ginamit ko na rin yung bagong bili kong sneakers.
Lumabas na ako ng dorm building namin at sinimulan nang mag jog.
10 AM pa kasi yung naka schedule ng first class ko kaya naisipin ko na ring mag-jogging.
Nginingitian ko lahat ng mga nakakasalubong ko. Karamihan naman sa kanila ay kakilala ko kaya no worries.
Good mood ako dahil kay crush eh kahit sa panaginip pinapakilig ako.
"Shit, sorry bro, hindi ko sadya"
Sa sobrang sabaw ko hindi ko napansin na may nabangga ako. Nabagsak yung hawak niyang box kaya nagkalat yung mga brown bag.
Lumuhod ako at dali daling kinuha ang mga iyon at nilagay sa box. Ano 'to? Coffee beans?
"Can I get it now?.."
Tumayo ako at inabot iyon sa lalaki, ay hindi! Hindi lang pala siya basta lalaki.
Putakteng may ina.
Kung minamalas ka nga naman Mateo oh.
Siya yung may-ari ng coffee shop na napakamalan kong bata pa.
Pakshet, anong gagawin ko? Magso-sorry ba ako?
"Uhh.." nakatayo lang ako sa harap niya, iniisip kung ano bang pwede kong sabihin.
Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Siguro hinihintay kung may sasabihin ba ako. Pero lalo lang siyang naka-apekto kaya hindi ako makapag-isip ng maayos.
Huminga siya ng malalim saka sapilitang kinuha sa kamay ko yung box. Pumasok siya sa bmw na katabi lang pala namin. Nakatayo pa rin ako doon habang pinapanood ang sasakyan niya palayo.
"'Bat parang galit?" bulong ko sa sarili ko.
Ilang linggo na ang nakalipas nung mangyari 'yon sa Ton's at ngayon ko na lang ulit siya nakita tapos hindi man lang niya ako binigyan ng chance magsalita.
"Math, anong ginagawa mo dyan?"
May tumapik sa balikat ko at doon lang ako natauhan. Si Kaden, kaibigan ko. Naka jogging attire din siya katulad ko.
"Wala naman, nagpahinga lang saglit" pagdadahilan ko saka uminom ng tubig mula sa tumbler na hawak ko ngayon.
"Akala ko may hinihintay ka eh" tumawa siya "Tara, kain na tayo"
Kumain lang kami sa cafeteria ng economics faculty. Itong building lang kasi ang malapit sa dorm namin eh.
"Kilala niyo ba yung owner ng Ton's?" tanong ko.
Kasama din pala namin sina Harvey at IC, mga kaibigan ko din. Nakasalubong namin sila nung papunta kami dito ni Kaden.
"Ah si First, yung taga business management ata.." sabi ni Harvey.
![](https://img.wattpad.com/cover/223552716-288-k926077.jpg)
BINABASA MO ANG
Till the Last Drop
RandomMateo Sanvega is an Engineering Student working as a math tutor, unintentionally offended the famous Ton's owner Uno Treyton Delafuerte, a Business Management Student.