Ilang araw na ang nakakalipas at sumasabay naman sa plano ang takbo ng preparation para sa darating na Welcome Ceremony next week.
Nadagdagan nga lang kami ng stress dahil nagpa-surprise quiz halos lahat ng subject namin. Buti na lang absent yung prof namin sa time na 'to dahil makakapag pahinga na kami.
"Math, may naghahanap sa'yo sa labas. Panagutan mo daw siya" sigaw ng ka-blockmate ko malapit sa pinto.
Kinantyawan naman ako ng iba na ang landi ko at matinik daw ako sa babae.
Hindi ko naman ipagkakaila iyon.
Tumayo ako saka naglakad palabas ng room. Nandoon si Alex nag-aabang sa hallway. Akala ko pa naman talaga babae.
"Engineer, may favor sana ako" nilapitan niya ako saka inakbayan.
"Wala akong pera, sa iba ka na lang mangutang" sabi ko. Pabalik na sana ako ng room kaso hinatak niya ulit ako.
"Grabe ka naman, Engineer. Manghihiram lang naman ako ng sci-cal eh" sabi niya.
Kinuha ko iyon sa bulsa ko dahil kakagamit ko lang naman at hindi ko pa nailalagay sa bag ko.
"ID?" nilahad ko ang kamay ko sa kanya.
Nagtaka siya sa sinabi ko "Anong ID?"
Tinuro ko yung lace na nakasabit sa leeg niya. Nagets naman niya agad yung pinupunto ko.
"Hindi naman ako yung gagamit nito eh, Ayon oh yung kasama ko" tinuro niya yung lalaking nakatalikod sa amin.
Yung snobber pala yung kasama niya.
Lumapit siya sa amin nung tawagin siya ni Alex. Ganoon pa din ang expression ng mukha niya. Napaka seryoso.
"What now?" tanong niya.
Di man lang ako tinapunan ng tingin.
"ID mo daw exchange sa sci-cal para sure na maibabalik mo" sabi ni Alex.
Halata na pinipigilan niya ang pag rolyo ng mga mata niya. Siguro iniisip niya na ang dami kong alam.
"Here" abot niya nang 'di pa rin tumitingin sa akin "Let's go Alex, this is your fault if we are late"
Nagpasalamat si Alex habang hinahatak siya papalayo ni First.
Kita mo? Hindi man lang nag thank you sa akin. Snob talaga.
Tinignan ko yung ID niya. Walang pinagbago ang itsura niya maliban lang sa mas maiksi ang buhok niya dito. Ang bata niya tignan parang 16 years old lang.
Kaya siguro nagmamadali siya kasi mukhang pudpod yung bangs niya sa ID picture. Nahiya pa.
Uno Treyton Delafuerte
Uno? Kaya ba First ang tawag sa kanya kasi Uno ang real name niya? Wow ah, pinag-isipan masyado.
Napangiti ako sa naisip ko. Mayroon sa akin na parang gusto pa siyang kilalanin lalo na nung nakita ko silang magkasama ni Athena. Nagseselos ako ng slight.
9 PM na kami natapos sa paggawa ng decoration at kung ano ano pang mga gagamitin sa ceremony.
Papasok na sana ako ng dorm nung naalala kong nasa akin pa pala yung ID ni Uno. Iyon na lang ang itatawag ko sa kanya para mas madali. Hindi kasi kami makakapasok kapag wala ang ID eh.
Tinawagan ko si Alex kung saan ang bahay ni Uno para maibigay ko 'to sa kanya.
[Nasa Ton's pa. Siya kasi lagi yung nagsasarado ng shop kaya sure na nandoon pa siya]
BINABASA MO ANG
Till the Last Drop
RandomMateo Sanvega is an Engineering Student working as a math tutor, unintentionally offended the famous Ton's owner Uno Treyton Delafuerte, a Business Management Student.