Xander POV
Matapos ng pag-uusap namin ni Athena, napaupo na lang ako.
Nasaktan ko siya at dobleng sakit ang naramdaman ko.
Bakit kailangan kong paghinalaan siya? Bakit hindi ko kayang magtiwala sa kanya ng walang pag-alinlangan?
My Angel, I'm so sorry.
Napatingala ako habang pinipigilan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.
Nakikita ko pa rin ang nasasaktan niyang hitsura.
Patawad, hindi ko sinasadya.
Hinilamos ko ang aking palad ang sariling mukha para magising.
Kailangan ko mag-isip ng magandang plano.
Hindi ko pwedeng pabayaan si Xandria.
Bumaba ako, makalipas ng ilang minuto.
Nakasalubong ko si Agatha.
"Xander, can we talk?"
Hindi ko siya pinansin at nilagpasan siya.
"Xander, kailangan mong maniwala sakin. Si Athena ang espiya ng Sham Org." habol nito sakin hanggang makarating kami sa kusina.
"Ano ba Xander, ganun mo ba siya kamahal para hindi pansinin ang kasalanan niya?" narinig ko na naman siya habang nagbubukas ako ng Ref.
"Buhay niyo na ang nasa alanganin, pero pinili mo pa rin ang pagmamahal mo sa kanya?" hindi ko pa rin siya pinapansin habang umiinom ng tubig.
Kailangan kong mahimasmasan.
"Xander, makinig ka. Kailangan mo ng kumilos. Nasa paligid mo lang ang espiya. Gusto mo pa bang may mawala sayo bago ka kumilos?" galit na ito sakin.
Hinarap ko siya pagkababa ng basong ginamit sa sink.
"Agatha, ayokong idamay kayo sa gulo ng pamilya namin. Kaya huwag ka ng makialam." mahinahon kong saad sa kanya. Alam kong nag-aalala lang siya.
"Paanong hindi ako makikialam? Mahal kita at hindi ko kaya ang walang gagawin para sayo."
"Alam mong walang patutunguhan yan." paalala ko sa kanya.
"Bakit? Dahil kay Athena? Kung dati naiintindihan ko kung bakit hindi mo masuklian ang damdamin ko, dahil nakatali ka sa isang kasunduan. Pero ngayon, tinalikuran mo para sa panget na maid na yun? Bakit hindi mo nagawa sakin yun? Matagal na tayong magkasama pero bakit sa kanya pa na sandali mo lang nakilala?" naluluha nitong tanong.
"Alam mo naman ang sagot. Hindi kita mahal Agatha." mahinahon pa rin ako.
"No. Sumama ka sakin, magpapakalayo tayo. Pipilitin kitang mahalin ako. Gagawin ko ang lahat. I love you." nagulat ako sa ginawa niya
She aggresively kiss me.
Natigilan ako.
Bago ko pa siya maitulak narinig ko na ang napakalamig na boses niya.
"Get a room."
My Angel.
Dali-dali akong humiwalay kay Agatha.
Nakita ko ang walang emosyon niyang mukha.
Nakatitig lang ako sa kanya.
Anong iniisip mo Athena?
Namalayan ko na lang na papalabas na siya ng kusina.
"Wait, Athena." habol ko sa kanya.
Pinigilan ako ni Agatha sa aking braso.
BINABASA MO ANG
Royal MAID
ActionAlexander Aidan Versalles ay nakatakdang ikasal sa babaeng ni minsan ay hindi niya nakilala o nakikita, pero isang impormasyon ang tanging alam niya... Ang nakatakda niyang pakasalan ay isang Prinsesa.... Prinsesa ng Fransya. Ngunit magugulo ang...