Chapter 6

406 11 0
                                    


"Kamusta?" Tanong ko pag kaupo ko sa upuan. He smile at me pero alam kong may mali. Hindi naman kasi ganyan yung mga ngiting naipakita niya sakin noon. "I'm doing good, I'm okay." Aniya. Tumango tango ako sa kanya.

"Ahm, para saan pala 'to? Sabi mo sa message mo may sasabihin ka? Ano ba yun?" Tanong ko. He asked me kasi kanina kung pwede kaming mag meet at makapag usap.

Hindi naman nasira yung friendship ko with Juan. Juan and I we're really good friends. He saw everything and lagi pa nga siyang nag sasabi ng SANA ALL. Nagulat at nagalit din si Juan kay Javi. Hindi rin naman niya kasi alam at nung buong family nila yung ginawa ni Javi. They were also shocked when they found out what happened to us.

"It's about Javi." Wika niya. Napayuko na lamang ako. Ano ba ang dapat kong gawin? Ang gusto ko lang maka move on na. But why I can't do that? Palaging may hadlang.

"Juan-" he cutted me. "I know. I know that I'm asking for too much. I know and understand that you're still in pain and I can't blame you for that. But I-I can't just stand there and look at my brother like that." He said.

Mag kapatid sila. Ano pa bang aasahan ko. Kung ako rin naman ang nasa posisyon niya ngayon, gagawin ko rin ang ginagawa niya ngayon.

Pero bakit kaya hindi rin nila i-posisyon nila sa posisyon ko ngayon?

I mean, yes. Alam nila and they're always saying they understand me. Pero madali lang mag sabi ng mga ganung salita.

"He's wasted from the moment you told him to leave you and up until now, ganun parin siya. For what I can see, his life seems to have no direction na. Buti nalang off season na and walang mga games. But in training? May mga times na hindi na siya umaattend dahil pupuntahan ka daw niya. And in class, may mga araw at oras na hindi na siya pumapasok . I always asked him where he was going, he said that he would drink. At least in his dreams, he can be with you." He said.

I ran my fingers through my hair. Napapikit nalang ako. Bakit? Bakit mo 'to ginagawa sa sarili mo, Javi?

It's so frustrating.

Yes, galit ako sa kanya. Pero hindi ko naman gusto na masira yung kinabukasan niya nang dahil lang dito. Ayoko rin dumating sa point na masisira na niya yung buhay niya.

"Tsk." Tyler said. Napa tingin kami sa kanya.

"I'm just asking for a spare of your time. Kahit yun na nalang. Pakinggan mo lang yung paliwanag niya and after that? Ako na mismo yung mag sasabi sayo na hindi ka na niya guguluhin pa." Ani niya.

Lord, ano po ba ang dapat kong gawin?

Sa tuwing nakikita ko po kasi siya, nasasaktan po ako. Pinipilit ko naman pong kayanin, pero masakit talaga eh.

"Juan, look. It's been months. Simply, matagal na yun. Why he can't just move on nalang din? Mar-" hini natuloy ang pag sasalita ko when his phone rings.

He answered it. "What? Again? O-okay, okay. I'm on my way." Nag mamadali niyang ani. Humarap siya samin. "Guys, I'm sorry but I really have to go." Ani niya. Pinigilan ko siya. "Wait! Anong nangyari Juan?" Kinakabahan kong tanong.

"It's Javi, he went home drunk again."

Napa pikit ako. "Can I come with you?" Tanong ko. Agad siyang sumagot. "Of course." Tumango ako sa kanya.

Agad kong inayos ang mga gamit ko. Patayo na sana ako when Tyler hold my hand.

"No. Don't go." He said while holding my hand. His eyes were pleading. As much as I wanted, hindi pwede.

"I-I can't Ty. I-I hope you can understand me this time."

Mabilis ang pag papatakbo ni Juan pero maingat parin. Nag mamadali siya dahil alam niyang matutuwa ang kapatid niya kapag nalaman na kasama niya ako. I also didn't know why I'm doing this right now.

Alam ko na nasaktan ako. Pero sa state ni Javi ngayon? Kailangan ko narin sigurong pakinggan siya.

Oo, alam ko. Sinasaktan ko na naman yung sarili ko. Tanga na kung tanga, pero hindi ko parin kayang isipin na nag kaka-ganun siya nang dahil sakin.

Photograph Where stories live. Discover now