Chapter 28

267 10 3
                                    


"Anu nang balak mong gawin? Kasi, I really can't imagine how hard it is. Diba? Yung bigla nalang siyang naging ganun? You can't even explain why." Hanna said to me while showing her frustration.

I smile sadly to her. "Actually, I really don't know what to do. Hindi ko alam kung ano ba yung dapat gawin o sabihin sa kanya. Kasi, hindi ko naman alam kung anong nagawa ko e. Wala ni isang dahilan ang minsang pumasok sa utak ko para maging ganito na siya sakin." Ani ko. She sighed.

She's Hanna, one of my other friends. We met because of Juan and eventually we became friends. Nag kulang ako sa pera pambayad sa school ko nun and I really don't know kung kanino ako hihiram. Then Juan told me na may foundation yung kaibigan niya na tumutulong sa mga students by financially supporting them.

Doon siya sakin pinakilala si Hanna. Well, she's very rich. Yung dad niya ang may-ari ng foundation. Ipinasok niya ako agad doon. She really saved me. Ayaw niya lang talagang aminin. I'm so glad na naging kaibigan ko siya. Na kahit na magkaiba kami ng status sa buhay e, never niyang pinaramdam sakin 'yun. Lagi siyang nakangiti and nakakadala yung positivity niya.

Sa mga nakalipas na araw ay patuloy lang si Javi sa pag saksak sa puso ko. Habang tumatagal ay mas lalong nagiging malala ang pakikitungo niya sakin. Sa bawat araw na lumilipas ay siyang mas lalong pag layo naman ng loob niya sakin.

Para na kaming hindi magka kilala.

"Then, why don't you talk to him? Alam naman natin na hindi niyo 'yan maayos hanggat hindi kayo nag uusap." She asked. Alam ko na nag wo-worry lang siya sakin at ramdam ko rin yung stress niya. Napangiti ako.

"Pero ayaw niya eh." Malungkot kong ani sa kanya. Umirap siya sa hangin. "Edi pilitin mo. Force him to talk to you. Hindi pwede yung ganyan. Para ka ng tanga for goodness sake!" Wika niya. I mouthed relax to her. Hay nako, ito talagang babae na 'to.

Kasalukuyan na akong nandito sa tapat ng kwarto ni Javi. Nag aalinlangan kung bubuksan ko na ba ang pintuan. Totoo naman kasi si Hanna e. Walang mangyayari sa amin kung palaging ganito.

Kung ayaw na niya sakin, then sabihin niya.

Para naman hindi ako ganito.

Huminga ako ng malalim bago ko buksan ang pintuan. Nakita kong nanonood siya. Pinasadahan niya lang ako ng isang titig at pinatay na ang TV.

I bite my lower lip. Kaya ko 'to.

Umupo ako sa upuan malapit sa tabi niya. Hinuhugot ko pa ang lahat ng lakas ng loob ko para makapag salita.

"How are you?" Mahinahon kong tanong. Ilang segundo akong nag hintay ng sagot pero wala akong nakuha. Nakatalikod lang siya sakin at patuloy parin ang pag babaliwala ng presensya ko.

"I'm glad na okay kana. Slowly but surely ay nakaka recover kana." I tried to say it cheerfully. 'Yun ang mga balita ko mula kay Juan. Bumubuti naman na daw ang kalagayan ni Javi at patuloy naman daw ang progress ng mga ginagawang treatment sa kanya.

Kahit na alam kong hindi niya ako kikibuin, heto parin ako.

Magaling talaga ako when it comes to hurting myself.

"Javi... bakit?" Mahina kong tanong sa kanya. I've always wanted to ask him why. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang pag iyak. I'm tired of it.

"Did I do something wrong? Alam ko naman na marami akong pag kukulang at alam ko rin na kahit anong gawin ko ay hindi nito mapapantayan ang mga bagay na nagawa mo para sakin... pero bakit?" Tanong ko habang pinupunasan ang mga luhang kumawala mula sa aking mga mata.

"Bakit tayo umabot sa ganito? Why are you treating me like this?" Tanong ko at yumuko. I started to taste my tears. Patuloy lamang ako sa pag iyak dahil hindi ko na kaya.

Crying is a sign that you've stayed strong for too long.

Sinabi naman ng doctor na hindi naman na damage yung brain system niya o kahit anong parte sa ulo niya. Kaya bakit? Bakit ganito?

Gusto ko na kausapin niya ako. Gusto ko na sabihin niya lahat ng saloobin niya sakin para naman alam ko kung saan ako mag sisimula. Para naman alam ko kung ano yung gagawin.

Ang hirap nito, ang hirap ng ganito.

"I haven't feeling very well nung mga nakaraang buwan. I'm always sad and occupied. I cannot perform my day smoothly like I do before." Pag papaliwanag ko sa kanya. Sige, okay ng hindi niya ako kausapin basta ang mahalaga, masabi ko sa kanya yung nararamdaman ko. Baka kasi mapaisip siya at baka mabago kahit konti yung pakikitungo niya sakin.

"I'm always saying that, I'm okay. Pero yung totoo? I'm tired." Ani ko at yumuko. "Pagod ako. Pagod na pagod na ako. Pero hindi ko iniinda kasi alam ko na mas nahihirapan ka. Na mas iniisip kong maging malakas dahil ikaw yung mahina ngayon. You don't need a weak one." Dugtong ko. Hindi ba niya naisip na nahihirapan din ako? That I'm also in pain. Hindi nga lang physically, pero mentally? Puro bugbog na ako.

"Just because we don't talk anymore, it doesn't mean na malayo na ako sayo. Always remember that I'm always here for you." I reminded him. Baka kasi nakakalimutan na niya e.

"So, please... don't hesitate to talk to me."

Handa akong mag makaawa para lang muli niya akong pansinin.

Nagulat ako nang humarap siya sakin.

He is looking at me. But not the same eyes who I used to see before. It is cold and unknown.

"But I want you to leave."

Para niya akong pinana at saktong sakto sa puso ko. Huling huli, saktong-sakto ang sakit.

Hindi ako makapaniwala. H-how could he say that to me?

Napangiwi ako.

"Ganun na ba ako kawalang kwenta, Javi?"

Photograph Where stories live. Discover now