Chapter 1

1K 13 2
                                    


"Jamella! Sabi ko naman sayo diba? Kapag sarado na yung down the line, wag mo nang pilitin. Ayan ka na naman sa mindset mo na kailangan babasagin yung block eh." Sigaw ni Coach O sakin. Tumango tango na lamang ako sa kanya.

Coach naman! Kaya ko naman po kasing basagin yun eh. Tsaka mas mag kakaroon ako ng variation. Ani ko sa isip ko.

"It's okay, Jam. Ganyan lang talaga si Coach. Pero mahal ka naman niya." Natatawang ani sakin ni Ate Ponggay. Ngumiti nalang ako sa kanya at nag simulang pumulot ng bola.

Ganyan lang talaga si Coach O. Mahilig manermon at mang sita. In short, mahilig siyang mang-realtalk. Yung kapag may mga mali ka talaga, kailangan handa kang mapuna dahil alam mo naman na bantang huli, ay para sayo rin naman yung mga sinasabi nila.

"Okay! We're done for today. See you tomorrow, Girls." Pag papaalam sa amin ni Coach. Nag bow at nag pasalamat na kami sa kanya. Nag simula na kaming mag ayos ng court.

"How are you na, Jam?" Tanong ni Ate Maddie habang nag aayos ng net. Napalingon naman kami sa kanya. Kumunot ang noo ko.

"Paanong okay ako ate? A-ayos naman ako ah." Ani ko habang patuloy parin sa pag aayos. They face seems their not satisfy with my answer. I smirked at them.

Natawa naman silang lahat.

"Di nga? Yung totoo kasi! Kumusta na yung heartbreak mo?" Nag aalangang tanong ni ate. Napatigil naman ako sa ginagawa ko.

Naalala ko na naman siya.

Nag kunwari naman akong natawa.

Deep inside kasi, nasasaktan parin ako.

"Ano ka ba ate! Yung heartbreak, para lang sa mga may label. Kaya hindi pwedeng matawag na heartbreak yung akin dahil wala namang kami." Ani ko.

Yes, walang kami. Pero malapit na kami dumating dun eh. Kaso lang, nalaman ko yung totoo. Kaya ayun, nasira lahat. As in lahat.

"Nako. Sabihin mo lang talaga, susugurin na namin yun." Nag babanta niyang ani. Sumang ayon naman sa kanya yung mga teammates ko.

"Hayaan niyo na siya ate. I won't think of him anymore. Tsaka marami pang iba diyan. Hindi lang naman siya ang lalaki sa katipunan. HAHA!" Natatawa kong ani. Tumawa narin sila kasabay ko.

I always smile, always. Because smile can hide thousand of tears.

"Ay, shala oh! Tama yan, gurl!" Ani ni Dani. Pero mukhang may naiisip na naman 'tong babae na 'to. "Pero teka, kamusta na ba kayo ni Tyler? Uy! Baka meron na kayong label ni Tio ha!" Pang aasar niya sakin. Sabay sabay naman ngumisi ang mga teammates ko sakin.

"Tsk. Ano ka ba! Walang kami non no! Friends lang. F-R-I-E-N-D-S." Pag spell ko sa kanya. Para malinaw at wala nang paulit na tanong.

Tiningnan niya lang ako nang mapang asar na titig. Mga ravena nga naman oh.

Nang matapos kaming mag linis ay nag shower na rin kami para makauwi na. I'm just staying sa isang apartment malapit lang dito sa Ateneo. Apartment muna kasi hindi naman mayaman yung parents ko and sakto lang din yung kita nila to sustain us.

Pag katapos ko mag shower ay kinuha ko na ang gamit ko para makapag paalam na. Mag gagabi narin kasi, mahirap na makasakay nang ganitong oras.

"Mauna na po ako sa inyo!" Pag papaalam ko. They just waved at me. Nag lakad na ako palabas ng ateneo.

Habang nag lalakad ako, hindi ko maiwasan na mapatingin sa kapaligiran. Ang ganda at kalmado ng mga puno at halaman ngayon. Nakakahawa yung peaceful aura nila. Talagang kailangan ko 'to after a stressful day.

Being a student-athlete is not easy. Sobra kong pina-plano yung mga bawat gagawin ko dahil gahol ako sa oras. Samahan mo pa na morning and evening yung training.

Sobrang tanga ko talaga kasi kahit gahol na ako sa oras, naisingit ko pa siya dun.

Ang dami kong sinayang na oras.

Umupo ako sa isang waiting shed sa labas ng ateneo para mag abang ng jeep.

Kahit anong pilit ko, lagi ko parin siyang naaalala lalo na kapag nakikita ko yung mga lugar na madalas naming puntahan. I mean, yes I'm hurt. But the memories is still there.

Like, ito. Itong upuan na 'to. I used to wait him here para lang ihatid ako pauwi.

Nakaka takot dahil nasanay ako sa mga bagay na hindi naman pala totoo.

Photograph Where stories live. Discover now