Chapter 2

311 12 1
                                    

Jeron

"Idol! Pa picture naman po oh! Idol ko po kayo! Ang galing niyo po sa basketball!" Sabi sa akin ng batang babae na kaharap ko. Tumabi ako sa kanya at ngumiti sa Camera.

"Salamat. I hope nag enjoy po kayo sa panonood ng game." Nakangiting sabi ko dito at sa magulang nito.

"Siyempre idol! Nag enjoy kami. Thank you po ulit!" Sabi niya at tsaka tumalikod na para umalis. Lumapit na rin ako sa bench para kunin ang iba kong gamit at dumiretso na ako sa dug out para makapag pahinga at makaalis na rin. Sana walang training mamaya. Masyadong nakakapagod ang araw na ito. Not that na hindi pa ako sanay, Training sa umaga at gabi, Game day, then Fan services. Parang cycle, ganyan lang. Pero, atleast I am still playing for my alma mater, La Salle. Being a Senior player, I had to step up every game lalo na at ako ang Team Captain this UAAP Season.

"Jeron, si Billie pala andito. Hinihintay ka sa labas. Sige, pre." Paalam sa akin ni Kib. Teammate ko din.

"Sige Kibs, ingat." Ano naman kaya ang kailangan ni Billie at nag iintay siya sa labas? Baka may sasabihin lang? Naligo ako at nag ayos at tsaka umalis sa dug out para puntahan si Billie.

"Jeron Teng! You are so tagal naman!" Bungad agad ni Billie sa akin pagkakita ko sa kanya.

"Hi Billie, bakit ka pa andito? May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya. Well, nakakapagtaka naman talaga since, hindi naman kami madalas magkita ni Billie. Mas madalas niyang kasama ay sila Mika at Kiefer.

"Jeron! May ticket ako for Jane's concert! Pwede ka sumama? Mga busy kase yung niyaya ko eh. Please? Sige na. Minsan lang to." Paki usap niya sa akin. Jane? As in Jane Oineza?

"Billie, sinong Jane? Jane Oineza? Nandito na ba siya ulit sa Pilipinas? Kelan pa?" Sunud-sunod kong tanong sa kanya.

"Well, Yes. Si Jane Oineza nga. Andito na siya mga four days ago. Almost one week. Di mo ba napanood yung nasa ASAP siya? Ang ganda niya kaya lalo ngayon. Ganun ba talaga kapag nakapuntang USA. Tsk."

"I haven't watched it eh. May outing kami nun. Pero, ewan ko lang kung makasama ko baka kase may biglaang training si Coach. Mahirap na." Sagot ko rito.

"Ako bahala kay Coach. Sama ka ha? Ge, yan lang naman talaga pakay ko kaya kita inantay. Gusto kitang personal na yayain para mapanood si Jane Idol." Nangangarap niya pang sabi.

"Oo na. May dala ka bang sasakyan? Hatid na kita kung gusto mo?"

"Huwag na Je, may car ako. May pupuntahan pa din ako eh. Thank you na lang. Sige, Congrats pala ulit. Next game is against Ateneo right?"

"Yes, why? May type ka dun noh?"

"No, wala. Ang gusto ko lang sabihin is manonood kase si Mika, huwag niyo daw iinjure-in si Kiefer. Lagot daw kayo sa kanya." Natawa naman ako sa sinabi ni Billie. Mika talaga oh! Basta si Kiefer. Lovelife nga naman.

"Oo na, di namin hahayaan magka injury yun. Takot lang namin kay Taft Tower." Natatawa kong sabi.

"Sige na, at late na rin. Aalis pa ako. Ge, bye na. Congrats ulit!" Sabi niya at umalis na.

Dumiretso na rin ako sa parking lot at pumasok sa kotse ko.

Sumalubong sa akin ang katahimikan habang nagmamaneho ako pauwi.

*

p.s. Si Billie po ay friend lang ni Jeron, in real life. Wala po silag something if ever na may magtanong. Pero, ang alam ko, Crush ni Billie si Je. Siya po yung courtside reporter ng La Salle nung Season 75.

Sorry if maraming names ang na mention. Marami rin kasing circle of friends si Jeron lalo na at nasa La Salle pa rin siya in this story. Thank you.

JaRon: Let Go.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon