Chapter 3

277 8 0
                                    

Jane

"Miss Jane, rehearsals na daw po ulit sabi ni Direk. Good luck po!" Nangingiting tawag sa akin ng Assistant ko.

"Sige po, salamat!" Sagot ko. Tumayo na ako at tsaka nilagay sa bag ang cellphone at earphones ko. Dumiretso ako sa stage at nakitang ako na lang ang kulang.

Tumayo na ako sa gitna at tsaka kami nag simulang ipractice ang gagawin naming performance para sa gaganapin kong concert.

"Okay! Lalagyan na natin ng tugtog. Magbilang kayo lahat! Ulit tayo sa umpisa pag may magkamali. Sige na, kilos!" Sigaw ni direk at tsaka kami nagmamadaling ayusin ang pwesto namin.

"5, 6, 7, 8!" Sigaw ni direk sa amin at nagsimula na ang tugtog hudyat na ayusin namin lalo ang sayaw.

"Nakakapagod! Buti na lang natapos tayo ng medyo maaga. Makakapagpahinga pa ko para sa torture na naman bukas. Haay!" pagod na wika ni Eliza, ang bestfriend ko. Isa rin siya sa magiging guest ko sa concert ko. "Oo nga eh, buti na lang medyo na good mood si Direk. Hahaha." Natatawa tawa kong sambit tsaka kinuha ang cellphone ko para i check kung may messages ba ako. "Uy, may balita ako sayo, good news to. Ewan ko lang kung pano mo itetake ang news na to." Nakangisi pa si Eliza habang nagsasalita, pakiramdam ko may alam siya na hindi ko alam. "At ano naman yang good news na yan?" Tanong ko rito. "Nainvite namin ni Billie si Jeron na pumunta sa concert mo. Aaaaah!" Sabi niya at nagtitili. Tila nawala ako sa sarili ko. 2 years na rin ang nakalipas. Nahintay niya pa kaya ako? Paano kung hindi na? May iba na siguro siya? Si Eliza lang ang may alam na naging kami ni Jeron. I was planning to announce it na sana in public but, something happened. Things happen that eventually tore us apart.

"Jane, sigurado naman ako na kahit di na kayo. Alam ko na ikaw pa rin. Di ka bibitawan nun. Masyado kang mahal nun para iwan. Kaya wag ka na masyado mag isip. Isipin mo ang nalalapit mong concert, then, after that, you can talk to him na. You can atleast fix the things that you..." napatagal ang pagsambit niya sa sasabihin niya kaya napatitig ako sa kanya. " that you... messed up. It's time to make things go in their right places, so both of you can be happy." Paano ko gagawin yun? Gusto kong sabihin sa kanya. Simula ng magkahiwalay kami na ako ang may dahilan ay nagalit siya. Nagalit siya sa biglaan kong pag iwan sa kanya. Kaya, alam kong kahit anong try ko na ayusin ang relasyon namin, mahihirapan ako, dahil sobrang tindi ng grudge niya sa akin. Kung alam niya lang ang dahilan kung bakit ko nagawa yun, baka sakali na maintindihan niya ako.

JaRon: Let Go.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon