Distant and Cold

213 16 2
                                    


So, hi guys this your author I hope na magandahan kayo sa first story ko. Destroy the barriers for us to be free, read, write and empower.


CHANCE

Ewan ko ba simula noong nagging kami ni Tanya parang ang distant na sa akin ni Chris ewan ko ba ano nanaman kaya ang nagawa ko sa kanya, kaya binigyan ko siya ng space, pero hindi manlang niya ako kinikibo. Alam nyo ba nagtatampo na ako sa kanya kasi noong hinid pwede si Tanya ay niyaya ko siya na lumabas naman kami para nadin mabigyan ko naman siya ng time, pero ano, ano ang sinabi niya na wala daw siyang time pero alam ko namang vacant siya kaya hinayaan ko nalang. Lumabas ako ng school para pumunta muna sa Dairy Queen na dapat pupuntahan namin ni Chris pero ang nakita ko siya doon kasama si Keith.

Akala ko ba wala na siyang nararamdaman doon pero bakit kasama pa niya, ang galing din marami pala siyang ginagawa. At kapag ang ibang barkada ang nag papasama sa kanya ay nasama agad siya kahit busy siya. Pero ano to pag ako magpapasama kung ano-ano ang alibi niya sa akin. At kapag kami nalang ang maiiwan parang ilang- na ilang siya sa akin at bigla nalang siyang mag pho-phone call na parang may kausap kahit naman wala alam nyo ba na minsan inis na inis na ako.

Tao lang din naman ako, alam ko naman kapag iniiwasan ako pero kahit sa chat minsan i-si-seen lang niya, minsan nga delivered pa at mag rereply nga mga isang letter lang mga: K lang ganoon at inis na talaga ako. Ayos lang naman sa akin kung alam ko na nag-kasalanan ako sa kanya pero wala naman talaga akong ginawa ah.

Atsaka lalo na syang nawalan ng time sa akin dahil nga noong birthday ko umattend nga sya pero pag kabigay nya ng regalo ay hindi na siya kumain yun umalis na siya dahil birthday din daw noong Kriziah nayun nakahit si Jackie na sissy niya at si Keith ay sumama din sa kaniya, bale si Brylle lang ang natira sa amin. Ang lungkot ko noon wala parang kahit ang daming tao kahit si Tanya nandoon wala parang wala kulang. Ganoon ba kahalaga yung Kriziah nayun na talang birthday ko ay minadali niya, birthday ng bestfriend niya, wala hanggang ngayon ay hindi parin niya ako kinikibo pagod na ako.

Kaya mamaya iko-comfront ko na siya kung ano talaga ang problema namin nang matapos na tong kaabnormalan nato at sana naman ay mag-kaayos silang dalawa ni Tanya.

So alas otso ngayon at hinihintay ko nalang siya ditto sa labas ng room niya dahil alam ko na vacant niya ngayon, at noong makita ko siya ay agad ko siyang hinigit at dinala sa garden ng school. Nagpupumiglas man siya pero hindi ko siyya hinayaan na makatakas para makapag-usap na talaga kami.

Ano ba Chance, bitawan mo nga ako, hinihintay na ako nina sissy eh ano ba!!!!! Sabi ni Chris

Basta hanggat hindi tayo nakakapag-usap ay hindi kita pakakawalan. Sabi ko sa kanya, akmang ilalabas na niya ang cellphone niya ng bigla ko nalang hinablot at inilagay ko sa bag ko, baka makatawag pa ito ng back-up at madestruct pa usapan naming. Sa huli ay tumigil din siya sa kakaimik.

Chris may problema ba tayo? Sabi ko sa kanya

Hinde, wala, wala tayong problema, so may I go na. Sabi niya in a sarcastic way with matching pag-irap pa.

Oh, kung wala tayong problema bakit hindi ka makatingin sa mata ko. Sabi ko.

The, kailangan pa ba yon, can you please just let me go, gutom na talaga ako. Sabi niya.

Hindi, hindi ko pa nga alam ang problema natin kung bakit ka distant and cold sa akin, bakit ba? Ano nanaman ang nagawa ko, na even my birthday hindi mo pa pala balak puntahan, ano ba talaga problema? Sabi ko.

Wala may dahilan bako para iwasan ka at maging cold sayo? Sabi niya.

Chris naman wag mong sagutin ng tanong ang mga tanong ko sayo please kung may problema tayo sabihin mo ng hindi ako naguguluhan ng ganito. Sabi ko sa kanya.

So, aalis na ko wala din namang patutunguhan ang usapang ito. Sabi niya at iniwanan niya ako hinayaan ko nalang siya. Hindi ko talaga ine-expect na ganito matatapos to naganito nalang sana maayos panamin to kasi where bestfriends for fu*k sake.

SISSY/JACKIE

Hindi ko ng aba mawari kung bakit nag-kakaganito ang mga kaibigan ko ano ba talaga ang nangyayari, nagsimula lang naman talaga ito noong dinner noong ipinakilala ni Chance yung Tanya nayon sunod bongga may nangyari na jusko naman nakakalurkey na. Akala ko nga talaga noong una eh si sissy at si Chance eh, ewan ko ba sobrang sweet kaya ni Chance towards sissy.

So, kasalukuyan kong hinahanap ang babaita na yon saan ba yon nagsusuot ng may nakita akong tao sa garden mag isa.

Hey, Chance bakit ka tulala dyan? Sabi ko.

Ah, wala katatapos lang namin mag-usap ni Chris eh. Sabi niya

Oh, ano kamusta? Sabi ko.

Eh, di yon hindi nanaman maganda, ewan ko nga ba ano ba talaga ang problema naguguluhan na talaga ako, ano nanaman ba ang nagawa ko. Sabi niya

Alam mo ang maiipapayo ko nalang sayo is give sissy some time to think about things, kilala mo naman yon diba hindi kanaman noon matitiis eh, bestfriend ka kaya noon kaya hayaan mo na magkakaayos din kayo. Sabi ko.

Ano ba talaga ang problema noong dalawa ang ayos panaman noong isang araw eh, bad luck lang talaga yang Tanya nayan naku I smell something fishy talaga, nalo kung hindi nyo po nalalaman malakas po ang gaydar ko sa mga chakadoll nayan mga naku huhuh, isang tinggin ko palan, pero in the other hand I like the Kriziah girl may bago nanaman akong bestie.

CHRIS

Wala buong araw akong lutang sa mga pangyayari ito, sa comfrontation ni Chance sa akin ni Chance kanina. Gusto kong sabihin sa kanya kung ano ba talaga nag problema naming dalawa, kung gaano ako nasasaktan pag-nakikita kong may kasama siyang iba, bakit ba naman kasi ang luka-luka ko nafall pa ako yan nalaglag lang ako hindi man lang nasalo. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na malakas na ko nakaya ko nang i-open ang puso ko sa iba pero ano ito kahahanap ko pangalang ng bago taken na. Nako mahabaging gay bathalas hindi naman po ito sign na magiging single for life po ako. 

Hindi nyo naman po ako ginawang maganda para mamatay ng single at virgin huhuhuhuhuh. Pero while I'm looking sa future ko sino nga bang mag-mamahal sa akin eh bakla lang naman ako, hindi ko siya mabibigyan ng pamilya, ng anak wala ako eh. Alam nyo galit ako sa mga babae na siniSira lang ang buhay nila, napaka bless nga nila na kaya nilang mag buntis na kaya iniiwan ang iba dahil sila lang ang may kakayahang hindi kayang ibigay naming. Kaya sana lahat ng babae maging isang mabuting ina we are not perfect pero sana yung iba ay wag iwan ang mga anak nila dahil kawawa ang mga bata sa huli hindi sila.

Bakit sa lahat pa nang tao sa bestfriend ko pa at lalo na sa straight pa. Bakit ba kasi lagi nalang akong minamalas sa love, una kay Keith ngayon naman kay Chance ganda ng pangalan Chance hahahahaah, pero wala eh walang Chance maging kami. Kaya halos maiyak ako kanina kung bakit niya ako tinatanong kung bakit ako umiiwas. Dahil duwag ako duwag ako sa reality na wala na sya na taken na sya na lahat ng mahalin ko iniiwan lang ako. Takot lang naman akong mag isa.

Hindi sa akin mawawala ang thought na pwede akong iwan na pwede akong ipag-palit para mag kapamilya. Kaya today I will go with the flow nalang hahayaan ko nalang siya kung kay Tanya siya sasaya magiging masaya narin ako dahil sino lang naman ba ako bestfriend, bestfriend lang naman.




Pero kahit anong nangyari please support the book by hitting the like and vote button and please share this to your friends. Salamat at kung may errors feel free to comment it in the comment section.

Runway GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon