Ano'ng rason ng kanyang pagka-inis? Was she offended by the kiss? Or by the thought that he only offered to be her boyfriend just because he thinks that what she's doing is dangerous and also desperate?
Tuluyan na siyang lumayo kay Zeke. Mabuti dahil sa pagkakataong ito ay mas madali niya iyong nagawa. She successfully did because Zeke no longer tried to stop her from walking away.
Tinalikuran niya ang lalaki at nagsimulang maglakad patungo sa gilid ng kalsada. Gusto niyang humingi ng tawad kanila Jacko at Jerome ngunit mas nananaig sa kanya ang kagustuhang umuwi at ipahinga ang isip.
Zeke kissed her and she let him do it. Alam niya na kung hindi lang hilaw sa larangang iyon ay baka humalik na rin siya rito pabalik. Ngayon, dahil doon, unti-unti ay lumilinaw sa kanya ang tunay na nararamdaman para sa kinaiinisang kapitbahay.
Somewhere in between her thoughts, she booked a car from Grab to get her home. Ilang minuto pa bago ang pagdating ng sasakyan dahil sa malayong gawi ang panggagalingan no'n. Isang itim na motor ang huminto sa kanyang harapan. The scene was all too familiar. Hindi na niya kailangan pang lingunin ang driver upang makilala kung sino. The harsh beating of her heart tells her so.
"Ada..." malumanay na tawag sa kanya ng lalaki. "Sumakay ka na. Ako na ang maghahatid sa'yo pauwi. I promise I won't do anything stupid again."
It's not that. She realized it wasn't the kiss or his offer that makes her want to hide now. It wasn't just because she's offended. May ibang rason.
Hindi niya pinansin ang tanong ni Zeke. Nag-iwas siya ng tingin para abangan ang paparating na sasakyan base sa mapa sa kanyang cellphone. She heard him sigh deeply. Ngunit hindi na rin siya kinulit pang muli at tahimik na nanatili lang doon.
Dumating ang sasakyan na nai-book niya at mabilis siyang lumulan doon. Habang isinusuot ang seatbelt ay tinanaw niya si Zeke mula sa side mirror ng kotse. Naibaba na nito ang salamin ng full face head gear at sinipa ang foot gear shift ng motorsiklo.
Nang umandar ang sinasakyan ay umandar na rin ito. Hindi nawala ang paningin niya sa lalaki mula sa side mirror. He's following her car! Kahit kasi maaari naman ito'ng mag-overtake ay hindi ginagawa. Ni hindi nakikisingit sa mga sasakyan para mauna dahil sa traffic.
When the car parked in front of her gate, so was Zeke's motorcycle in front of his. Matapos makapag-bayad sa driver ay umibis na siya sa sasakyan. From her peripheral vision, she could see Zeke removing his head gear and watching her intently. Hindi na siya sumulyap pa rito.
She likes him. She likes him, alright!
Alam niyang masyado pang maaga upang tawaging pag-ibig ang nararamdaman pero gusto niya si Zeke. Feeling teenager na, sige, pero sa tingin niya ay crush niya ang lalaki! And she wanted to hide from him because it's her first time to feel something like this. At hindi niya alam kung paano ito iha-handle.
Zeke's the first man who has ever gotten her interest. Siguro nga kaya tumagal ng ganito na hindi siya nagkakaroon ng boyfriend ay dahil walang sinoman ang pumukaw sa kanyang interes katulad ng ginawa ni Zeke sa kanya. Pilit niyang inalala kung paano ito nangyari gayong wala namang espesyal sa mga ginagawa nilang dalawa ngunit hindi niya mahanap ang sagot.
She just woke up one day that she's happy being with his company. That she loves talking to him and loves spending time with him. Nilo-look forward niya ang mga tawag nito at ang pagsundo sa kanya kahit hindi pa regular iyon. Anything just so she could be with him and hear his voice. Na-appreciate niya rin kung paano siya alagaan at tulungan ng lalaki. Kahit na alam niyang kahit sino naman sigurong mangailangan ay gagawin pa rin ni Zeke ang mga iyon.
Sinapo niya ang noo nang tuluyang makapasok sa bahay. Hindi na niya inabala pang magbukas ng mga ilaw. Sumandal siya sa likuran ng pinto dahil nanginginig at nanghihina ang mga binti.
BINABASA MO ANG
DL Series #1: Dangerous Attraction (A SharDon Fanfiction)
RomanceOn her twenty-eighth birthday, Ma'am Ada Mendoza finally decided to make herself available for a romantic relationship. Bukod sa pagod nang maging mag-isa, natatakot din siyang kung hindi pa kikilos ngayon ay baka tumulad na sa mga tiya na naging ma...