Kabanata 34

30.2K 657 41
                                    

Kabanata 34

Bitch

Sa mga sumunod na araw ay naging abala kami ni Ezekiel. Sinulit rin namin ang huling araw namin sa Thailand at nilibot ang lugar. Ganoon rin ang ginawa namin sa iba naming layover. We're really happy and we're enjoying each other's arms while it lasts.

Kakauwi lang rin namin. Ngayon ay patungo na kami sa mansiyon, ihahatid lang niya ako pauwi bago siya umuwi. Sinabi niya sa aking may condo siya around QC at doon siya tutuloy.

Being with Ezekiel this past few days was a blast. Dinala niya ako kung saan-saan. Hindi niya rin ako pinapalapit sa kasama naming Captain at Co-Pilot. He's really possesive.

Pero hindi naman iyong dumadating ako sa point na nasasakal na. I love it when he does that though.

"I'll see you later, alright?" pamamaalam niya.

I nod my head and steal a quick kiss on his lips as a goodbye. "Yeah, see you later."

Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan niya bago pumasok ng bahay. Natigilan ako sa pagpasok ng namataan ko roon si Daddy. Iginala niya ang tingin niya sa akin hanggang sa paanan ko. I'm still wearing my pilot suit. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga ng makita ang ayos ko.

"Dad," sambit ko at niyakap siya.

Hindi niya ako niyakap pabalik kaya agad rin akong bumitaw sa kanya. I akwardly stoo infront of him.

"Pasok ka na, kanina ka pa namin hinihintay."

Agad akong tumango. Kinuha ko ang maleta ko at sumunod kay Daddy sa pagpasok. Kanina pa ako kinakabahan mula noong makita ko si Daddy 'roon sa gate.

Pagpasok ko'y sinalubong agad ako ng mahigpit na yakap sa aking binti. Si baby Anjo! How I miss this little Gad!

"Baby, namiss mo ba si Tita Ganda?" I chuckled.

Kinuha naman siya agad ni Gad sa aking binti at binuhat ito. Hinalikan ako ni Gad sa aking noo.

"Mamaya ka na makipaglaro kay Tita Ganda, may mahalaga muna kaming paguusapan," bulong ni Gad kay Anjo.

Kunot noo ko siyang tinignan. Magtatanong na sana ako kaso muli nanaman akong hinila ni Rish para sa isang mahigpit na yakap.

"Welcome back! Kamusta ang flight?" si Rish.

Niyakap ko rin siya pabalik. "Ayos lang at nakakapagod."

Nginitian niya ako ng matamis at hinila patungo sa sala. "Halika na! May kailangan tayong pagusapan. Gad, iwan mo na muna si Anjo sa tagapangalaga niya," baling ni Rish sa kanyang asawa.

Nalilito akong sumunod kay Rish habang si Gad naman ay ibinigay ni Gad si Luo sa tagapangalaga nito. Nang marating namin ang sala, nadatnan kong umiiyak si Mommy 'roon at inaalo siya ni Daddy.

Walang pagaalinlangan na tumungo ako sa harap ni Mommy na nakaupo sa sofa. Lumuhod ako sa kanyang paanan upang magtagpo ang aming mga mata. She sniff and suddenly pulled me into a tight hug. Hindi ako makagalaw sa aking kinalalagyan.

Hindi ko inaasahan na isang mahigpit na yakap ang isasalubong sa akin ng Ina. Nang makabawi ako ay agad ko itong niyakap pabalik habang hinihimas ang likod nito upang mapatahan.

"Ang anak ko! Sa wakas nakauwi ka na," hindi ko na rin napigilan ang paglandas ng luha sa aking mga mata.

Ito ang matagal ko ng gustong mangyari, five years ago. Ang mayakap muli ang aking Ina ng ganito.

"Noong umalis ka para sa flight mo ay ganyan na ang Mommy mo. Sabi niya ayaw ka na daw niyang umalis," paliwanag sa akin ni Daddy habang pinagmamasdan naming dalawa si Mommy na nakahiga at natutulog ng mahimbing sa kwarto niya.

Sinubukan ko siyang patahanin hanggang sa makatulog siya dahil sa kakaiyak. She loose a little weight. Nagaalala ako para sa kalagayan ni Mommy.

"Noong umalis ka patungong Amerika, halos magwala ang Mommy mo. Hindi niya alam kung saan ka nagpunta at nagaalala kami para sa'yo. Buti nalang at agad kaming tinawagan ni Nana Yolly noong umalis kayo kaya agad kaming umuwi sa mansiyon..."

"Pero pagdating namin doon, nakaalis na kayo. Iyak ng iyak ang Mommy mo habang galit na galit ako sa inyo ng mga pinsan mo. Kaya naisipan kong ipasarado ang cards mo para wala kang mapagkuhanan ng pera at baka maisipan mong umuwi... "

"Pero ang mga konsintidor mong mga pinsan ay pinahiram ka ng pera. Inaasahan ng Mommy mo na uuwi ka sa kasal ni Gad pero hindi kaya naman kinulit niya ng kinilit si Lao para pauwiin ka sa kasal niya..."

Napaluha nalang ako habang nakikinig sa mga sinasabi ni Daddy. Akala ko kinakamuhian na ako nila Daddy noon pa man. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maguilty dahil hindi ko sinubukang mag-reach out sa kanila sa loob ng limang taon.

Daddy pulled me into a tight hug. "Anak, sana mapatawad mo kami ng Mommy mo. Pilit ka naming ipinagtutulakan sa kursong hindi mo gusto. I just want you to know that the whole Dalio clan was so happy to have a Pilot in the family..."

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko at pagyakap ko pabalik kay Daddy. Akala ko noon hindi na nila ako kinikilalang anak at hindi sila proud sa kung anong narating ko dahil hindi man lang sila pumunta ng graduation ko. I was wrong.

"You'll always be my princess no matter what. I want you to be happy. Nandito lang kami ng Mommy mo para sa'yo."

"D-Daddy, I'm so so-sorry," paulit-ulit kong sambit sa kanyang dibdib.

"Shh, it's alright. Sige na, ako na ang bahala sa Mommy mo. Kailangan mo ring magpahinga."

Hinalikan ko si Daddy at ganoon rin ang ginawa ko kay Mommy bago tumungo sa sarili kong kwarto. Agad akong nahiga sa aking kama at ipinikit ang aking mga mata.

Napakagaan sa loob na malamang matagal ka na palang pinatawad ng mga taong nagawan mo ng mali. Ang mga taong hindi pala nagalit sa'yo kahit iniwan mo ng walang paalam. Hindi lahat ng tao ay marunong magtanim ng sama ng loob at isa na diyan si Ezekiel at ang pamilya ko.

Kahit sobra ko silang nasaktan, nagawa pa rin nila akong patawarin. Hinding-hindi ako mapapagod na mahalin sila ng buong puso. Ang kapatawaran ay para sa lahat dahil ang kapatawaran ay nagbibigay ng kapayapaan ng puso ng bawat isa.

Dapat matuto tayong magpatawad kahit gaano man kabigat ang nagawa sa atin ng isang tao. Forgiveness is knowing what happened and forget about it.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa kaginhawaang nararamdaman ko.

Handle With Care (Law Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon