Kabanata 36
Hatred
Kinagabihan ng araw na 'iyon, hindi pumunta ng bahay si Ezekiel katulad ng sabi niya sa akin bago niya ako ihatid rito sa mansiyon. Kahit papaano'y umaasa akong pupunta siya upang sunduin ako sa napagusapan naming dalawa.
Nginit walang Ezekiel na dumating. Isa lang ang ipinapahiwatig ni'yon... Totoo lahat ng nasa litrato at hindi nagsisinungaling sila Gad at Luo.
Hindi ako magtatanim ng galit kay Ezekiel kahit napakasakit ng ginawa niya sa akin. Because hatred is for people who doesn't know the true meaning of maturity. I wouldn't also dare to take my revenge on them because all of it will be pointless anyway. Hindi naman mawawala ang sakit na naidulot nila sa akin kung maghihiganti ako.
"Kuya Gad, aalis ako bukas. Papasok ako sa trabaho."
Nakangiti kong sabi sa pinsan kong pinagmamasdan akong mabuti. Tatlong araw na ang nakalipas matapos kong malaman ang tungkol kay Ezekiel but they never see me cry again after I bursted a lot of tears in my room. Pinipilit kong hindi ipakita sa pamilya ko na nasasaktan ako.
Iginugol ko ang oras ko kay Baby Anjo at kay Mommy. Atleast sa ganoong paraan, nagiging occupado ang isip ko. That was the most peaceful yet painful three days of my life. Hindi ko pa rin maiwasang hindi maisip si Ezekiel.
Matagal ko ring pinagisipan kung papasok ba talaga ako bukas. Alam ko namang maliit lang ang possibilidad na makita namin ang isa't-isa sa airline company dahil sigurado akong abala siya sa opisina niya.
"Are you sure? Dahil kung ako ang tatanungin, hindi ako papayag. Halika 'nga rito."
Tipid akong ngumiti at lumapit sa sofang kinauupuan niya. Pinuntahan ko kasi si Gad rito sa kwarto nila ni Rish para ipaalam sa kanya ang naging desisyon ko. Hindi rin magtatagal at aalis na sila rito sa mansiyon dahil bumili si Gad ng sarili nilang bahay around Quezon. Kahit may bahay naman na si Gad sa Tuguegarao, gusto rin niya na may bahay sila malapit sa mansion namin rito sa Maynila.
Niyakap niya ako ng mahigpit. "You can let out those tears, Nique. Stop hurting your self," doon na nagsiunahan ang paglandas ng mga luha sa aking mga mata.
Kuya Gad really knows me. Alam niya kung kailan ako nasasaktan ng sobra. Kapag tinawag niya ako sa pangalawa kong pangalan, that means he's really serious or worried. Simula umpisa, hindi nila ako iniwan ni Luo. And I'm really thankful about that.
"K-Kuya, paano kayo naging isang perfect couple ni Rish?" kuryoso kong tanong.
Sa tuwing nakikita ko kasi silang magkasama, wala akong ibang naiisip kung hindi kung gaano sila ka-perpekto para sa isa't-isa. The way they stare at each other, the way they hold each other, just seeing them together says it all.
He laugh. "There is no such thing as a 'perfect couple', Nique. Nasaktan muna namin ang isa't-isa, ang dami 'ring problema na dumating. I would not ashamed to tell that I fall in love with a pilot or rather a lieutenant..."
"To tell you the truth, napakasarap magmahal ng isang babaeng piloto. She'll not just fly you to the sky but could also bring you to the edge of euphoria. He's not your loss but your his loss. Smile, sayang ang ganda ng Princessa ko. Paligaw ka na dun kay Escosa!" natawa naman ako sa sinabi niya.
Nagawa pa akong ireto sa kaibigan niya. Kahit kailan talaga hindi mawawala ang kakulitan ng mga pinsan ko. Namiss ko tuloy bigla si Luo. Time past by quickly. Dati lang naliligo pa kaming tatlo sa ilog Cagayan pero tignan mo nga naman ngayon, may sarili ng pamilya ang dalawa.
And here I'am being problematic about my love life that I don't even really have from the beginning...
"Kuya, nagpasalamat na ba ako sa inyong dalawa ni Luo? Mula noong bata pa lamang tayo, lagi kayong andiyan para sa akin."
He hug me tightly. "Yes at maraming beses na. Kahit may sariling pamilya na kami ni Luo, we'll always be here for you. Ikaw kaya ang paborito naming pinsan," natawa naman ako sa sinabi niya.
I snorted. "Paano? Puro lalake ang mga pinsan niyo sa Mother side! Ako lang ang Princessa niyo'ng dalawa."
"Of course you are! Hindi ko inakala na magmamature ka pala habang lumalaki ka. Akala ko habang buhay ka ng immature," pang-aasar sa akin ni Gad.
Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. Nakakainsulto siya ha! Pero tama naman ang sinabi niya. Dati'y isa akong brat. Kung anong gusto ko, nakukuha ko. But when I met Ezekiel, pinatunayan niya na hindi lahat ng gusto at nais ko ay mapapasa-akin. At isa na siya 'roon.
Kailangan kong tanggapin 'iyon mula noong umalis ako patungong Amerika hanggang ngayon, kailangan ko pa ring tanggapin. Acceptance was the only way to move forward and even without him, I'll continue moving forward.
"Akala ko 'rin Kuya. Hindi ako makapaniwala."
Pagak siyang ngumiti sa akin. "Maliit pa man tayo, kilala at alam na namin kung sino ang magiging fiancee mo."
"What?" nalilito kong tanong.
"Noong seventh birthday mo, sa Cagayan ginanap ang birthday party hindi ba?" tumango-tango naman ako bilang sagot.
"Luo and I, overheard Ezekiel's parents and your parents talking about your engagement. Noong seventh birthday mo ring iyon, doon mo nakilala si Ezekiel. Do you remember?"
Wait... I think I remember him. He's the snob boy! Iyong inabutan ko ng cookies pero hindi niya tinanggap!
"He's the snob boy?" hindi siguradong tanong ko.
Gad smiled then nod his head. "Siya 'nga, noon pa man napaka-sungit na niya. Pero hindi mapagkakaila na matinik sa babae. Alam mo ba noong gabing iyon rin ay nahuli namin siya ni Luo na may ka-holding hands na babae sa bakuran?"
Di makapaniwalang tumingin ako kay Gad. Noon pa man ay napaka-babaero na pala ni Ezekiel. He's what? Two or three years ahead of me, so he's probably ten years old that time.
"Doon rin sila naging magkaibigan ni Luo, binantaan kasi siya ni Luo na isusumbong namin siya sa parents niya. Nagmaka-awa si Ezekiel kay Luo para hindi siya isumbong. Pumayag si Luo pero ang kapalit ay ang pagiging magkaibigan nila..."
"Sa paraang 'iyon...mababantayan namin si Ezekiel at mailalayo sa mga babae. Pero wala, natural na habulin sa babae ang ipinagkasundo nila sa'yo," iiling-iling pa si Gad.
I laugh and shook my head. Noon pa man ay alam ko na iyon. Hindi na bago sa akin iyon pero napakasakit pa ring isipin na habang tinutunaw niya ang yelong nakabalot sa puso ko, may iba pala talaga siyang gusto. Pina-amo niya lang ako.
Minsan ang mga pagsubok na dumadating sa ating buhay ay nagsisilbing isang aral. Kailangan nating matuto para tayo'y lumago at magbago.
I'll never hate nor dispise Ezekiel because without him, I would never grow this much despite the pain and sadness. I'm still thankful.
BINABASA MO ANG
Handle With Care (Law Series #1)
RomanceEverything was so easy for Atty. Ezekiel Ricoh Verdad. Nagawa niya pang pumasa sa board exam ng walang kahirap hirap. Pero ginulo ng isang babae ang sistema niya. She make him emotionally, physically and sexually frustrated. That is his future wife...