Chapter 3

45 11 1
                                    

Chapter 3

Napabalikwas ako dahil nakarinig ako ng pagkabasag ng kung ano sa ibaba. Nagdadalawang isip pa ako kung pupuntahan ko 'yon o wag na dahil baka may magnanakaw. Ni-lock ko naman ang pintuan pagkapasok ko ng bahay, ah?

Dahan dahan akong bumababa sa hagdanan, pinapakiramdaman kong mabuti kung may gumagalaw, pero nang makita ko ang kusina, nakita kong nahulog ang basong pinag-inuman ko kanina. Kaya naman pala, bukas ang bintana ko. Baka may pumasok na pusa. Sa susunod nga ay hindi na ako magbubukas ng bintana, kagaya ng sabi ni Zack, always lock the doors and windows daw.

Isa isa ko nang pinulot ang mga malalaking tipak ng bubog nang may mapansin ako sa ilalim ng lamesa. Isa itong parihabang papel, may kulay pula na nakamarka dito ngunit hindi ko mabasa kaya nilapitan ko ito.

Hello

Napakunot ang noo ko sa nabasa ko. Para itong isinulat gamit ang kulay pulang paint kaya mukang dugo. O dugo talaga ito? Kinilabutan ako sa naisip at nagimbal ako nang makita ko ang nasa likod ng papel na ito.

Picture ko ito habang natutulog. At kung hindi ako nagkakamali, kagabi ito. Kaparehas ng suot kong damit kagabi ang suot ko sa larawan na ito. Sinuri ko nang mabuti ang larawan, napansin ko na nasa pinto ang kumuha nito dahil hindi naman ganoon kalapit ang pagkuha. Nakaramdam ako ng takot at matinding kaba. Sino ang pumasok sa bahay ko? At bakit n'ya ko kinuhanan? Anong kailangan n'ya sa'kin?

Biglang pumasok sa isip ko ang box na nakita ko sa bag ko. Gusto kong malaman kung may koneksyon ba 'yon sa nakita ko kaya agad akong umakyat para makuha 'yon.

Lumala ang takot na nadarama ko nang makita kong puro larawan ko ang laman ng box na iyon. Mayroong naglalakad, nagsusulat, nasa mall, at nasa bahay. Wala na akong ibang nakita pa dahil puro pictures lang 'yon. Kabado ako dahil sa nakita. Kung sino man ang naglagay nito dito, paniguradong palagi n'ya akong sinusundan. Anong kailangan n'ya sa'kin? May atraso ba ako sakanya?

Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Allyson upang magpasundo. Gusto ko na pumunta sakanila dahil pakiramdam ko ay hindi ako safe dito. Nakapag-prepare na naman ako ng mga damit ko at mga kakailanganin sa tatlong araw kong pagtulog sakanila kaya naghintay nalang ako hanggang sa makarating s'ya.

"Wag na kaya tayo pumasok bukas?" suhestiyon n'ya sa gitna ng byahe. Bad influence talaga ang isang 'to, "Ay, may quiz nga pala!" pagbawi n'ya.

Hanggang ngayon ay pre-occupied pa rin ang utak ko dahil sa mga nakita ko. Itinabi ko nalang muna 'yon sa cabinet ko. Sana hindi na 'yon maulit. Nakakatakot masyado. Feeling ko may sumusunod sakin anytime.

Lumingon ako sa likuran ng kotse upang tingnan kung may nakasunod sa'min at napanatag naman ako dahil wala. Nagdadalawang isip ako kung ike-kuwento ko ba kay Allison o wag na dahil baka mag-alala lang s'ya.

Naisip ko na baka napagtrip-an lang ako ng kung sino kaya ginawa 'yon. Pero bakit kailangan n'ya akong sundan palagi? Dahil ang mga nasa pictures ay kuha ko sa mga lugar na pinupuntahan ko madalas. Ang creepy!

Ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong bagay sa buong buhay ko. Ngayon lang. May alam kaya dito si Zack? O baka si Zack 'yon, pinaprank lang ako?

Mag gagabi na nang makarating kami sa bahay nila Allyson. Malaki ang bahay nila pero madalas ay walang tao kundi s'ya lang. Hindi naman kasi mahilig umalis ang isang 'to. Kapag aalis s'ya gusto n'ya kasama ako o kaya si Calvin. Hindi naman namin ganun kadalas nakakasama si Calvin pag sa usapang mall or galaan, may mga ibang tropa rin naman si Calvin na mga lalaki na madalas n'yang samahan. Syempre, sila mas magkakavibes.

Kumakain na kami ngayon ng dinner dahil pagkatapos nito ay gagawa pa kami ng mga assignments na binigay sa amin kanina. Atat na atat na nga s'ya matapos yun para daw maabangan namin ang kapitbahay n'ya sa veranda ng kwarto n'ya.

Elizabeth (Vlademour Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon