Chapter 13

25 4 0
                                    

Chapter 13

Balik school nanaman kaya maaga akong bumangon para maghanda ng agahan ko. Tamad na tamad ako dahil inaantok pa ako.

Ang lungkot ng mga araw na nagdaan. Ghinost ako ni Zack. Hindi na s'ya nagparamdam. Nasaan na kaya ang bampirang 'yon? Kahit ang mga kapatid n'ya ay wala na rin akong balita.

Gabi gabi akong nakatulala lang sa harap ng bintana ko. Umaasang may darating na sasakyan. Umaasang dadating s'ya.

Pero nagdaan na ang maraming araw, wala pa ring Zack.

Nakakainis lang, bakit hindi manlang s'ya nagsabi? Bakit di manlang n'ya ako ininform? Edi sana alam ko kung may hinihintay pa ba ako o wala na.

Hirap naman mainlove, ang sakit pala.

Hindi ba pwedeng puro saya lang? Bakit kailangan makaramdam pa ng sakit? Bakit kailangang masaktan pa?

"Hoy girl! Tulala ka nanaman!" bumalik ako sa katinuan nang maramdaman ko ang paghampas ni Allyson sa braso ko, "Hayaan mo na 'yon, babalik din 'yon!" siguradong saad n'ya kaya napakunot ang noo ko.

"Sure ka?"

"Hindi," nagkibit s'ya ng balikat, "Pero feel ko naman, hindi si Zack yung tipo ng taong iiwan ka nalang sa ere," nakangiting sambit n'ya. Alam kong gusto n'ya lang pagaanin ang loob ko pero ang hirap lang kasi nawawalan na ako ng pag-asa.

Bumuntong hininga s'ya, "Hay nako, kaya ayokong mainlove e. Pa crush crush lang," sambit n'ya.

"Weh, di ka inlove kay Calvin?" tanong ko na nakapag pangiwi sakanya.

"Hindi, no!"

"E kay Felix?" tanong ko habang tumatawa, sigurado kasi akong maiinis s'ya kapag si Felix ang usapan.

"Hell no!" umirap pa s'ya, "Mas gugustuhin ko pa mamatay kesa mainlove d'yan! Ayoko ngang nakikita 'yan e," inis na sambit n'ya.

"Bakit?"

"Muka s'yang laging nang-aasar! Mukang walang gagawing matino!" high blood na sambit n'ya.

"Oh, chill," ani ko habang tumatawa. Mapang bwisit naman kasi talaga ang dalawang 'yon pero hindi naman ako binibwisit ng dalawa o ni Felix kagaya ng pambibwisit n'ya kay Allyson.

Mabilis natapos ang araw at napagpasyahan kong mamasyal muna sa mall. Mamimili rin kasi ako ng mga pagkain dahil naubusan na sa bahay.

Three times a week lang ang pasok ko sa pinag-applyan kong trabaho. Okay lang naman yon dahil maganda pa rin naman ang sahod.

Sinamahan ako ni Allyson at Calvin ngayon dahil wala naman daw silang gagawin. Ayos, may tagabitbit ako. Charot.

"May pinopormahan pala 'tong si Calvin, sis! Hindi tayo ininform," sambit ni Allyson sa kalagitnaan ng pagkain namin. Napatingin naman ako kay Calvin at agad s'yang sinundot sa tagiliran.

"Yieee, sino?" sinundot sundot ko pa s'ya kaya mas lalong namula ang tenga n'ya.

Hinuli n'ya ang kamay ko para pigilan, "Hindi n'yo naman kilala. Taga ibang university. Tsaka ko nalang ipapakilala kapag sinagot na ako," nakangiting sambit n'ya.

Umakto naman akong nalungkot bago magsalita, "Edi wala na ang ship kong #AllyVin," nag-pout pa ako.

"Gaga!" agad akong binatukan ni Allyson, "Ew, disgusting," maarteng saad n'ya. Tumawa lang si Calvin habang umiiling iling.

"'Yan, sa kakaarte mo hanggang ngayon wala ka pa ring boyfriend," tinuro pa s'ya sa muka ni Calvin at pinagtawanan.

"So what? Atleast I'm happy!"

Elizabeth (Vlademour Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon