In The Waves Of Love

4 2 0
                                    

     Abala ako sa pag-iimpake ng mga dadalhin ko sa beach resort na pupuntahan ko, may business trip kasi ako sa isang Beach Resort sa Cebu para mag-close ng deal.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga dadalhin ko ng bigla na lang marahas na bumukas ang pintuan ng kwarto ko, nilingon ko yun at nakita si Mama na diretsong nakatingin sa akin at galit na galit.

Anong nangyari dito?

"Yes, Ma?" tanong ko sa kaniya, indicating kung anong kailangan niya sa akin. Huminga siya ng malalim— pinapakalma ang sarili niya, ibig sabihin galit nga talaga siya. Pero bakit?

"Ivana Marie Pascual!" sigaw niya na ikinagulat ko, kaya ayaw kong nagagalit 'to, eh. Mada-damage eardrums ko. "Ano 'tong nabalitaan ko na pupunta ka ng Beach Resort, ha?!" galit na galit talagang tanong ni Mama, napairap ako sa narinig.

So that's the reason, nalaman niya na sa Beach Resort ang punta ko. Hindi ko alam kung bakit ganyan siya ka-galit na galit tuwing mapapalapit ako sa dagat, nagiging super duper OA niya tuwing mababalitaan niya na sa Beach Resort ang punta ko.

Dati pa man ganyan na si Mama, kaya tuwing may mga outing na ang location ay sa Beach Resort ay hindi ako nakakasama. Mapa-school activity man o family bonding, kapag sumama kasi ako, magiging swimming pool ang sana'y dagat na pupuntahan nila.

'Dagat na, naging pool pa.', ayokong marinig ang litanyang yan sa mga madi-disappoint na sasama. Kaya ako na lang ang naga-adjust, but things are way too different now. Nasa tamang edad na ako para mag-decide kung susundin ko ba si Mama o hindi, hindi naman sa nagre-rebelde ako, trabaho 'to kaya kailangan talaga.

"Ma, trabaho ang sadya ko dun. Isa pa, kailangan kong ma-i-close ang deal na 'to dahil pangarap 'to ni Daddy." mahinahon kong paliwanag sa kaniya, si Daddy— asawa siya ni Mama of course, but he's not my biological father. Step Dad ko siya, pero mahal na mahal ko siya as my father— dahil ganun din naman siya sa akin.

May anak silang dalawa ni Mama na lalaki, si Ivan Mac Pascual my little brother, he's 18 years old while I'm 26. Mahal na mahal ko yun kahit napaka asshole niya, a man of every woman's dream and biggest nightmare.

"Pero anak, 'di ba nag-promise ka kay Mama na never ka na tatapak sa mga ganung lugar?" kalmado nang tanong sa akin ni Mama, she sounded like talking to a 8 years old little girl.

Huminga ako ng malalim, feeling frustrated. Mahirap i-convince si Mama, lalo na kapag about sa akin o kay Ivan ang pinag-uusapan.

"Summer Vacation naman na ni Ivan Ma, isasama ko siya. Okay na ba?" sabi ko kay Mama, hoping na mapapayag ko na siya. Hindi naman kasi pwedeng si Mama mismo ang sumama sa akin, kailangan siya ni Dad dito— lalo na at may auction silang pupuntahan sa isang araw.

Nagliwanag ang mukha ni Mama at tila nabuhayan, ibig sabihin she liked what I said. Naging maayos ang mood ni Mama after ng nangyari sa kwarto ko, ngayon kailangan ko ng i-inform ang kapatid ko.

"Ma'am nandiyan na po si Sir." pagbibigay-alam sa akin ng kasam-bahay, pinakisuyo ko kasi na ipaalam sa akin kapag dumating na si Ivan.

Tumango ako at sumunod sa pagpasok sa bahay, sana hindi wasted ang kupal na yun. Mahirap kausap yun kapag wasted, eh.

I knocked at his door pero hindi niya binuksan.

"Ivan Mac Fcking Asshole Pascual! Open this damn door or I'll cut your thing!" pagbabanta ko nang mainis na ako, napaka-tagal kasing buksan. Wala pang limang segundo ay bumukas na ang pinto, bumungad ang half naked na Ivan sa harapan ko.

Sanay naman na ako, dahil lagi lang yan naka-boxers kapag nandito sa bahay. Ang umagaw ng attention ko, ay ang mukha niya na parang inihampas sa pader.

In The Waves Of Love (One Shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon