Kabanata-Tatlo

74 10 2
                                    




"Bakit kapa nandito? Pagkatapos mong lumandi pupunta ka ngayon sa bahay!?" Napapikit ako sa sigaw ni Dad. Naiiyak ako, Pero kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko.

"D-dad h-hindi po ako y-yon. M-maniwala po kayo sakin." Pagmamakaawa ko. Nakaluhod na ako ngayon sa harapan nila. Nasa likod ni Dad si Mom at ang iba kong mga kapatid.

"Nakakahiya ka, Heaven! God! Pinag aral kita! Maayos ang pagpapalaki ko sayo pero bakit ito ang ginawa mo!? You even ruin our names!" Hindi ko na nakayanan, Tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

"M-mom s-sorry please? S-sorry po. M-mom D-dad."

"B-bakit mo ginawa 'yon, Heaven?" Hindi ako makatingin sakanila. Ano ang sasabihin ko? Wala. Hindi ko sila mapipilit.

"Ikinahihiya kitang anak, Wala akong anak na pokpok." Napahikbi ako sa sinabi ni Dad. Tinalikuran nila ako ni mom. Tumalikod narin ang mga kapatid kong babae. Tiningnan ko si kuya na naawang nakatingin sakin.

"K-kuya na-naniniwala ka sakin 'di ba?" Umiwas ng tingin si kuya sakin. Tinalikuran niya rin ako. Tinalikuran ako ng pamilya ko. Sila nalang ang natatangi kong pag asa, Bakit kailangan pati sila ganon rin?

Pero kahit na anong gawin ko, Hindi sila maniniwala sakin. Walang maniniwala sakin dahil sirang sira na ako. Sinira ako ng taong pinakamamahal ko. Sinira niya ang buo kong pagkatao. Pinagkatiwalaan ko siya pero wala rin pala. Kahit na ganon hindi ko siyang magawang ilaglag. Mahal ko siya, Hindi ko siya kayang makita na may mga taong galit sakanya. I can't bare that. Mas mabuti nalang siguro 'to.

Pinunasan ko ang luha ko, Pero walang nangyayari patuloy parin na naglalaglagan. Napapikit ako ng maalala ko ang ginawa ni Chase sakin. He declared na isa akong bayaring babae. Nakapost lahat sa social media ang muka ko na nagtra-trabaho sa isang bar. Meron pa don na nakikipag halikan ako sa kung sino sino. Kahit mamatay pa ako ngayon, Hindi ko kayang gawin ang mga bagay na 'yon. Bakit ko gagawin 'yon kung may iniingatan akong career? Nagawa ko lang mag trabaho sa bar dahil sa kaibigan ko. Ang kaibigan ko na isa rin palang traydor.

"H-heaven." Napatingin ako sa lalaking nag salita sa likod ko. Nakatingin siya sakin gamit ang naawang tingin. Gusto kong natawa, Bakit ka maawa kung ikaw gumawa nito? Kahit na nanghihina ako nagawa ko paring tumayo. Ngumiti ako ng mapait sakanya. Malamang nasaksihan niya pano ako ipagtabuyan ng pamilya ko.

"Happy? Of course you are. S-sinira mo nga diba?" Natatawa kong sabi. Lumapit ako sakanya. Hindi aiya makatingin sa mga mata ko.

"C-chase, I-." Niyakap ko siya kahit na siya ang sumira sakin. He didn't hug me back. Umalis ako sa pagkakayakap sakanya. Of course he wouldn't hug me back. Bakit pa ako umasa?

"I wish I could hurt you the way you hurt me, B-but I know if I had the chance, I wouldn't. Mahal kita e."



"Nivara! Hoy okay ka lang?" Nabalik ako sa wisyo ko ng marinig ko ang boses ng kaibigan ko. Hindi ko alam bakit natulala ako sa tinawag sakin ni Aiden.

"H-huh?"

"Susme kako okay ka lang ba?" Nag aalangan akong tumango. Tiningnan niya si Aiden na nakatingin sakin. I mean silangblahat nakatingin sakin.

"Why did you call her Heaven?"

"A-ah? Tinawag ko ba?" Pilit na ngiti ang binibigay niya. Tumawa rin ng pilit ang magpipinsan.

"Oo, Di ba? Narinig niyo?"

"Hindi ah! Baka nag kakamali ka lang, Chel. Magtutuli ka kasi." Lumapit si Rachel sa lalaki. Sinuntok niya 'yon sa balikat. Ang bayolente niya talaga.

"Hi, I'm Eurika Creed. Nice meeting you, Nirvana. Right?" Tumango ako sa babaeng naupo sa kanan ko. Tumingin narin samin ang iba.

"Magpapa-" Naputol ang sasabihin ng lalaki ng may sumigaw.

"Creed's the event will start now!" Nag tayuan na sila.

"Sorry, Nirva. Alis na muna kami. Sana makapag bonding tayo." Tumango ako sa sinabi ni Eurika. Muka naman siyang mabait.

Pagkatapos non umalis na silang lahat. Naiwan kami ni Rachel sa loob.

"Hoy! Labas na tayo panoorin natin sila." Hindi pa ako nakakasagot ng hilain niya na ako.

Paglabas namin halos maduling ako sa mga nakikita ko. Mas lalong dumami ang tao. Nakita ko ang iba na napapalingon samin since nasa taas kami ng hagdanan. Nakita ko sa mga muka nila ang pagkagulat ng makita ako? Ako ba? Tumingin tingin ako sa gilid ko wala namang tao bukod sa kaming dalawa lang ni Rachel ang nakatayo o baka naman si Chel ang tinitingnan.

"Te ganda mo kita mo mga tao nakatingin sayo." Bulong ni Chel. Kumunot noo ko.

"Para nga silang nakakita ng multo, Sira! Lika na nga." Katulad kanina nakatungo akong naglalakad. Marami rin kaming nababangga.

"Gaga ka tumingin ka nga sa dinadaanan mo wag kang tutungo." Hindi ko siya gano marinig dahil nagsisimula narin ang emcee na mag salita sa harapan. Nasa tapat kami ng gate. May dadaanan pa kaming pathway bago makarating sa mga taong nagsasaya. Pero kahit na ganon kita parin mula rito ang stage.

"Aray! Takte naman wala na nga tong takong natapilok pa ako." Yumuko ako para masahiin saglit ang paa ko. Ngayon ko lang napansin na wala na sa tabi ko si Rachel. Nasan na ang babae na 'yon? Kakaunti nalang rin ang tao. Tumayo na ako, Bahala na nga 'yan.

Hindi ko magawa sumigaw, Nakakahiya sabihin ng mga tao wala akong pinag aralan. Napabuntong hininga ako. Magsisimula na sana akong mag lakad ng may nakabangga sakin mula sa likod. Napapikit ako, Inaantay ko ang pagtama ng katawan ko sa lupa. Pero ilang segundo na ang lumipas hindi ako nahulog. Pakiramdam ko may nakapalibot na mga braso sa bewang ko. Alam kong nakaharap na ako sa taong nakahawak sakin.

"Heaven."

Dahil sa lambing ng boses na 'yon, Unti unti kong minulat ang mata ko. Pigil ang hininga ko nang makita kong isang gwapong nilalang pala ang nakahawak sakin. Magkalapit rin ang muka namin. Hindi ako makagalaw, Wala akong ibang marinig na boses. Tangi kong naririnig ang pintig ng puso ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako, Nasasaktan ako.

"Nirvana! Jusme naman babae, Pasensiya na po Mr. Hunter tanga po talaga ang kaibigan ko." Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang boses ng kaibigan ko. Natulak ko ang lalaki. Halata sa muka niya ang pagkabigla. Hindi niya inaalis ang tingin sakin. Naiilang ako sakanya.

Pero ano sabi ni Chel? Ako tanga? Kasalanan niya kaya.

"No, It's okay. O-okay ka lang ba?" Naiilang akong tumango.

"Sorry po uli, Halika na nga." Hihilain sana ako ni Chel ng may humawak sa braso ko. Tiningnan ko si Mr. Hunter kanina pa si Chel hunter ng hunter e.

"Wah! Sorry po talaga, Sir. Wag niyo po sasaktan ang kaibigan ko. Ako na po humihingi ng paumanhin. Sorry po talaga sir." Nauna pang nag react si Chel sakin. Tumu tungo tungo pa siya.

"Sorry but I already hurt her." Napaangat si Chel sa sinabi ni Hunter.

"Sir? Sino po?" Siniko ko si Chel. Ang daldal.

"Ay sorry po uli, Nirva alis na tayo baka saniban pa ako." Pero hawak ni Hunter ang braso ko kaya hindi ako mahila ni Chel.


"Is your name Nirvana?" Kahit na nagtataka tumango ako. Tumango siya. Binitawan niya narin ang kamay ko. Bago pa kami makaalis ni Chel narinig ko siyang nag salita na ikinalakas ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko iba ang pinapahiwatig niya.

"It's nice seeing you, Nirvana."



______

Broken MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon