Kabanta-Isa

157 12 4
                                    


SA Loob ng opisina nakaupo roon si Chase Hunter. Abala sa pagpipirma ng mga dokumento na kailangan para sa board meeting na gaganapin mamayang ala una. Kung sino man ang makakakita sakanya ngayon hindi mapipigilan mag hugis puso ang mga mata nila. Makakapal ang kilay nito, May mapupulang mabi na kay sarap halikan sabi nga ng kababaihan. Matangos na ilong, Katamtamang puti ng balat. Kulay  itim ang buhok ganon rin ang mata. Halata rin ang kanyang adam's apple sa tuwing lulunok siya.

Sa sobrang busy niya sa pagpipirmi hindi niya namamalayang may dalawang lalaki ng pumasok sa kanyang opisina. Katulad niya, Gwapo rin ang mga 'to.

"Busy natin ah?" Sabi ng isang lalaking kulay abo ang buhok. Naupo ito sa couch samantalang ang isa naman naupo sa harapan niya.

Nag angat ng tingin si Chase. Walang emosyon ang makikita sa muka niya. Malamig ang mga titig nito.

"What are you doing here?" Muli niyang binalik ang tingin sa papel.

"May balita naba?" Napatigil si Chase pagpipirma sa tanong ni Asher Creed. Si Asher Creed ay isa sa mga mayayaman na tao sa bansa. May pag aari itong isla na tinatawag nilang Littoral C. C means Creed.  Actually lahat ng Creed ay kilala sa buong bansa. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa mga sikat na tao? Lalo na kung maraming pag aari? 

"Oo nga, Chase. Anim na taon na ang nakakalilipas." Sabat ni Thorn Vargus. Ang mga Vargus ay kilala rin sa buong bansa. Ang nangunguna nilang negosyo ay sa agriculture and farming. Katulad ng mga Creed, Marami rin silang pag mamay ari bukod sa farming.

Ang mga Hunter naman kilala sa larangan ng pag ne-negosyo. Ang Creed, Vargus at Hunter ay matatalik na magkaibigan. Simula pa sa mga magulang nila. Kaya halos kinikilala nila ang isat-isa bilang mag kakapatid o mag pipinsan.

"I don't care, I'm not giving up." Matigas na sabi ni Chase.

"Pero Chase anim na taon na umaasa kapa? Ni hindi nga tayo sigurado kung buhay paba talaga siya." Paliwanag ni Asher.

Matalim ang pinukol na tingin ni Chase kay Asher.

"Wala na kayong pake. Buhay ko 'to."

"Marami pa namang iba diyan ba't di ka nalang mag move on?" Si Thorn.

"Why? Tell me why would I give up kung ako naman ang may kasalanan?" Natahimik ang dalawa.

"It's my fault, Kasalanan ko bakit siya wala ngayon sa tabi ko, Kasalanan ko bakit siya namatay pero kahit na ganon umaasa parin ako."

"Let's say kasalanan mo nga pero matagal na panahon na 'yon, Chase." Asher. Kumuyom ang kamao ni Chase.

"Wag kang mag salita na parang hindi ka rin nag antay ng limang taon, Ash. We all know that you waited too. Fatima." Mukang natauhan si Ash sa sinabi ni Chase.

"Let's drop this topic. Chase pumunta kami dito dahil may event mamayang gabi sa mansion." Thorn. Bumuntong hininga si Chase. Masyado na siyang maraming iniisip.

"Yeah. Go now." Tinapik siya sa balikat ng dalawa. Bago lumabas ng opisina si Ash. Tiningnan niya si Chase na nakatungo. Naawa siya dito.

"Sorry." He said before he leave.

Nasapo ni Chase ang muka niya. May pumatak na luha sa mga mata niya. Namiss niya na ang babaeng pinakamamahal niya. Hindi pa nga sila kasal pero nawala na agad ang mahal niya. Kasalanan niya naman kung hindi niya sana plinano ang bagay na 'yon sana, Sana masaya pa sila. Masaya silang mag kasama ngayon. Walang halong sakit. Pero gago siya dahil sinaktan niya ang babaeng mahal niya. Hinayaan niyang mangyari 'yon.

Broken MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon