MATAPOS ang nangyari kanina, Naisipan kong pumunta nalang muna sa tabi ng dalampasigan. Pag walang tao, Maliligo ako. Mahilig akong lumangoy kaya ganon. Mabuti nalang nakatakas ako kay Chel. Yong babae na 'yon humanda sakin 'yon kung saan saan ako dinadala kanina, Ang dami ring pinapakilala. Wala naman akong panahon kilalanin ang mg tao na 'yon, Bakit? Sino ba sila para kilalanin ko? Wala akong panahon para sa mga tao na 'yon.
Pagkarating ko sa dalampasigan. Napapikit ako ng tumama ang malamig na hangin sa balat ko. Pagmulat ko inikot ko ang paningin ko, Wala namang tao. Pinili ko talaga na sa pinakadulo ako. Para walang makakita sakin sakaling maligo ako.
Nang matingnan ko na wala ng tao. Tinanggal ko na ang damit. Ganon rin ang cycling ko. Napayakap ako ng maramdaman ko ang lamig.
Unti unti akong lumapit sa tubig. Pagkaapak ko palang ng mga paa ko sa tubig mapasinghap ako. Ang lamig. Pero hinayaan ko lang, Nagtuloy tuloy ako.
Third Person POV
Sinimulan ni Nirvana sumisid sa tubig. Lingid sa kaalaman niya na may nakatingin sakanya. Puno ng lungkot ang kanyang mata na nakatingin sa babae. Pero hindi rin maitatanggi ang pananabik doon.
Masaya si Nirvana sa paglangoy, Samantalang ang lalaki naman tinggal niya ang kanyang saplot pang itaas. Tanging naiwan nalang ng kanyang jeans. Naisipan niyang sabayan ang babae. Wala namang mangyayari kung tutunganga lang siya sa pangpang.
Hindi nag dalawang isip ang lalaki na lumangoy sa dagat, Sinisid niya kung saang parte si Nirvana.
Natigilan si Nirvana ng maramdaman niyang may ibang tao sa tubig. Lumingon lingon siya sa paligid niya, Wala siyang makitang ibang tao. Tanging ang full moon lang ang nagbibigay liwanag sa karagatan.
Sisid na sana uli siya ng may pumulupot na braso sa bewang niya, Gulat na gulat si Nirvana hindi siya makagalaw sa pwesto niya.
"Enjoying the night e?" Natauhan lang si Nirvana ng marinig ang boses na 'yon, Unti unti siyang lumingon sa kanyang likod. Nanlaki ang mata niya ng makitang ang lalaking nakabangga niya kanina ang nakayakap sakanya.
"W-what are you doing?" Hindi makapaniwalang tanong ng babae. Tumaas ang sulok ng labi ng lalaki. Halatang kinakabahan si Nirvana. Sunod sunod itong lumulunok.
"Swimming I guess? What do you think?" Kumurap kurap si Nirvana sa tinuran ng lalaki. Mukang ngayon niya lang na realize na yakap yakap parin siya ng lalaki kaya tinulak niya 'yon. Bahagyang nagulat si Chase.
"Don't come near me, You're a stranger!" Natawa si Chase sa sinabi ng dalaga. Yon lang pala?
"Okay, Miss Nirvana. Let me introduce myself to you, I'm Chase Hunter." Nakangiti niyang pagpapakilala. Natigilan saglit si Nirvana ng marinig ang pangalan ni Chase. Napansin ni Chase na natigilan si Nirvana kaya nilapitan niya ang dalaga.
"You okay? May masakit ba sayo?" Nag aalala niyang tanong sa dalaga. Nag angat ng tingin si Nirvana sakanya.
"Masakit ang puso ko." Pareho silang nagulat sa sinabi ni Nirvana.
"A-ah ano sabi ko nilalamig na ako." Halata sa muka ni Chase na nasaktan siya sa sinabi ni Nirvana pero ano magagawa niya? Kaya ngayon tanging naiisip niya nalang, Ayosin ang lahat. Alam niya sa sarili niyang si Nirvana at Heaven ay iisa lang. Hindi siya maaring mag kamali. Kaya gagawin niya ang lahat makuha lang uli ang babae. Just like his name chase, He will chase her hanggang sa bumalik na ang nararamdaman ng dalaga sakanya. Kahit hindi niya sabihin alam niyang may amnesia ang babae. Wala itong maalala. Kanina niya pa 'yon inoobserbahan mula sa malayo.
BINABASA MO ANG
Broken Memories
General FictionHeaven suits to her name that pain tastes heaven. ---- Date Started: 5-4-20