TWO

4 1 0
                                        

//2. KUMANDER

Sometimes, 

being alone are not bad.

being alone are not bad

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

//2. KUMANDER

NISHA

"Nisa, gumising kana at baka malate kapa" panggigising sa akin ng ate ko pero ayaw ko pang gumising. Narandaman ko na lang na hinila niya ang kumot na pinagtaklob ko sa pagmumukha ko at hinila ang mga kamay ko para bumangon kaya wala na rin akong nagawa kundi ang bumangon at inis siyang tinignan, nakangiti ito sakin kaya napaiwas ako ng tingin. Umalis na ako sa kama at tumungo na sa banyo para maligo.

Panibagong araw para sakin kaya wala na akong nagawa kundi ang kumilos at baka malate pa ako. Pagkababa ko ay dumiretso na ako sa kusina at doon nakita ko si ate na abalapara mag-agahan, hindi na ako nag atubili pa at umupo na ako para kumain. 

"Nga pala, mamaya sa lunch doon kana sa RestoBar kumain" kapagkuwan sabi nito.

Pagkatapos ng agahan ay umalis na ako, hindi na ako nagpaalam pa kay ate. Habang naglalakad ay naalala ko yung mga narinig ko nitong mga nakaraang araw.

FLASHBACK

Nagising ako ng madaling araw dahil nakaramdam ako ng matinding pagkauhaw, hindi pa ako tuluyang nakababa ay may nadinig nako na may kausap si ate sa baba, aalis na sana ako ng narinig ko ang pangalan ko.

"Sigurado ka ba na sasabihin mo sa kanila ang plano natin?" 

"Love, sigurado na ako at tsaka maiintindihan naman siguro tayo ni Nisha. At tsaka hindi naman natin sya pababayaan."

"Pero natatakot ako Rance, natatakot ako sa kung ano ang magiging reaksyon ni Nisa kapag nalaman niyang magpapakasal na tayo, ayokong magalit siya sa akin o di kaya magtampo." mula dito ay hindi agad ako nakagalaw. Malinaw na sa akin kung ano ang pinag-uusapan nila. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatayo bago ko naisipang bumalik sa kwarto ko at pilit na kalimutan ang mga narinig ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fall For You (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon