ONE

5 1 0
                                    

// 1. WEIRD

Sometimes,

your happiness

becomes your

loneliness.

loneliness

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

// 1. WEIRD

Sabi  nila, kapag may mawawala, may panibagong dadating sa buhay natin pero kaylan ba dadating iyon? Kapag ba pagod kana sa paghihintay o di kaya'y ayaw mo nang maghintay. Sa mga nangyayari ngayon, malabong dadating pa iyon, puputi nalang ata ang buhok sa kakahintay sa wala.

Gaya sa buhay natin,  kaylan tayo magiging malaya? Kung tatanungin ako kung ano ang gusto kong maging, gusto kong maging isang ibon dahil ang ibon ay malaya, malaya silang makapunta kung saan man nila gusto at saka isa pa naabot nila ang langit pero hanggang sa panaginip nalang ata yon mangyayari. Mahirap makulong sa madilim na lugar yung bang tipong hindi mo alam kung makakaalis ka pa ba, mahirap humingi ng tulong dahil hindi mo alam kung tutulungan ka ba o hindi.

Nandito ako ngayon dito sa School Lunge ng bagong School na pinapasukan ko, habang hinihintay na mag bell. Para maibsan ang paghihintay ko ay nakatingala ako at  malaya kong tinitingnan ang mga ibong nagliliparan sa mga puno, masayang naghahabulan ang dalawang ibon, kahit na may araw nang sumisingit sa kinalalagyan ko ngayon nakangiti akong pinagmamasdan sila. 

"Hindi ba masakit sa leeg at mukha yang ginagawa mo?" naputol ang paglalayag ko nang may nagsalita sa tabi ko. Binalingan ko ito sa gawi kong saan ko narinig ang boses nito, at tila ba huminto ang takbo ng oras  nang masilayan ko ang pagmumukha nito. Ang buhok nito ay hindi masyadong maitim at makapal sakto lamang ito, ang mukhang napakaperpekto na tila ba na para bang galing sa Mt. Olympus at bumaba dito sa lupa upang maghasik ng lagim, isama mo pa ang kilay nitong hindi gaanong makapal, ang mga mata nitong kulay brown na sobrang ganda kong titigan, at ang ilong naman ay sobrang tangos at ang mga labi nitong mapula-pula at hindi ko alam kung ilang oras ko nang tinititigan ang pagmumukha nito nang magsalita ito.

"Done checking me out?" nakangisi ito kaya naputol ang pagtitig ko sa kanya. Malamya ko siyang tiningnan at binalik ang paningin ko sa mga ibon. 

"Chance, lets go!" rinig kong tawag ng isang lalaki sa estranghero na katabi ko. 

Chance? Anong klaseng pangalan iyon.

Bumuntong-hininga muna ako bago napagdesisyonan na tumayo at hanapin ang bagong room ko dahil nagsimula nang tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Hawak ang papel na may nakalagay na enrolment form ay tinignan ko ang section at room building. Nanggaling na ako dito nung nakaraan kasama ang kapatid ko, sinamahan niya ako sa pag-eenrol dahil dito din daw sya nagtapos ng pag-aaral niya sa kursong Culinary.

Fall For You (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon