chapter 7: Reveal

10 3 10
                                    

Jeane's POV's

Agad kong hinila ang kamay ko sa kanya ng paakyat na kami sa building ng  Second Year College "hoy ano ka ba? PDA kasi!" nauna na akong naglakad sa kanya ng magsalubong na lang ang kilay nya.

"hindi ba sabi ko sayo, sumunod ka sa lahat ng sasabihin ko? This is part of pretending so don't make any sense! "pahablot nyang kinuhang muli ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit.

Biglang nag init ang pisnge ko, hindi ako sanay sa ganto.... Paano na lang pag nalaman ito ni JB....  Ni Nashi, lahat sila samantalang kailan lang kaaway ko pa tong mahangin na to.

"OMG  magkaholding hands sila!! "

"Girlfriend nya ba yan? "

"Bakit parang ngayon ko lang sya nakita?"

"Wait... Masyado namang gwapo si James may love para sa kanya"

"true, hindi sya nababagay sa kanya"

"tyaka tingnan mo oh,,, nakakunot nuo so topher baka magka away sila!! "

"jamessss!!!

Agad syang lumingon sa mga babaeng animong nagbubulongan pero rinig parin kaya nagsitahimik sila ng tingnan sila nito ng masama "don't mind them" saka sya muling naglakad.

"eh panu kasing hindi sila magbubulongan eh, biglaan ka kasi... Ano na lang ang sasabihin nila? Ng mga kaibigan ko? "padabog akong sumabay sa kanya dahil sa bilis nyang maglakad.

Muli na naman nya akong taponan ng masamang tingin "Just shut up!  Pwede ba may iniisip ako! " pasigaw niyang singhal sa'kin "It's not my problem anymore kung panu mo sasabihin sa mga friends mo... Sumunod ka na lang!!! " tuloy parin kami sa pag lalakad hanggang sa makarating kami sa second floor

Pero nagulat ako ng magtama ang paningin namin ni JB bago nito ibaba ang tingin sa kamay namin ng mayabang na to ng may nagtatakang tingin.

Nasa bungad siya ng hagdan at mukang may kinakausap....Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya sa hindi maipaliwanag na dahilan "Tss...  Bitiwan mo na kasi ako!!! Okay na dito, anjan na ang room ko oh!! " bulong kong singhal dito sa mayabang na'to para hindi nila mahalata na nangpapangap kami.

Naramdaman kong tumigil siya kaya tumigil rin ako pero hindi parin niya tinatangal ang magkahawak naming mga kamay, sandali pa syang bumuntong hininga bago humarap sa akin... Muli siyang sumulyap sa room namin na nasa tapat na pala bago muling tumingin sakin na seryuso na ang mukha at hindi na magkasalubong ang kilay.

"susunduin kita dito mamaya" tumigil siya bago tumingin sa mga kamay namin.... Malamig ang mga palad niyang halos mas malambot pa kesa sa akin... "anyway w-whats your name?" nag iwas siya ng tingin.

Napahawak ako sa bibig ko at napakagat sa pang ibabang labi ko para pigilan ang paghalagpak ko.

Bwuaaaahhahah

Nagpapanggap na kami hindi pa pala namin kilala ang isa't isa hahahha "Hey, I said what's your name!!! "napataas na ang boses nya sa sobrang inis.

Hindi ko naman mapigil pigil ang ngiti sa labi ko dahil sa kasungitan nyang yan ngayon lang nya ako naiisipang tanungin "I'm Jeanne Khim Dela Cruz jeje" hindi ko talaga mapigilan ang ngisi ko dahil nakakatawa ang hitsura nya na animoy pikon na pikon.

Pahablot nyang binitawan ang kamay ko "Toph" sabi nya sabay iwan nya sakin.

Agad akong bumaling sa kanya "Hoy anong Toph? " tumigil naman sya at humarap sakin na nakasalubong na naman ang kilay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The  Unpredictable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon