Chapter 5

25.8K 1.2K 297
                                    

Samantha

It's scorching hot. Pero hindi naman ako makapagreklamo. Tiyak na tatalakan ako ni Terry pag nagkataon.

Tahimik na pinunasan ko na lang yung pawis ko na tumutulo na sa noo ko. Pagkatapos ay itinali yung buhok ko gamit yung goma ng pinagbilhan naming dahon dahon.

Wala pa naman kaming dalang sasakyan dahil ang sabi nito ay walang pwedeng pagparadahan dito. For sure mainit sa sasakyan namin mamaya. Kanina sumakay kasi kami ng tricycle na sobrang ingay sa tenga at hagip mo lahat ng hangin sa labas. Pati yata mga alikabok kumapit na sa mukha ko.

"Ayy, hindi iyan Ate!" Malakas na sabi ni Terry dun sa tindera ng bangus. "Yung isang ayun o. Mas sariwa yun e."

We're on a public market para mamili ng pang-ulam. Inutusan kasi ito ng Mama nito na mamalengke. Tatlong araw kasing mawawala si Tita Olive dahil uuwi daw ng probinsya para ayusin yung amilyar ng lupa ng mga magulang ni Corinne doon.

At syempre dahil ipipilit na naman ni Terry na couples should help each other, got no choice but to help her do her usual chores. Gaya na nga nitong pamamalengke. Good thing that I'm still not busy yet.

"Oy, kumakain ka ba ng paksiw?" Kalabit pa nito sa may bandang siko ko.

Napangiwi naman ako. Yung pinangkalabit kasi nya ay yung pinanghawak nya ng isda.

Tila naman napansin nito iyon pero imbes na mapikon ay tumawa pa ito ng malakas.

"Gusto mong mag break na tayo?" Nakangiting sabi nya pa.

Naiinis man ay pilit din akong ngumiti. My parents haven't called yet. So No, hindi pa pwede. We can't call off the deal yet.

"Yeah. I'll eat whatever dish it is."

Truth is, hindi naman ako mapili sa pagkain. I can't afford to. Akala ng iba since we have money, we are entitled na maging mapili sa pagkain. But every Callaghan knows how valuable every grains of rice. We've been into the poorest place on earth.

Worse na yung nakasama ako sa medical mission nila Daddy sa Africa. And people there are dying in starvation. May makikita ka pang mga bata na halos buto't balat na lang at kumakain ng damo o di kaya ay lupa. It's the most heartbreaking scene I've witnessed. So no, I'll never be selective on what was laid on the table.

Nagulat naman ako ng maramdaman ko na dinama ni Terry yung tyan ko.

"Kumakain ka ba ng kanin. Ang tone ng katawan mo."

"Tsk. Pasimpleng tyansing." mahinang bulong ko.

To my surprise, kinuha ni Terry yung kamay ko at nilagay sa tyan nya.

"Edi ayan. Libreng tyansing ka din. Tse!"

Is she out of her mind? Naiinis na binawi ko yung kamay ko. That weird sparks again. Tila siya din ay ramdam iyon kaya mabilis nya din na binitawan yung kamay ko.

Pumunta kami sa hilera ng mga prutasan.

"I'm into salads and protein. Pero kumakain naman din ako ng rice. Depende sa kung anong nakahain sa mesa." sagot ko sa tanong nya kanina kung kumakain daw ba ako ng rice.

Tiningnan ko naman yung katawan nya. Actually, she's fit. Kahit pandak ito ay fit naman ang katawan nito. But a typical person siguro na hindi tone yung katawan pero hindi naman malaki yung tyan. Sakto lang.

Ako kasi pagkagising ko ay nagwowork out na ako. Thirty minutes sa treadmill at another thirty minutes sa weights. Bukod pa yung every weekend na volleyball game namin kaya talagang core din yung muscles ko.

"Nagwowork out ka ba?"

Tumango ako. "I need it. Minsan kasi pag sinasama ako ng parents ko, we'll have to cross rivers or hike mountains. May times pa na sa gubat kami natutulog and it will be such a danger if I'm not physically fit."

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon