Chapter 21

22K 1K 326
                                    

Terry

Paalis na sana ako ng office nang tawagin ako ni Clint.

"Terry, Sabay na tayo umuwi." Malakas na sabi ni Clint habang nagliligpit na din ng gamit.

Umugong naman yung malakas na kantyawan ng mga katrabaho namin. Si Clint naman ay tila kumakandidato na itinaas pa nito yung kamay at nagbow. Halatang in-enjoy nito yung atensyon. Ako naman ay lihim na napapahiya.

Hindi naman sa ayoko kay Clint. Ayoko lang din na nagiging sentro ng atensyon sa office.

Saka syempre alam ko na may obligasyon pa din ako kay Samantha. May usapan pa din kami. Hanggang ngayon ay wala pa akong balita kung nakumbinse na ba nito yung mga magulang nito o hindi pa.

"Two minutes." Sabi pa ni Clint na sinenyasan ako ng 'wait lang'.

"Sige."

Napatigil tuloy ako sa paglabas ng sliding door. Ayoko din kasi malate ng uwi ngayon dahil mahirap makasakay.

Isa pa ay talagang inaabangan ko din yung malakas na dagsa ng tao pag labasan. Para kung sakaling nandyan si Samantha sa labas ay mabilis ko lang itong malampasan.

Alam ko na hinihintay nya siguro si Ms. Carmi. Sa tuwina kasi tuwing uwian ay doon ito dumi-diretso sa coffee shop kung saan nakatambay si Samantha. Obvious na obvious naman na doon sila magkikita.

Sana man lang nilalayuan nila dito yung meeting place nila. Talaga bang kailangan pang ipamukha sa akin?

Baliw talagang Samantha yun. Siguro kaya lagi nya din ako kinukulit kasi babawiin nya na sakin yung singsing. Tapos ibibigay nya na yun kay Ms. Carmi. Asa pa sya. Hindi ako papayag na ganun na lang agad yung gagawin nya. Aba, tinulungan ko kaya sya. Dapat kung sakaling babawiin nya yung singsing, yung maganda na ako at may matinong trabaho na pwede kong iclaim na sakin. Para naman hindi ako mukhang kawawa.

"Tara?" Tanong sakin ni Clint na tapos na din magligpit.

Ngumiti naman ako dito. Mabait kasi itong si Clint at may sense kausap.

"Buti natapos natin yung mga projects natin ngayon no? Tapos ka na sa paperworks mo? Baka magfield na ko next week."  sabi nito habang palabas na kami ng office.

May pinasa na kasi ditong project. Ang totoo ay pwede na din naman din ako mag site kasama yung project manager namin para masanay ako.

"Ako din baka sumama na ko sa pagcheck ng materyales sa shop. Titingnan namin yung mga sub-standard materials para dun sa itinatayong condominium sa may Cavite." sagot ko dito

"Talaga? Ayos yan." tumawa pa ito na halatang masaya at excited din makalabas.

"Tinatakot nga ko nila Rome na baka daw magkaproblema sa project ko. Dapat daw kasi may alay na first blood."

Kumunot ang noo nito. "As in dugo ng bata. Ganun?"

Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapatawa.

"20th century na, naniniwala ka pa din ba doon?"

Tumawa din ito. Halatang nagbibiro lang.

"I'm just kidding. Syempre hindi. Alam ko naman na kwentong barbero lang yun. Pero ang sabi dati ng Professor namin meron daw talagang mga engineer na nag aalay ng dugo para tumibay yung gawa nila." Nakangiting sabi nito, "Pero hindi dugo ng bata."

Natawa talaga ako. Hindi nya lang kasi din nagets yung sinabi ko kanina.

"Gagi. Hindi naman din kasi iyon yung sinasabi nila Rome na first blood. Nag papalibre lang sila ng lunch."

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon