Chapter 14

22.8K 1.1K 145
                                    

Samantha

Parang batang palingon lingon si Terry.

"Are you looking for something?"

Tumingin sakin si Terry at ngumiti. Pareho kaming madaming dalang paperbag. More on mga damit at sapatos na binili ko para sa kanya. She's looking good too.

"Kumportable ka ba sa suot mo?"

Pilit ko namang iniwasan na mapailing. Ayokong isipin nya that I'm giving up my comfort for her.

"Yeah. This feels.. Uhm.. Normal."

Nagpalit kasi ako ng damit. Ngayon pareho na kaming naka plain na Tshirt pero yung sakin ay hapit. Saka jeans na faded yung kulay. Saka the most casual white sneakers na nakita namin sa D&G. Itinali ko na lang din yung buhok ko into a messy bun.

So yeah. I look normal. I mean, normal for those who haven't seen me yet. But out of normal for those who knew me. Whatever!

The heck! Tumawa pa itong si Terry na nasa tabi ko.

"Do I look like a laundry guy?" hindi ko napigilan na itanong. Baka kasi ang weird ko tingnan.

Tinaasan ako ng kilay ni Terry. Well, atleast ngayon hindi na salubong yung kilay nito. In fairness.

"Saang laundry shop yung may ganyang itsura ng empleyado? Dun ako lagi magpapalaba."

That makes me smile too.

"Sigurado ka? Mahal ang singil ko e."

"Kahit siguro basahan suotin mo maganda ka pa din no?"

"Hey, got yah! Hindi na ko bruhilda sa paningin mo. Nakakalinaw pala ng mata pag natabasan yung buhok mo no? Sana pinakalbo na pala kita."

Dahil may mga hawak yung mga kamay namin ay tatawa tawang itinulak nya na lang ako by slamming her body into my side.

" Fudge, Terry. You're making me lose my balance."

"We're now quits. That's what engaged people do. They give and take."

"What did I do to you?"

"You're making me lose my mind!"

Baliw to. At kelan ko naman ginawa yun sa kanya? Inborn kaya ang pagiging slow-witted nya.

"Excuse me. What mind are we talking about here?"

Bago nya pa ako maitulak ulit ay mabilis na akong nagstepback. Ang siste tumama tuloy sya dun sa kasabayan namin na naglalakad na nasa bandang kanan ko. Pareho silang natumba.

Agad ko namang ibinaba yung mga hawak kong paperbags para matulungan ko syang makatayo.

"Hey, are you oka—"

Napatingin ako sa kung kanino man ito nakatingin. Nakanganga pa si gaga.

"Terry?"

Walang reaksyon na nakatingin lang ito sa nabunggo nito na mukhang galit dahil nasagi nga nitong isa.

"Gosh! I thought this is an exclusive Mall? How come they're letting maids in?"

What?!

"Hey!" hindi ko itinago yung inis ko nung tinawag ko yung pansin nung lalaking nabangga ni Terry. Matangkad na medyo sporty type yung katawan. Maputi na tsinito. Saka may kaunting stubbles sa mukha.

Halatang galing ito sa kilalang pamilya sa grabe ng tabas ng dila nito. How dare him to look at Terry that way? Kanila ba itong Mall? This is owned by Van's family as far as I know.

"Is this your maid?" Asar na sabi nito na in-straight pa yung suot na damit. Wala akong pakialam kung Armani man yung suot nya.

"You weren't even hurt when she can't even stand up. Can't you just shut the fuck up?" I can't help but to bicker at him.

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon