CHAPTER 2

163 13 2
                                    

MANDY'S


Isang linggo after nung Dance Contest ko balik sa normal ang buhay ko.
pasok sa school, uwi sa bahay GANERN!!

wala namang masyadong nangyare nung mga nakaraang araw bukod sa kalandiang taglay ng boyfriend ko na mukang nakakalimutan ako kapag may kachat siya

T_T

"Hi Bakks" bati ni Cheska, nasa school na kame at naglalakad sa loob ng campus.

"Hello, kumusta naman?" tanong ko sa kanya, tagal ding di nagparamdam netong gagang to nohh, after nung contest naging pa-fame, pati BFF na kasama niya sa pagsasayaw kinalimutan.

"eto, ngarag ang ganda dahil sa sobrang hirap ng mga requirements MY GHHAADDD!! ang hirap ng graduating!!" atungal na sabi niya

ako naman more more lang sa pagchi-cheer, shempre supportive dapat ako sa kanya

mamaya madepress yan sa school works at di kayanin, bigla na lang magbigti ehh, wala pa naman akong pangambag sa kape


"kaya mo yan, yung iba nga walang makain eh." sabi ko sa kanya


"Yeah. kaya brace yourself na bakks"


"SHIT! Dude! bulag ka ba or tanga ka lang talaga?!?! tingnan mo nga ginawa mo sa uniform ko!!" bigla kaming nahinto at napalingon dun sa nagsalitang lalake sa di kalayuan


at dahil chismosa kame ni Cheska pumunta kame dun para makiusisa

mukang matapunan ng chocolate sa uniform yung lalaking nagsalita base sa itsura niyang puro chocolate ang damet.


"S-s-sorry p-po. i-i didn't m-mean it.
im really really sorry." sabi naman nung isang mukang graduating base na rin sa suot nitong ID lace.

madedetermine mo kase dito sa Montesekwa University kung anong year ka na base sa ID lace mo,
Green is for First Years, Yellow is for Second Years, Neon Orange for Third Year and Neon Violet for Fourth Years, GANERN!!


"do you think your sorry can clean up your mess?" and base sa lalaking maangas na to is 3rd year level na siya


and what?! "4th year takot sa 3rd year? oh come on dude, walang bayag si Koyang 4th year, kung ako yan sasampalin ko pa ng chocolate yan."


biglang naglingunan yung mga tao saken tapos yung tingin nila parang nabigla nung nakita ako, well im a Goddess kaya naman magugulat sila pagnakita ako, pero bakit naman sila nakatingin saken ng ganyan? nababasa ba nila iniisip ko?


"What?" inosente kong tanong habang nakakunot yung noo.

napansin kong nanlilisik na rin yung mata nung lalaking natapunan ng chocolate at nakatingin saken.

"A-ahh H-hehehe, P-pasensya na, aalis na kame" sabay hila saken ni Cheska paalis sa lugar na yun, nanginginig yung kamay niya tapos pinagpapawisan siya ng malamig


"very afraid Bakla?" sabi ko sa kanya ng natatawa-tawa


"GAGA KA BAKLAA!!! ipinapahamak mo yung sarili mo! can't you just fucking your mouth up kapag may ganoong scenario?" sabi niya saken na tila ba isa siyang frustrated wife na nagiisip kung anong iluluto niyang ulam sa asawa niyang lasing na pauwi na tapos wala pala siyang maluluto kaya ma-a-abugbug berna siya.

"bakit naman? ang arte arte naman nung lalaking, for sure may extrang uniform naman yun dun sa locker niya bakit di na lang siya kumuha" sabi ko habang chinecheck yung precious nails ko

"ok, ok, ganto kase yan..." panimula niya, nakinig naman ako sa kanya kase ang seryoso niya ngayon which is not usual, mukang papatayin na siya ni Author kaya may habilin na siya.


"That man is Fredrick Lee.." sabi niya ng nakatingin ng diretso sa mata ko.

actually bigla akong naloka,

hindi dahil sa narinig ko yung pangalan

parang ang awkward kase ng itsura namen, ang diin ng pagkakahawak ni Cheska sa braso ko tapos ang lapit ng muka niya habang nakatitig saken, na para akong kakainin.

lakas maka-KDrama ng effect mga Friend.

EWW!!

kaya naman tinulak ko yung muka niya palayo sa muka ko.

"nu ba yan friend, mamaya magkapalit tayo ng muka niyan ehh" sabi ko sabay halukipkip.

"ok sorry, ganto, uhmm" sabi niya habang parang nagiisip ng sasabihin niya

"He's a Leader of one of the most feared Gang here in school" sabi ni Cheska habang nakatingin siya saken at nakatingin naman ako sa finger nails ko


dahan-dahan akong napalingon sa kanya habang nakakanganga


like WTF Te Susan bakit ngayon  mo lang sinabe?!?

"What?!" sabi ko, kaya ba nanginginig yung lalake kanina?
.
.
.
.
.
.
pero bakit ba ako matatakot?
"ibalibag ko pa yung mayabang na supot na yun ehh"
.
.
.
.

biglang nanlaki yung mata ni Cheska habang nakatingin saken at mukang iiyak na sa frustration anytime.


"bakit ganyan nanaman muka mo?" sabi ko ng nakataas yung kilay, nakakaloka na mga muka nila ngayong araw na to ah, world wacky day ba?


"bakla ka!! anong ibalibag? gusto mo bang tapusin niya na maliligayang araw naten dito?!" sabi ni Cheska na halata mong nanggigigil na saken

"Mind Reader?" sabi ko sa kanya, pano niya nalalaman iniisip ko??

"gaga, ang lakas kaya ng pagkakasabi mo." sabi ni Cheska sabay batok saken


"hayy nako, basta hindi ako takot sa supot na yun, balatan ko pa siya ng buhay sabay bilad sa araw habang sinasampal ng chinelas ehh" matapang na sagot ko sa kanya


baka naman magulat yang Fredrick Lee na yan kapag nalaman niyang ako si Wonder Woman



"I hope you can really do that in me Ravens."



tapos biglang dahan dahang may nagpatong ng kamay sa balikat ko.

nanuyo yung lalamunan ko nung time na yun at tila ba hirap na hirap akong huminga sa kabang nararamdaman ko, ang creepy ng pagkakasabi niya nun mga FRIENDD!!


dahan dahan din ako lumingon habang nanginginig effect pa para feel na feel ko kunyare yung takot

feeling nasa KDrama tayo, dapat may slow motion effect din.

paglingon ko sa kanya, nakayuko lang muna ako kase kinakabahan ako sa lamig ng boses niya kaya paglingon ko, sapatos niya lang muna nakita ko tapos dahan dahan akong tumingin sa muka niya

"Bwahahahahahah! Potaaa!!" tawa ako ng tawa sabay turo sa muka niya.

pano, ang ganda na ng effect niyang panghorror tapos biglang may chocolate pa sa baba at pisnge.

ANG EPIC MA PREND!!

*BOOSGHH!!*

Nang Maging Gangster si Bakla [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon