AKI'S P.O.V
Maaga akong nagising dahil na din siguro maaga ako nakatulog kahapon kakaiyak. Bumangon na 'ko tsaka inayos 'yung higaan ko. Dumiretso ako sa banyo para mag hilamos at mag mumog. Palabas na 'ko ng banyo ng dumunog 'yung tyan ko.
Arghhhhh...
Nakalimutan ko palang kumain kagabi. Nagmamadali akong bumama at kasabay ko pang nag bukas ng pinto si ate. Nginitian ko s'ya tapos nag good morning pero inirapan lang ako. Okay.
Pag punta ko sa kusina nakahanda na lahat, naabutan ko si mama na kumakain kasama 'yung bunso namin. Si papa naman nag kakape habang may binabasa, siguro sa office 'yon. Pag kaupo ko tinignan ako ni mama, hindi ko nalang din tinignan pabalik. Pag kaupo ko s'ya namang dating ni ate.
Nag uusap sila mama at papa, ako naman e tahimik lang na kumakain.
“Bakit hindi ka sumabay sa amin kumain kagabi, Aki?” tanong sa 'kin ni papa. Napa ayos naman ako ng upo at tinignan silang lahat
“Ahm, may ginagawa po kasi akon, pa. Activities po tsaka assignments. Nakatulog po ako” sabi ko. Tumango naman si papa, kaya tinuloy ko nalang 'yung pagkain ko para makapag ayos at para hindi ma late.
“Kuya, sige na. Papasukin n'yo na po ako” pag mamakaawa ko doon sa guard namin. Akala ko naman maaga akong matatapos, hindi pala. Na late parin ako.
“Hindi pwede. Mamaya, hindi pa tapos 'yung flag ceremony” sabi n'ya, late nanaman ako. Ayoko mag linis.... Arghhhh
No choice, hinintay kong matapos 'yung flag ceremony para makapasok na 'ko. Nakakahiya naman, ako lang late sa section namin.
Pag pasok ko sa loob, naka abang si pilantod. Okay?
“LAHAT NG LATE PUMILA DITO” sabi n'ya gamit 'yung megaphone. Bida bida lang?
Lahat naman kaming late e pumunta doon. Nakatingin saamin 'yung mga estudyante na nasa taas.
“PUMILA KAYO, ACCORDING TO YOUR GRADE LEVEL” sabi nanaman ni pilantod gamit 'yung megaphone n'ya. Pwede namang sabihin saamin 'yon, hindi 'yung gagamit pa ng megaphone, ano kami? Bingi?
Inis na gumawa ako ng pila. Kasi naman, magkakaharap lang naman kami e gagamit pa non. Ang sakit sakit sa tenga. Hindi naman kami bingi, pabibo lang?.
“Maglinis kayo sa part n'yo” sabi ni tanda, 'yung principal namin. Pumunta nalang ako doon sa part namin na nililinis. Hindi ako mag lilinis no, ang laki laki ng binabayad namin tapos mag lilinis ako? Ayoko nga.
Kaysa maglinis e umupo ako sa likod ng statue. Ang init kaya, alam ko namang may bitaminang makukuha sa araw, pero ayoko rin pumasok sa room na puro pawis. Hinihintay ko nalang matapos 'yung 5mins. na binigay sa amin para mag linis. Syempre kanina pa nag simula 'yung first subject, malamang late ako!
Lakad......
Takbo......
Lakad........
Nakarating na rin ako sa room namin, diretso akong umupo sa upuan ko. Walang teacher?
“Rex, walang teacher?” tanong ko sa kaibigan ko. Nagbabasa kasi s'ya e.
“Lumabas, may kinuha sa baba” simple n'yang sabi. Problema neto? Hindi ko nalang s'ya pinansin at tsaka tumingin nalang sa labas ng bintana. Wala akong magawa, hindi ko nadala 'yung phone ko dahil sa kakamadali.
Bawal mag dala ng cellphone dito sa school, ewan ko ba kung bakit. Nag dadala lang kami ng cellphone kasi gusto namin, pwede naman mag dalaw, 'wag kalang papahuli. Dumating na 'yung teacher namin para sa first subject, may mga bitbit s'ya na 'di ko alam kung ano. Nagturo s'ya at ganoon parin ang nangyari sa mga susunod na subject.
YOU ARE READING
Heartache
RomanceSi Aki ay isang high school student. Madami s'yang kaibigan. Mga kaibigan na handang tumulong at lagi nand'yan para sakaniya. Hindi pa magulo ang buhay n'ya noon , kahit na kung ano ano ang sinasabi sakan'ya ng ibang tao. Hanggang sa dumating si Hen...