Chapter 5

10 2 0
                                    

AKI'S P.O.V

Maaga akong nagising ngayong araw, tinawagan kona din si Rex na hindi ako sasabay sakaniya at 'wag na ako sunduin dahil maaga akong papasok at hindi kami magkakasabay. Nagalit pa sa 'kin nung tumawag ako, dahil antok na antok daw s'ya. Ediwao.

Nakarating ako sa school , ako palang sa aming mag to-tropa ang nandito. Naka-upo at nakatingin lang ako sa bintana, ang boring pala kapag pumasok ng maaga no? Ang tahimik, nasanay kasi ako na laging late

“Oh? Bakit ka nakatulala d'yan? Ang aga mo ata ngayon?” nakita kong papalapit sa 'kin si Jake na kakarating lang “Ang aga mo, may sakit kaba?” takang tanong n'ya. Kinapa n'ya pa 'yung noo at leeg ko para alamin kung may sakit ba ako o wala. Inis kong tinanggal 'yung kamay n'ya na nasa leeg ko.

“Ulol, wala akong sakit” inirapan ko s'ya. Napaka O.A!!. Tumawa lang s'ya at umupo na sa upuan n'ya.

“Aba! Ang aga natin ah?” rinig kong sabi ni Vloyd na kakarating lang habang papasok sina Rex at Dianne..

“Totoo nga ang himala” sabi ni Rex na nakaharap sa 'kin. Inikot n'ya kasi 'yung upuan sa harap ko para magka-harap kami samantalang 'yung iba ay naka-palibot sa'min.

“Bakit naman, Rex?” takang tanong ni Dianne

“Slow mo, tanga! Tignan mo kasi si Aki” at tinura n'ya pa ako “Ang aga n'yang pumasok, ang weird diba?”

“Ulol, hindi ako slow!” sabi ki Dianne at hinampas si Rex

“Napaka BIG DEAL sainyo kung pumasok ako ng maaga. Sige, starting tomorrow hindi na ako papasok ng maaga” inis na inirapan ko sila.

Pano ko sasabihin sakanila na aalis na ako para mag-aral sa Maynila kung ganito sila? Parang mga tanga

Nakatingin lang ako sa bintana habang nag tuturo si Sir sa harap. Inaantok ako, ang aga ko kasing nagising. Ayoko naman matulog baka mapalabas ako ng 'di oras, ayoko na mapalabas no!

Nag discuss lang si Sir, tutal mabilis naman s'ya mag turo. Next subject namin ay MAPEH. Bored akong tumingin sa harap at nilipat ang tingin sa katabi ko na hindi mapakali. Lintek na, parang may bulate sa pwet

“Umayos ka nga, para kang linta d'yan at hindi ka mapakali” umayos naman s'ya ng upo. Tumingin ako sa may binta, habang 'yung iba namin na classmate ay hindi rin nakikinig tapos 'yung natuon ang atensyon kay Sir na nag di-demo sa harap.

Hinahati kasi 'yung lesson namin.Minsan Music, Arts tapos 'yung iba, basta, alam n'yo na 'yun.

“That's all for today. Bukas P.E n'yo, don't forget to wear your P.E uniform” sabi ni Sir at inayos na ang gamit n'ya sa harap. Nagsigawan naman 'yung mga siraulo kong classmate.

“Sir! Ano pong lalaruin bukas?” tanong ni Max kay Sir

“Ball game tayo tomorrow” lalong natuwa 'yung mga classmate ko kasi mag lalaro kami bukas

“Basketball!” sigaw ni ryle.

Lol. Hindi nga kami marunong no'n. Legit 'yung saya namin kasi P.E!!! Masaya kami kapag P.E eto lang ata gusto namin kapag MAPEH

Ball is life!!!!

Hindi man ako marunong mag basketball pero marunong ako mag laro ng bola— I mean, bola, damn. Bola ng Volleyball, hindi ano, basta 'yon. Bastos.

Actually, share ko lang 'to. Nung elementary ako gr.5 palang ako e  player na ako ng volleyball, well. Before ako mapunta sa volleyball e nag try out ako sa Table Tennis. Kaya ako nag try out doon dahil player 'yung pinsan ko, na inspire tuloy ako, kasi akala ko madali 'yun , hindi pala, kaya tinamad ako. Next, nag laro ako badminton HAHAHAHA, crush ko kasi 'yung isang player, Dexter? Dexter ata pangalan no'n I can't remember na e, basta 'yon. Pero tumigil din ako dahil nag kakapasa ako. Hanggang sa nag Volleyball na ako, nag stay na ako doon. Natuto akong sumalag ng malalakas na palo, tini-train kasi kami ni coach, syempre. Tapos pati 'yung mga dating player. One time nag lalaro kami no'n, akong si gaga, nakatingin sa crush ko, player din s'ya at CAPTAIN s'ya mwehehehe. Nakatingin lang ako sakaniya at pinalo 'yung bola, dahil crush na crush ko s'ya 'diko napansin 'yung bola. Sinigawan nila ako tapos tangina lang, naka FACE TO FACE ko 'yung bola at tumama sa mukha ko. Alam n'yo 'yung feeling na, binato ka ng simento sa mukha? Ang O.A ko ba? Ulol, ang sakit kaya.

HeartacheWhere stories live. Discover now