AKI'S P.O.V
Naglalakad ako ngayon papunta ng Park. Kasi naman, ang sarap ng tulog ko tapos mambubulabog si Rex, tawag ng tawag at bumangon na daw ako dahil ililibre ko daw s'ya. Kupal talaga.
Nang makita ko s'ya na nasa swing tapos naka-upo, pumunta ako sakaniya ng naka-sibangot. Wala naman kasing pasok kaya okay lang na tanghali ako bumangon tapos s'ya lang sisira ng tulog ko? Hanep talaga
"Good morning! Bakit ganiyan mukha mo?" natatawang tanong n'ya sa 'kin. Sumibangot ako lalo. Hinawakan n'ya 'yung mukha ko tsaka pinilit na ingiti 'yung nakasibangot kong mukha
"Smile kana, pumapangit ka lalo" sabi n'ya sa 'kin at tumawa.
"Ulol ka" inalis ko 'yung kamay n'ya na nasa mukha ko. Sarap putulin.
"Libre mo 'ko 'yon, oh" turo ni Rex sa DQ. Nasa mall kami ngayon, ayaw n'ya daw sa Park kasi inaaway s'ya ng mga bata
"Oo na. Manahimik ka" inis na sabi ko sakaniya. Bumili na ako ng malaki para hindi na s'ya pabili ng pabili. Aba! Sayang sa pera no!
"Akala koba susunod sila?" tanong ko sakaniya pabalik, dala-dala 'yung ice cream na nasa dalawa kong kamay.
"Ang inipin mo naman. Si Dianne lang 'yung pupunta. Busy daw 'yung dalawa"
"Saan naman pupunta?"
"Si Vloyd ayaw sumama. Si Jake pupunta sa lola n'ya" sagot n'ya habang sumusubo ng ice cream. Kadugyot kumain. Tumango nalang ako tsaka kinain 'yung ice cream ko
"Punta tayo Watson" aya ni Dianne. Hinila n'ya naman ako tsaka sumunod si Rex. Nag tingin na din ako ng pang Skin Care. Bumili ako ng Cetaphil at tsaka Celeteque.
"Saan tayo kakain?" sabi ni Rex na nasa likod namin at nag rereklamo
"Punta muna tayo National Book Store, please?" sabi ko sakanila
"Gutom na gutom na 'ko! Baka bumulagta na 'ko dito!" maktol ni Rex. Ang O.A! n'ya akala mo babae, bakla ata 'to.
"Ulol. Tara na ñ, bibili pa 'ko libro" pumunta na kami ng NBS walang nagawa si Rex at sumunod saamin. Minsan lang ako pupunta ng NBS no! Dapat sulitin na.
Nagtitingin ako ng mga libro ng may nakita akong lalaki. Naka talikod s'ya sa 'kin tapos nag titingin s'ya ng mga Wattpad Books. Siguro na halata n'ya akong nakatingin sakaniya kaya humarap s'ya sa'kin. ULALAM
PUTANGINA , ANG GWAPO....
Agad akong umiwas ng tingin. Lah, ang gwapo ni kuya. Ang gandang sperm HAHAHAHA
Natatawa ako sa mga iniisip ko, ganito ba ang pakiramdam kapag may gwapo kang nakita? Ang hot kasi ni kuya, nakaka tunaw panty at bra, joke. Paano ba naman kasi, ang perfect n'ya.
Joke. Ang ganda kasi nung Jaw Line, erp. Alam n'yo 'yung mga nasa Wattpad? Mapupungay na mata, dapak. Ang ganda nung labi, mapula-pula. Parang sa 'kin lang. Matangos na ilong tapos matangkad. Pwede na, pwede ng maging asawa, joke.
"Hoy! Anong ngini-ngiti mo d'yan? Adik kaba?" hinila ako ni Dianne.
"Wala" naka-ngiti parin ako, tinignan naman ako ng Dianne na nag tataka...ganito ata kapag na love at first sight ka, lol.
Pumila na ako para bayaran 'yung librong binili ko. EVERY DAY by David Levithan. Nakita ko si kuyang gwapo na nasa unahan ko. Lah, bilis ni puso, parang hinahabol ng pagong, joke. HAHAHAH
"Lah, ang gwapo ni kuya" bulong sa 'kin ni Dianne na nasa tabi kona pala. Tumango naman ako bilang sang-ayon sa sinabi n'ya
"Ulol, crush ko 'yan. Nakita ko s'ya doon, bumibili ng Watty books" bulong ko sa katabi ko. Kinurot n'ya naman ako ni gaga dahil kinilig
YOU ARE READING
Heartache
RomanceSi Aki ay isang high school student. Madami s'yang kaibigan. Mga kaibigan na handang tumulong at lagi nand'yan para sakaniya. Hindi pa magulo ang buhay n'ya noon , kahit na kung ano ano ang sinasabi sakan'ya ng ibang tao. Hanggang sa dumating si Hen...