"ASTRID, sama ka samin tapos naman na ang klase eh?" Tanong saakin ni Gina na kaklase ko. Sigurado ako na pupunta na naman sila ngayon sa bar para mag enjoy at mag hanap ng lalaki.
While ako hindi man lang makapag enjoy na makasama sakanila.
Bantay sarado kasi ako ng mga tauhan ni Daddy. Si Mommy naman ay hindi mapigilan si daddy dahil yun daw ang ika bubuti ko. They said they're just trying to protect me. Pinoprotektahan nga ba nila ako o tinatali at kinukulong?
"Sorry Gina, pass muna. May gagawin pa kasi ako sa bahay eh." Pilit akong ngumiti ng matamis sakanila.
"Sus, sabihin mo hindi ka na naman pinayagan ng daddy mo." Bulong ni Hazel kaya naman siniko sya ni Gina.
"Ok lang yun Astrid, naiintindihan naman namin eh. Di ka ba sasabay saamin? Hatid kana namin."
"Ah, nakaabang na kasi sa labas ng school ang driver namin eh. Salamat nalang, sige una na ako baka pagalitan pa ako ni Daddy." Muli akong ngumiti sakanila at kumaway bago ako umalis.
Agad akong sumakay sa kotse nang makalapit ako dito.
"Sige po kuya tayo na po." Tumango naman si manong nang hindi tumitingin saakin. Medyo na weirduhan pa ako dahil lagi akong sinasalubong ng bati ng driver namin, pero mukhang hindi mabuti ang mood ng driver namin ngayon.
Inopen ko ang phone ko at nag basa ng mga comments sa recent post ko sa Insta.
"Ang ganda talaga nya!"
"As expected from a Collins"
"Kelan kaya sya iitim?"
"Diko na kaya to, masyado na syang maganda."
Napabuntong hininga nalang ako saka ngumiti, in-off ko ang phone ko at tumingin sa labas ng bintana.
Agad na sumikdo ang puso ko sa kaba ng mapansing hindi ito ang daan papuntang bahay.
"Manong? May dadaanan pa bo ba tayo? May bibilhin po ba kayo?" Pilit kong tinanggal ang kaba sa boses ko at nilakasan ang loob sa pag tatanong.
Hindi man lang kumibo ang lalaki at nag simulang sumipol.
"Kuya? Itigil nyo po muna yung kotse please." Pakiusap ko pero hindi talaga nya ako pinapansin at pinag patuloy ang pag d-drive.
"Kuya saan mo ako dadalhin? Kuya? Kuya!" Hindi ko na napigilan ang pag sigaw dahil sa takot.
Susuntukin kona sana sya ng may maamoy akong hindi natural at bigla nalang akong nanghina.
I saw him spraying something in the aircon before putting a mask. Hangga't maaari ayaw kong pumikit para tuluyang makatulog. Pero tila wala na akong sariling kontrol sa katawan nang tuluyan na akong nawalan ng malay.
ASAN ako? Pag gising ko ay yan agad ang mga salitang pumasok sa isip ko.
Asan nga ba ako? Bakit nagising ako na nasa loob na ng malaking kwartong ito?
Nakahiga ako sa isang king size bed na may puting bed sheets at Black-Velvet na kumot, pati ang mga unan ay Velvet din ang kulay. Ganon din ang kulay ng walls. Ang malaking Cabinet naman ay Black. May carpet na Black-Velvet din. Sama'y dulo naman ng king size bed na ito ay may black na couch.
"What happened?" Pikit ang matang inaalala ko ang mga nangyari habang naka hawak ako sa ulo kong sumasakit.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay mas lalo akong nagulat sa nakita.
Why the heck am I wearing a white button down polo?
And I'm only with my undies!
Bigla akong napayakap sa sarili ko. Ang dating naka puyod kong buhok ay nakalugay na ngayon, ang dating uniform ko ay naging button down ngayon.
"Shit baka nag aalala na sila Daddy!" Kukunin ko sana ang phone ko nang mapag tanto kong hindi ko kasama ang phone ko.
"Asan na yun?" Itinapon ko ang mga unan at pati narin ang kumot para lang hanapin ang phone ko. Pero kahit saan kopa ito hinanap ay hindi ko ito nakita.
Napa upo ako sa kama at sinabunutan ang sariling buhok. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Asan ba talaga ako? Hinahanap kaya ako nila Daddy? Si mommy? I'm sure umiiyak nayon sa mga oras na ito. Iyakin pa naman si Mommy.
"Looking for this?" Agad na napa angat ako ng tingin sa lalaking kakapasok lang ng silid.
Matangkad sya at maganda ang tindig, maganda ang pangangatawan at halatang habulin ng babae.
He's wearing a mask, pero hindi makakatakas sa mga mata ko ang magandang hugis ng mukha nya, ang medyo mahaba nyang buhok, ang kulay chokolate nyang mga mata at ang maninipis nyang labi.
He's wearing a suit with his hand on his pocket. Samantalang ang kabilang kamay naman nya ay nakataas bahang hawak ang phone ko.
"Bakit nasa iyo ang phone ko?" Tumayo ako at pilit na inagaw sakanya ang phone ko pero masyado syang matangkad para maabot ko.
"You can't have it." sabi nya at ibinato ito sa pader. Napatili ako ng lumikha ito ng tunog nang pagka sira.
"Bakit mo ginawa yon ha? Sino ka ba ha? Bakit ba ako nandito? Ibalik nyo ako sa pamilya ko! Hindi ninyo alam kung gaano na sila nag aalala sakin!"
Hindi man lang sya natinag at may maliit na ngiting naglalaro sa mga labi nya.
"Hindi kita ibabalik sainyo." Sabi nya at naglakad papasok sa kwarto. I guess sakanya itong kwartong ito, naamoy ko kasi ang mabango nyang amoy at sumakto ito sa amoy ng kwartong ito.
"At sino ka para gawin yon?!" Sinundan ko sya at tiningala kahit na nakatalikod sya saakin.
"Hindi mo parin ba naiintindihan ang sitwasyon?" Kumuha sya ng baso at sinalinan ito ng mukhang mamahaling alak. Nag lakad sya papunta sa isa sa mga bintana at ininom ang alak.
"Anong ibig mong sabihin?" Nag tatakang tanong ko, inilapag naman nya ang baso sa maliit na lamesa at hinarap ako.
"I. KIDNAPPED. YOU." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya.
Akala ko ay may nakakuha saaking mabait na tao at dinala ako sa kanila. Hindi naman kasi mukhang masama ang lalaking ito. Pero nag kamali pala ako. He kidnapped me. He did! Sa ikalawang pagkakataon ay hindi ko namalayan ang pag tulo ng luha ko.
-DK-
BINABASA MO ANG
Dim Series: He Kidnapped Me (Axel Valeron)
Teen Fiction"Please tama na hindi ko na kaya!" Pilit na sigaw ko kahit na alam ko namang hindi nya ako papakinggan. "No one can stop me! Kahit ikaw pa!" Sigaw nya pabalik saakin at iniwan ako sa silid nang umiiyak.