Chapter 31

792 21 0
                                    

ONE WEEK. One week na akong nag iisip kung ano bang pwedeng gawin sa sitwasyon na ito. Siguro may magsasabi na, "Mahal ko siya, kaya ipaglalaban ko siya." But it's not that easy. Marami iniisip na sapat na rason na raw na mahal mo ang isang tao para ipaglaban mo ito hanggang sa dulo. Maaaring mahal ko siya pero hindi on sapat. Pwedeng ipaglaban ko siya pero pano naman siya? Handa ba siyang tanggapin ang sakripisiyo na gagawin ko? Lalo pa ngayong alam ko na hindi niya ako maalala.

Ang gusto ko lang naman maging masaya siya at alam ko rin na natagpuan na niya ang saya na yon kay Geneva. Mahirap oo, sino naman ang hindi mahihirapan kung ang taong mahal mo, masaya sa ibang tao.

Masarap isipin na minsan na rin siyang naging masaya saakin, pero paano kung hanggang don nalang talaga yon? Paano kung tadhana na ang gumawa ng paraan para paghiwalayin kami at makalimutan niya ako?

Huminga ako nang malalim bago umupo sa kama ko.

Dalawang linggo na ang nakakaraan mula nang magising si Axel, dalawang linggo na rin niyang pinaniniwalaan na si Geneva ang babaeng minahal niya bago pa man siya mawalan ng ala-ala.

Sa looob ng dalawang linggong yon ay bumuti ang kalagayan ni Axel, unti unti na niyang nagagawa ang mga bagay na dati niyang ginagawa. Unti unti niyang naaalala ang mga maliliit na bagay na nakalimutan niya.

Natutuwa ako sa tuwing kinukwento niya sa lahat ang mga naaalala niya. Pero hindi mawala ang kirot sa pus ko sa tuwing maiisip ko na ako ang nakalimutan  niya.

Tumayo ako at naglakad patungo sa banyo. Ilang minuto ko munang tinitigan ang sarili ko bago ako nag salita.

"Ipapa-alala ko sayo ang lahat."

Tumango muna ako bago lumabas ng kwarto ko.

Pinayagan parin ni Axel na dito muna tumira sila Mommy dahil iniisip niya na ito lang ang tanging magagawa niya para sa yumaong anak ng mga ito. Kahit na hindi niya ako maalala at hindi niya ako kilala pinayagan niya akong mag stay dito sa pag-aakalang inampon ako nila Mommy. Itinurin na rin niya akong kaibigan kahit minsan naiilang ako dahil hindi naman ganon ang turin niya saakin dati.

Pagkalabas ko ng kwarto ay agad kong hinanap si Margoux at Black.

Pagkalipas ng mahigit limang minuto ay nahanap ko sila sa garden na nag-uusap.

"Margoux! Black!" sigaw ko mula sa terrace.

Agad naman silang tumingala sa gawi ko at kumaway.

Bumaba naman ako mula sa pinanggalingan ko at tumakbo papunta sakanila.

"Hindi mo naman kailangan tumakbo ate hindi naman kami mawawala."

Hinihingal akong tumingin sakanila.

"M-may plano a-ako. T-tulungan niyo ako p-please."

Matapos kong iexplain sakanila ang plano ay tumango sila, senyales na pumapayag sila sa planong meron ako.

"Ako na ang bahalang mag sabi kay tito Astro at tita Ezein, ieexplain ko na rin kela ate Iris at kuya Ezekiel." Natutuwang sabi ni Margoux.

"Ako na bahala mag sabi kela Primo, siguradong g na g yong mga yon pag nalaman nila ang plano mo." Natatawang banggit ni Black.

Napansin ata ni Margoux ang biglang paglumbay ng itsura ko.

"Wag kang mag alala ate Astrid, mag wowork ang plano mo."

Ngiti na lamang ang ibinalik ko sakaniya.

Tama si Margoux, mag wowork ang plano ko. Maaalala ako ni Axel. Maaalala niya ako.

Nagpaalam na ang dalawa saakin na may pupuntahan pa raw sila samantalang ako naman ay bumalik sa loob ng bahay para mag handa.

Nasa pinto palamang ako ay narinig ko na ang boses ni Axel na may kausap sa telepono.

Sinundan ko ang boses nya at napahinto ako nang makita syang naka sandal sa doorframe ng kwarto ko at pinagmamasdan ang loob nito. Dahil sa takot na mapansin niya ako ay tumago muna ako.

"You promised, sabi mo sasamahan mo ako ngayon." Sabi ni Axel habang kunot ang noong nakatingin sa loob ng kwarto ko.

"Babe c'mon, samahan mo na ako."

"Fine."

Tila ba hindi maganda ang kinalabasan ng tawag niya kaya napa hilamos nalang ito sa kanyang mukha. Papasok na sana ito sa kwarto ko nang bigla akong lumabas sa pinagtataguan ko.

"Axel!"

Nagulat ito at agad na lumabas sa kwarto ko.

"Kanina ka pa ba dyan?"

"No, galing ako sa garden kausap ko sila Margoux. Ikaw, san ka pupunta?"

"Ah, may check-up kasi ako today so uhm I-I have to go."

Dali-dali itong umalis at para bang naiilang.

'What's wrong with him?' bulong ko sa sarili ko.

But something caught my attention. Bigla akong napa isip at kumurba ang ngiti sa labi ko.

"That's it!"



Lumabas si Axel mula sa hospital at dumiretso sa kotse niya na minamaneho ni Black.

"How's the check-up?"

Tanong ni Black at pasulyap na tiningnan si Axel sa rearview mirror.

"Good, sabi ni Doc mabilis daw ang recovery ko." Axel answered while looking outside the window.

"Hmm. Makaka-alala ka pa daw ba?"

Biglang natigilan si Axel at tumingin sa gawi ni Black.

"I don't think na importante ang mga bagay na nakalimutan ko. Kuntento na ako sa buhay kong to. I don't want to remember the past." Seryoso at madiing sabi nito.

Samantalang si Black ay tahimik lamang na nag maneho. Ilang minuto pa ang lumipas ay tinahak nila ang daan na hindi pamilyar kay Axel.

"Man, this is not the way home!" Halos pasigaw na sabi ni Axel dahil tuloy tuloy lamang ang pag mamaneho ni Black.

"I'm sorry dude, pero mas masaya ang buhay mo kung makaka alala ka."

"What do you me--"

Hindi na naituloy ni Axel ang kaniyang sasabihin dahil napahawak na lamang siya sa kaniyang sentido. Unti unti niyang nararamdaman ang pagka-antok at wala siyang magawa para mapigilan ito. Maya-maya pa ay hinayaan na lamang niyang lamunin sya ng kadiliman.

-DK-

Hi everyone! Since walang pasok ngayon because of holidays, I've decided to give you an update. I'm so sorry for the long wait, something came up and kailangan ko syang asikasuhin. Very busy kasi nagtambakan ang gawain sa school. And I'm also sorry for giving you this short update. I will update again for a surprise. Hope you like the update!

Dim Series: He Kidnapped Me (Axel Valeron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon