Dulo

0 0 0
                                    

Isang araw
Isang araw nakilala kita
Estranghero at may pagkamaldita
Parang isang mabagsik
Malakas makapanakit

Isang araw ika'y ngumiti
Di lang labi, pati mata
Sana ganyan palagi
Di yung nagmumukhang laging lugi

Isang araw ako'y kinausap mo
Lakas ng kaba, yung kabog tudo
Sabi ko sa sarili ko "It might be you"
Pero akoy isang asa, nagtatanong ka lang pala kung saan ang banyo

Isang araw, mali araw-araw iniistalk kita
Ang ganda mo talaga
Siguro pag sinubukan ko may pag-asa
Di ba nga ako yung dakilang umaasa

Isang araw, linakasan ko ang loob ko
"Add friend sent" kabado
Yung telepono ko gusto ko nang ibato
May papikit pa pag may bagong notif

Isang araw, aksidente kong napindot ang wave
Grabe yung ngiti ko, kase may tatlong tuldok sa may chat heads gumagalaw
Grabe ang tagal, tatlong araw ang tinagal
Sana ganun din tayo, nagtatagal
Dun lahat nagsimula.

Isang araw, may mensahe ka
Sabi mo malungkot ka, kailangan mo ng kasama
Pinuntahan kita, muntik pa nga akong madisgrasya
Bumili pa nga ako ng pulutan, kase alam ko may drama

Isang araw, para nang may tayo
May pa goodmorning po at goodnight po
Nagagalit pag mag ibang kausap
Sarap, sarap umasa lasang tanga

Isang araw, isang buwan, isang taon
Sabi sayo tayo ay magtatagal
Umasa ako na ikaw na hanggang dulo
Sana pala yung inasahan ko ay yung walang magbabago tapos walang dulo

Isang araw lahat nagbago
Lahat unti-unting naglaho
Tinuri kitang mundo ko
Oo,  umasa ako kase para nang may tayo

Isang araw, ako'y humiling sa diyos
Ikay maging masaya, ganun naman talaga
Sana pala noon, di hanggang dulo ang hiniling ko
Sana pala ang una ay ang magkaroon muna ng tayo

Isang araw
Matutupad na ang hiling
Hindi sa dulo pero sa walang dulo
Aasa muli pero sa tamang tao
At sana isang araw di na ikaw.

A feelings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon