Chapter 2

6 1 0
                                    

Teasing

After the fitting, sinabihan sila na a week after pa nila makukuha ang uniform. Naghiwalay muna ang magkapatid, si Ivanna naglibot-libot sa mga shops, si Valentin naman ay dumiretso sa salon para magpagupit.

Pagpasok niya sa salon ay naabutan niya doon yung babae kanina sa patahian, na nagpapa manicure at pedicure. May kasama itong dalawang babae na naka-upo sa magkabilang gilid nito. They were giggling about something.

"He's really cute. But Voltair's hotter." Ani ng isang babae na may mahaba at perfectly curled hair.

"I can't agree more, lalo na ngayon, he has this dangerous aura emitting from him." Humagikhik yung isang babae sa kabilang gilid na may short hair.

"Well, if it's Clara, she can definitely get him, right girl." The long hair girl nudged the girl named Clara, yung babae kanina sa patahian.

Clara only smirked.

Iginaya si Val ng baklang parlorista sa isang upuan.

"Pa-trim lang po." Ani ng parlorista.

"Okay! Ngayon lang kita nakita dito ah. Nadagdagan na naman ang magaganda sa bayang ito." Chika ng bakla.

"Ah kakalipat lang namin kahapon dito. Taga rito yung daddy namin, uhm, Sybil ang apilyedo."

"Oh, talaga! Si Yosef ba? Schoolmate ko iyan dati, napaka-pogi! Crush ko rati." Humagikhik pa ito.

Ngumiti lang siya rito. Nakwento nga ng ina nila na habulin ng babae ang ama, pati na rin mga bakla.

"Kung titingnang mabuti kamukha mo nga siya, para kayong magkapatid noong binata pa yung si Yosef, parehas pa kayong may dimples. Siya nga pala kamusta si Valerie? Nako ang tagal na kasi noong huli kami nagka-chikahan, nakaka-miss din ang pagiging madaldal nun."

Val stiffened at that, she slightly bit her lip then answered, "wala na po si mommy."

The parlorist's smile faltered. "O-oh, nako, hindi ko alam. Pasensya na."

She gave a tight lipped smile. "Okay lang po."

Binago ng bakla ang topic at piniling magkwento na lang tungkol sa ama niya noong highschool pa. She was also praised for her bouncy and shiny hair, kesyo sana raw ay pahabain na lang niya ang buhok. Noong matapos ang siyang magpagupit ay magbabayad na sana siya pero hindi tinanggap ng cashier.

"Nako, wag na miss! May nagbayad na para sa'yo."

Nanlaki ang mga mata niya. "Po? Sino po ang nagbayad? Nakakahiya!"

"Wag mo ng alalahanin! Sige na, may magbabayad pa sa likod mo." Anito.

Val glanced behind her to see the girls were also done with their nails. She caught the girl named Clara, sa malapitan di talaga mapagkaka-ila na maganda ang babae, she was looking at her with her eyebrow raised. She gave Val a you-done look.

Humarap ulit siya sa cashier at nagpasalamat bago lumabas. She went to their car and texted to Ivanna kung tapos na ito, who replied that she wasn't done. Kaya naman pinili ni Val na tumambay muna sa coffee shop sa kabilang side ng kalye.

The chime jingled as she opened the glass door. The smell of coffee welcomed her, the ambiance was like you're in an antique shop. Marami-rami ang tao sa loob, Val roamed her eyes to find a free table. Nung makakita na siya ng space sa may high table na nakaharap sa kalye ay iniwan niya ang crossbody bag na dala niya, at kinuha sa loob ang wallet at phone niya.

Pumunta ng counter si Val para umorder.

"Hi, good morning!" Bati ng cashier.

"Hello, isang java chips, yung regular size."

AnimalisticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon