Chapter 3

7 1 0
                                    

Common

Since wala pa silang mga uniporme ay naka-casual attire lang silang papasok sa paaralan. Val is wearing a custard color satin blouse, na tinuck-in niya sa isang cuffed denim pants, then combat boots. Ang kapatid naman na si Ivanna ay naka puting off-shoulder, denim pencil skirt at ankle boots. What's almost identical to the sisters are their love for boots.

Pagbaba nila ay nakapagluto na ng agahan ang ama at inaayos na ang pagkain sa breakfast table nila.

"Good morning my princesses!" Naka-ngiting bati ni Yosef.

"Good morning, dad!"

"Morning."

Bati naman ng magkapatid.

Dumiretso na si Ivanna sa lamesa habang si Val naman ay kumuha muna ng pagkain ni Rajah.

"First day of school! Anong nararamdaman niyo?" Tanong ng ama.

"The fact na pagtitinginan kami at may possibility na ma-bully, just a normal day. We'll live." Ivanna shrugged.

Napa-irap na lang si Val sa sagot ng kapatid. She made her way to the table. "Medyo nakaka-kaba lang, dad. But it's good to meet new people." She smile at him, earning a grateful smile from her father.

"Yeah like that cute boy sa coffee shop." Tukso ni Ivanna.

Umirap ulit si Val. "He's just being nice."

"Ohh, talaga ba."

"Sino yun anak?" Tanong naman ni Yosef.

"Si Cedric, dad. Nagkita kami kahapon."

"And by the looks of it, dad, mukhang may gusto kay Val. Kitang-kita yung blush mula sa pwesto ko."

Val groaned. "Whatever helps you sleep at night."

"Well, if someone bullies my two princesses ang hari ang pupugot ng mga ulo nila. At kung may manligaw man lalo na sa bunso namin ay di ko palalampasin." Yosef remarked.

"Dad!"

Pagkarating sa school ay pinagtitinginan nga sila. Everyone is in their uniforms. The girl's uniform are composed of a plain white shirt and a navy sweater vest, for the skirt it's a black and white with gingham prints, just right to the knees. Ganun din sa boys except they have slacks.

Dumaan sila sa registrar para makuha yung time table ng mga classes nila, school pin at ID. After getting the necessities Ivanna faced her.

"Tawagan mo ako kapag may nang-away sayo, tayo lang magka-kampi rito."

Val nodded appreciating her sister's protection. Sabay silang naglakad dahil sa isang direction lang sila pupunta. Nasa kabilang building ang classroom nila kung saan magkasama ang grades 10 to 12. Ivanna has to climb the stairs since the grade 12 is in the second floor.

Huminto si Val sa harap ng pinto kung saan may signage sa itaas na nakalagay na 'faculty'. Kumatok muna siya bago binuksan ang pinto. Rows of cubicles for teachers were neatly arranged. May naka-pansin na babaeng teacher sa kanya.

"Uhm, good morning ma'am. Si sir Arnaldo po?" Tanong niya.

"Ah, yung transfer student? Tatawagin ko lang siya." Umalis ito at may kina-usap na lalaki na naka-upo sa isang cubicle.

Lumingon ang lalaki sa kanya at tumayo. May kinuha itong folder sa table nito at nalakad papunta sa kanya.

"Miss Sybil?" Tanong nito.

She nodded. "Opo." Then she remembered him as the moderator sa club na gust niyang salihan.

"Kanina pa kita hinihintay. Tara." Mariin nitong saad.

AnimalisticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon