34

50 1 0
                                    

Chapter 34

Nakarating kami ng matiwasay sa bahay ng mga magulang ko. Hindi namin sila kasama sa pag-uwi dahil nauna sila sa kadahilanang may problema ang kompanya namin. Ganun din si tita Frelle kaya kaming dalawa na lang ni Frans ang nahuli sa pag-uwi. Tinapos kasi muna namin ang mga papeles na kakailanganin namin para hindi na kami mahirapan. Lalo na ang school records namin sa university na pinasukan namin sa US.

"Ma, pa! I'm home!" sigaw ko pagkapasok ko ng bahay para ipaalam na nakauwi na ako. Nakasunod naman sa akin si Frans dala-dala ang mga maleta namin. Samantalang, umuwi na muna sina Jaycel at Clei para maghanda para mamaya. Magb-bar kasi kami mamaya. Welcome party daw sabi ng bruha para sa akin.

Nakita ko namang lumabas ng kusina si mama at may apron pa ito. Ngumiti ako sa kanya at ganun din siya. Inalis muna nito ang suot na apron bago ako niyakap ng mahigpit.

"I miss you, sweetie" nakangiti ito at nilagay ang takas kong buhok sa likod ng tenga ko.

Natawa ako dahil isang linggo lang naman kaming hindi nagkita. "Me too, ma. Nasaan pala si papa at Jersyl?" takang tanong ko ng 'di ko pa din makita ang dalawa.

"Nasa grocery. May biniling mga kulang na ingredients sa lulutuin ko" dinungaw nito ang likod ko. "Frans, ilagay mo lang muna diyan ang mga gamit niyo ni Trexia at magpahinga ka muna sa isang guest room sa taas" nakangiti nitong ani kay Frans.

Lumingon naman ako at nakitang seryoso ang mukha ni Frans na nagpakunot ng noo ko.

"May problema ba, baby?" nagtataka kong tanong at lumapit sa kanya. "Hey" tawag ko ulit sa kanha dahil sa lalim ng iniisip nito.

Tumingin naman ito sa akin at ngumiti. "Okay ka lang ba?" tanong ko ulit sa kanya at hinaplos ang pisngi nito.

Pinalibot nito ang mga braso niya sa bewang ko at niyakap ako ng mahigpit kaya napatawa ako. Naglalambing na naman ang baby ko. Nilagay niya ang baba niya sa kanang balikat ko bago nagsalita.

"Ma, pwedeng sa kwarto na lang ako ni Trexia magpahinga?" alam kong nakangisi ang loko kaya kinurot ko ito sa tagiliran dahilan ng pagkalas nito sa pagkakayakap sa akin.

"Aray ko naman, baby" nagpout ito kaya inirapan ko. "Ma, oh. Sinasaktan niya ako" sumbong nito kay mama at tinuro pa ako. Narinig ko namang tumawa lang si mama at naglakad na pabalik ng kusina ng walang sinasabi.

"Doon ka na muna magpahinga sa isang guest room. Katapat ng kwarto ko" ani ko sa kanya at naglakad papuntang sofa at umupo dahil sa pagod na nararamdaman ko.

"Hindi ba pwedeng sa kwarto mo na lang, love? Magiging mag-asawa naman na tayo" tinignan ko ito ng masama. Ngumisi lang ito habang papalapit sa akin.

"Ang tigas din ng ulo, eh" pinagkrus ko ang braso ko sa dibdib ko at iniwas ang tingin sa kanya.

"Sa taas o sa baba?" natatawa nitong ani at umupo sa tabi ko.

"The hell, Frans! Yung bibig mo!" naiinis kong ani dito na mas ikinatawa niya. Pagtalaga kaming dalawa lang ang magkasama, ang bastos ng bibig ng lalaking 'to. Pero kapag nakaharap siya sa ibang tao, ang cold at ang authorative ng mukha niya.

"This is all yours, baby. Kahit na halikan mo pa ako buong araw, buong puso kong tutugunin ang mga halik mo" napapahawak na ito sa kanyang tiyan kakatawa dahil sa pinagsasasabi niya. Inirapan ko lang ito at hinayaan. Lalo lang akong maiinis kapag nagsalita pa ako na sasagutan niya lang din naman ng walang kwenta.

Ilang minuto din itong tumatawa. Maya-maya pa ay ilang buntong hininga ang narinig ko mula sa kanya para siguro pakalmahin ang sarili at nang kumalma na ay umayos ito ng pagkakaupo at nakita ko sa gilid ng mata ko na humarap siya sa akin. Pinulupot niya ang mga braso niya sa bewang ko mula sa gilid at pinatong ang baba nito sa balikat ko paharap sa akin.

I Fall For Him (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon