Chapter 1

2 0 0
                                    

Chapter 1


"Ma'am Sanchez, excuse nga po kay Monteverde." Magalang na sabi ng isang babaeng estudyante na hindi ko kilala pero sa tingin ko ay Grade 10 din.

"Monteverde." Si ma'am at bumaba ang tingin sa 'kin.

Lumapit naman agad ako sa pintuan para harapin ang estudyante.

"Pinapatawag ka ni Sir Briz, pumunta ka raw sa L4 after ng class niyo." Aniya at ngumiti sa 'kin. Mabilis naman akong tumango at bumalik na sa upuan ko.

Pagkatapos ng klase ay nagpasya agad ako na pumunta sa L4. Ang building ng Grade 10 ay tatlong palapag at may anim na classrooms. Nasa gitnang bahagi ang hagdan nito na naghahati sa dalawang classroom sa bawat palapag. Pakanan ang bilang, L1-L2 sa 1st floor hanggang L6 pataas. May 14 sections ang Grade 10 sa amin, ang dalawang pilot section ay nakahiwalay ng building habang ang 12 ay pinaghahatian ang anim na classrooms kaya half day lang ang schedule namin.

Kinakabahan ako habang nasa paakyat ng hagdan, hindi kasi ako sanay na naharap sa ibang tao lalo na at hindi ko kilala at ka-close dagil nahihiya ako. Hindi naman ako suplada, nahihiya lang ako kaya ganoon ang nagiging dating. Hindi rin ako friendly kaya minsan, akala ng iba, suplada ako at mataray.

"Sir!" Tawag ko kay Sir Briz nang maabutan siyang papasok na sa classroom. Buti naabutan ko.

"Oh. Monteverde." Aniya at may inilabas na papel sa bitbit niyang folder.

" Paki-announce hija sa mga classmates mo ito." Inabot niya ang papel. "Sa Friday ang presentation niyan, gagawa kayo ng rap about Christmas since malapit na ang Christmas and of course, in English dahil English ang subject ko. " Tumango tango ako habang binabasa ang nasa papel.

"Ayan ang criteria. "Turo niya sa papel. "Maghanda na kayo at magdadala rin ako ng microphone. " Tumango ako at nagbilin pa si Sir, nagpasalamat siya at pumasok na sa room para sa klase niya sa oras na iyon. 

Nag-uwian na ang karamihan sa mga kaklase ko dahil tapos na naman ang klase namin sa araw na 'yon kaya naisip kong sa group chat nalang i-announce o kaya naman ay bukas dahil sa Friday pa naman iyon at martes palang ngayon.

Gaya ng naisip ko, sinabi ko 'yon sa group chat ng section namin. Agad silang nag-angalan dahil malapit na raw ang Christmas break ay madami pang pinapagawa si Sir. Ipinagkibit balikat ko nalang iyon at hindi na muna inisip dahil gagawin ko nalang pag malapit na ang Friday.

May pinapagawa pang music video sa 'min para naman sa Filipino. Kailangan i-translate ang isang kanta sa Filipino at gagawan mo iyon ng music video. Bukas, pagkatapos ng klase namin napagkasunduan na i-shoot ang mv, plano ko na ako nalang ang mag-eedit at kukuha ng video para wala na 'kong exposure.

"Vianna dikit kayo ng konti." Sabi ko kay Vianna at nag hand gesture pa. Nagsshoot na kami ng video. Napagpasyahan namin na sa school nalang din para hindi na kami lumayo.

Si Vianna, Nikolaus, Angel, Kyros, at Ako ang magkakagrupo. Ginawa kong lovers si Vianna at Nikolaus para sa mv namin at 'We don't talk anymore' by Charlie Puth ang ginamit kong kanta. Naayos ko na ang kanta noong isang araw pa kaya wala ng problema do'n ngunit hindi pa nakakapag record. Maganda ang boses ni Vianna at kumakanta siya ngunit gusto kong duet na lalaki at babae kaya lang, 'di ako sigurado sa boys namin kung okay ba ang boses. Halos sila nga lang ang nasa mga scenes, nilagyan kong konting exposure si Kyros at Angel.

Umupo ako sa benches malapit sa faculty ng teachers at nagbrowse ng videos sa camera, habang linapanood ang mga kuha ay binubuo ko na sa utak ko kung paano ko 'to i-eedit mamayang gabi, hindi ako tutulog nang 'di 'to natatapos.

"Ano, Rayah?" Napapitlag ako sa dumating na si Vianna na may dalang hotdog sandwich.

"Bakit?" Tanong ko.

Boy's NatureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon