Chapter 3

0 0 0
                                    

Chapter 3

"Rayah! Ikaw na naman ang mali!" Napapikit ako sa sigaw ng aming choreographer.

"Lagi ka nalang nagkakamali! Paulit ulit na tayo!" Singhal niya sa 'kin. Hindi nalang ako umimik at yumuko na lamang dahil sa kahihiyang natamo.

Lahat ng Grade 10 ay sasali sa cheerdance competition sa aming school kaya't isang buwan na kaming nagpapraktis para rito, iyon din ang magiging final requirement namin para sa PE. Ako na hindi pinagpala sa pagsasayaw kaya't laging nagkakamali. Hindi ko ba alam at kahit mga simpleng step ay nahihirapan akong makuha. Kapag nga naman parehong kaliwa ang paa mo oh.

"Tatlong linggo nalang bago ang competition niyo, kaya sa mga susunod na araw, kailangan nating mag overtime, magpaalam na kayo sa mga magulang niyo." Sabi ng aming choreographer bago kami pakawalan.

Sobrang busy ng mga Grade 10 ngayon dahil sa dami ng requirements dahil nga mag-momoving up kami. Bukod sa cheerdance na kumakain sa karamihan ng oras namin dahil sa ouspusang practice ay meron pa kaming term paper para sa english at kung ano ano pang requirements sa ibang subject.

"Rai, gagawa tayo no'ng project natin sa science ha? Doon tayo sa amin." Bulong sa 'kin ni Pen, kaklase ko at ka group ko sa project. Lima ang member bawat grupo ngunit dalawa ang experiment na kailangang gawin kaya hinati namin. Si Theo at Janine sa mas madaling experiment at kami nina Pen, Ako at Klaus para sa mas mahirap.

"May gagawin pa kaming meeting para sa A.P, ka-group ko si Klaus kaya susunod nalang kami." Sagot ko.

Pagkatapos ng klase, nagtipon agad kami ng mga ka-grupo ko sa A.P para mabilis na kaming makatapos. Napagpasyahan din namin ni Klaus na kay na Pen na kumain dahil maaga naman ang dismissal. Dala na ni Pen lahat ng kakailanganin kaya't wala na kaming bitbit. Ang gagawin ay isang video ng natutang experiment na dapat ay kita kami na gumagawa noon at kailangan din ng mga explanation.

Civil lang ang turingan namin ni Klaus. I still find it awkward whenever he's around kaya't mag-iusap lang kami kung kinakailangan.

"Hindi ko alam ang kina Pen, pero sabi niya, nakapunta kana raw doon kaya alam mo." Sabi ko nang 'di tumitingin sa kaniya ngunit nang 'di siya sumagot ay lumingon ako.

Nakatingin siya sa 'kin at may sinusupil na ngiti.

"Ano?" I raised my brow.

"Chill. You look tensed." Aniya, halos pabulong. Nagtindigan ang balahibo ko sa lamig ng boses niya. Natural iyon sa kaniya, tila wala laging ekspresiyon, hindi ko mabasa.

"Kuya, pasakay," Hinarang niya ang isang tricycle at sinabi ang lugar na hindi ko na nasundan.

Bumaling siya sa 'kin at tinaas ang kilay. Iminwestra niya sa akin ang loob ng tricycle. Akala ko ay sa likod siya uupo ngunit nahugot ko ang hininga nang sa tabi ko. Come on, Rai, ang OA mo.

Natural at diyan siya uupo, bakit naman naisip mong sa likod?

Habang nasa loob ng tricycle ay parang tambol ang puso ko sa kaba. He's too much.

Agad din akong lumalayo kapag nagtatama ang ano mang parte ng katawan namin. Mabuti nalang at sa haba ng biyahe ay wala siyang imik, hindi ko rin kasi alam kung paano siya kakausapin.

"Kumain muna kayo." Ani Pen pagdating namin sa kanila.

May mga inayos muna akong gamit kaya't nauna sila sa pagkain. Natapos na si Pen habang si Klaus ay patapos pa lamang.

Umupo ako sa lamesa at naghanda na sa pagkain. I was about to eat but I shut my eyes. I think he's staring.

Bumaling ako sa kaniya at 'di nga ako nagkamali, nakatingin siya sa 'kin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Boy's NatureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon