Chapter 2

2 0 0
                                    

Chapter 2

"Kinakabahan ako. Shit." Si Jessie habang pinapadyak ang paa sa sahig. Tahimik lang ako pero parang sasabog na ang puso ko sa kaba. I hate this.

Inabala ko na lamang ang sarili ko sa panonood ng mga kaklase kong nagrarap sa unahan. Tawanan at hiyawan ang nangingibabaw sa loob ng classroom.

"Loraez." Tumayo si Jessie sa tawag ni Sir dahil siya na ang magpeperform.

Kanina pa iyan nag-iingay dahil kinakabahan daw siya ngunit nang nag-rap sa unahan ay maayos naman. Ako itong tahimik lamang pero kinakabahan talaga ako!

"Montenegro." Kinabahan ako sa tawag ni Sir. Ako na ang sunod.

Hindi pa man nagsisimula si Montenegro ay nahiyawan na ang mga kaklase ko. Nag-ccheer sila, sinisigaw ang pangalan niya mapa babae man o lalaki. What's so special about him really? Madami rin 'yang kaibigan, babae man o lalaki.

Mabait daw kasi at friendly, pero bakit 'di niya 'ko friend?

Samantalang ako e' oo na at 'di friendly, pero wala naman akong ginagawa, ba't andaming may ayaw sa 'kin? Not literally ayaw pero alam mo 'yon, ang hirap maka-gain ng friends. Kumbaga sa magkakaibigan, kung papipiliin sila, hindi ako mapipili. No ones favorite ba. It's okay though.

"Oh game na, game na." He said and faked a cough. Nagatawanan ulit ang buong klase. I want to be like that, 'yung hindi mahihiyang humarap sa tao kahit para sa grades man lang. But I'm not that kind of girl.

May matataas nga akong grade pero dahil lang 'yun sa quizzes and exams. Pagdating sa performance, bagsak ako dahil sa baba ng confidence ko.

"...The spirit of Christmas yo!" Natigil ako sa pag-iisip at napatunganga kay Montenegro.

Mabilis siyang nagrarap at nakakatawa ang boses niya. Masyado kasing malalim ang boses niya kaya nakakatawang makita siyang ganito. May mga hand gestures pa siyang ginagawa habang nagrarap at tila kinakapos na sa hininga ngunit pinipilit pa rin.

Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong tawa to the point na pinapadyak ko na ang paa ko sa sahig habang hawak ang tiyan. Sobrang ingay na sa classroom namin, kabi kabilang hiyawan at tawanan. Hindi naman siya natitinag at parang seryoso pa sa ginagawa.

"Break it down yo!" Pagtatapos niya sa rap. Pumalakpak at humiyaw kaming lahat.

"Isa pa! Isa pa!" My classmates chanted.

"Oh, Montenegro isa pa daw " Ani Sir Briz kaya lalong lumakas ang sigawan. Nakikisali na rin ako sa kanila.

Inulit pa nga ni Montenegro ang rap at malakas pa rin ang hiyawan. Tawang tawa pa rin ang lahat sa kaniya, kahit ako.

"Oh, tama na guys, next, Monteverde." Natatawang sabi ni Sir. Napalunok ako. Hala, ako na.

Tumayo ako at dahan dahan naglakad papuntang unahan. Para akong maiihi sa kaba. Bakit ba naman kasi may ganitong activity 'to si Sir. Malikot ang mata kong iginala sa mga kaklase. Tahimik na sila kaya lalo akong kinabahan.

"Ho Ho Ho" simula ko sa rap. I cringed. Shit? Ba't ganito gawa ko?

Sinimulan ko na ang pag-rarap. Hawak ko ang kopya ng lyrics na hindi ko naman tinitignan. Mahigpit ko lang itong hawak kaya't gusot na, nanginginig pa ang nakakuyom kong kamao. I really hate this.

Tanaw ko sa likod ang mga nagpipigil sa tawang mga kaibigan ko habang nagrarap ako kaya natatawa rin ako. Puro tawa yata ang performance ko, sana lang ay maayos pa rin ang grado, tutal ay paborito akong utusan ni Sir. Lalo akong natawa sa sariling naiisip.

Boy's NatureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon