O N E

15 2 1
                                    

✧✧

Naalimpungatan ako ng huminto ang sasakyan.

"We're here." Mom said. I rubbed my eyes and yawn before heading out of the car.


It's 11am when we arrived at our Mansion in Nueva Ecija. My parents decided to live here because Mamita requested Dad to take over our business here in province.



I saw Mamita waiting us in front door together with the maids.


"Welcome home!" Niyakap nya kami isa-isa.

"Oh my granddaughter!, It's been years since I last saw you. Dalagang dalaga ka na apo." She exclaimed while hugging me. I just smiled and hugged her back. Mamita is sick so she had to take a rest. And Dad will manage the business.

"Let's go inside, I prepared your favorite kare-kare." Dumeretso na kami sa dining room, buti naman dahil kanina pa kumulo ang tyan ko nadagdagan pa ng makita ko ang kare-kare. Grabe ang tagal ko ng hindi natitikman ang special kare-kare ni Mamita. It's been my favorite ever since natikman ko ito. They laughed at me nang makitang kumuha agad ako ng kare-kare kahit hindi pa ako nakaka upo.

"Hmm.. Someone missed kare-kare." Biro ni Dad.

"I haven't taste it for a long time Dad, and Mamita's kare-kare is the best!" I answered.

"Sus, binobola na naman ako ng aking apo. Kaya ikaw talaga ang paborito ko e."

"I know Mamita." We had a little catching up while eating until Mom and Dad started to talk about the business. I can't relate about them so I finished my food.

"I'm done. Where's my room Mamita?"

"Oh Gina, samahan mo si Kady sa kanyang kwarto." Utos nya sa isang katulong.

"This way po señorita" She made the way so I followed her hanggang sa tumigil sya sa puting pintuan sa second floor. There are three doors here, dalawa ang nasa left side at ang magiging kwarto ko naman ay nasa right side.


"Thanks Gina!" Nagpaalam na sya at ako naman ay pumasok na sa loob.

The room was clean,kulay puti ang pintura. Siguro ay kaka-renovate lang nito kaya medyo amoy pintura pa. I noticed na nandito na din ang mga gamit ko kaya naghanap na ako ng damit pamalit at nagtungo na sa banyo.

After cleaning myself, I decided to take a nap. It's 2 pm in the afternoon kaya makakatulog pa ako kahit 1 hour lang. Mamaya ko na aayusin ang mga gamit ko. Nahiga na ako sa bed at maya-maya lang din ay nakatulog na.

Abala ako sa pag-aayos ng damit ng may kumatok sa pinto.

"Come in!" We are done eating our dinner kaya I decided to fix my things. Hindi pa naman ako inaantok.

"Sweetie, naayos ko na ang iyong mga documents para makapag-enroll ka na. And also, here are the lists of schools na pwede mong pagpilian." Mom gave me the envelope with my documents inside, and a lists of schools.

"Thanks mom! I'll just read it later." After putting it in the table beside my bed ay lumabas na din sya.

After ko mag-ayos ng mga gamit ay tinignan ko na ang listahan ng mga eskwelahan na pwede kong pasukan. I searched them on the internet to know kung maganda ba sya or hindi, though lahat naman ng nasa list ay private universities and colleges.

Sana lang ay mababait ang magiging schoolmates ko. I guess magkaiba naman ang mga school sa province at Manila.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. I decided na sa garden muna mag ikot-ikot since bored na bored na ako sa loob ng bahay. Wala naman akong makausap dahil ang parents ko ay abala sa business namin, habang si Mamita naman ay nagpapahinga.

Splintered HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon