T W O

8 2 0
                                    

✧✧

Mabilis na dumaan ang mga araw at hindi ko namalayan na pasukan na. Feeling ko kasi hindi pa sapat ang vacation ko. Hindi ko pa kasi nalilibot ang buong bayan.

Tomorrow ay start na ng klase. Wala kaming uniform so definitely ubusan dito ng damit.  I need to buy new more clothes at ayokong ulitin ang mga susuotin ko.
I decide to do a last minute shopping. Buti nalang nandito si kuya Benny, my personal driver, hindi ako mahihirapan sa pagdadala ng mga pinamili ko.

Pagkauwi sa bahay ay maaga akong natulog. Ayokong pumasok bukas na haggard kaya nag-beauty rest na ako. I'm a bit scared and excited at the same time, I hope it will be great.

My class will start at 8 am and I arrived at 7. Ayokong late ako sa first class ko kaya inagahan ko na. Nakapag-tour na din ako sa loob ng campus bago pa magpasukan kaya naman alam ko na kung saan ang magiging class ko. Pero ang hirap pa din matandaan since malaki ang St. Clare so may tendency pa din talaga na mawala ako.

Pumasok na ako sa first class ko which is Math. Ugh! Ang aga naman para maubos ang energy ko. Good thing kaunti pa lang ang mga tao kaya I decided na sa bandang likod maupo.

Unti-unti na din na nagsidating ang iba ko pang mga classmate. Ang i-ingay at gugulo nila, I think magkakakilala na din sila. I feel so lonely here.

"Hi!" Bati na katabi ko. 

I smiled. "Hello!"

"I'm Ellaine, ikaw?"

Nagdalawang isip pa ako bago sumagot.

"Uhmm... I'm Kady." Ngumiti sya at inilapit pa ang sarili sa upuan ko.

"I hope we can be friends nalulungkot kasi akong mag-isa." She said.

I'm not good at making friends. But maybe I can try.

"Uhm yeah sure." I answered.

"Really? Ow thank you Kady! feeling ko kasi sobrang alone ako dito." She started to talk about a lot of things at medyo naiirita na din ako sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko. I don't want to be rude and kailangan ko din naman ng bagong kaibigan. But, I just can't stand her noise.

Good thing dumating na din ang prof namin. Sumasakit na ang tenga ko sa kakadaldal ni Ellaine.

We had self introduction and quick briefing about our lesson. He also said some rules and regulation inside his class.

I had two class pa bago ako nakapag break. Like our first subject, self introduction lang din ang ginawa namin sa iba ko pang mga subjects.

Pumunta na ako sa cafeteria at pumili ng pwedeng kainin. Habang namimili ng pagkain ay may biglang humawak sa braso ko kaya naman nagulat ako.

"Uh yes?" I looked at her at mukhang shock na shock sya ng makita ako.

"Oh my Gosh! You're back!" She said looking so shocked at the same time.

"Uhm.. do I know you?" Nakakunot noong kong tanong.

She rolled her eyes and looked amused on what I said.  "So may amnesia ka na ngayon?" She flipped her hair and crossed her arms.

"Uh sorry pero hindi kita kilala. Excuse me."
Aalis na dapat ako pero hinila nya ulit ang braso ko.

"Wait. So ganun na lang yon? After mo mawala ng matagal biglang nakalimutan mo na ako? What a lame excuses Kaye." Seryoso nyang sabi. 

"Sorry miss but I don't really know you." I said. Mukhang hindi nya nagustuhan ang sagot ko dahil itinaas nya ang kamay nya at ready ng sampalin ako ng hilahin sya ng isang lalaki.

Splintered HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon