Chapter 2

15 1 0
                                    

Pagdating ko sa ospital naisipan ko munang dumaan sa canteen para bilhan ng pagkaen sila raine at ice .

Sakto naman na pagdukot ko ng pera , napansin kong nawawala ang cellphone ko .

Kapa dito , kapa doon .

Waaaaah nawawala ang cellphone ko  , ano ba naman yan pag minamalas ka nga naman . nakuh red si manong katabi ko siguro yun sa jeep . waaah malas malas *pukpok sa ulo*

Pagkabile ko ng pagkaen pumunta na agad ako kung nasan sila .

"Oooh red buti naman at nakabalik ka agad . Mukhang hinde ka pinahirapan ah .. kanina ka pa pala hinahanap ni ice panay na nga text ko sayo eh"

Naupo muna ako sabay hingang malalim "raine , wala na si mr.vasques"

"Huh ? Pinatay mo?"

"gaga . Comedy ka naman ! Wala na as in nasa thailand na"

"eh .. pe..pero okei na nabigyan ka?"

"Hinde .."

Napahampas siya sa upuan "sabe na nga ba eh"

"Grabe reaction? Raine hinde naman kame nagkita noh"

"Hehe akala ko nagkita kayo eh . Ooh pano yan si mr.vasques nalang pag asa mo diba .. red , huminge ka na ng tulong sa parents mo"

Yuko "galing na ako sa bahay"

"oooh ano daw ?"

"kagaya ng date . Tutulungan lang nila ako pag iniwan ko si ice"

"Ano ba naman klaseng magulang yan , hinde ba sila naaawa sayo ?"

"Hayaan mo na raine , ganun siguro talaga"

"Mahirap maging mahirap , pero mas mahirap pala maging mayaman noh .. osya puntahan mo na don si ice baka miss na miss ka na non" sabay ngite

Tumayo naman ako "may pagkaen dyan kumaen ka muna" at pumasok na ako sa ICU

- - -

Pagpasok ko nakita kong nakapikit si ice , habang naka dextrose ..

Ang saket para akong sinasaksak sa nakikita ko .

Gusto ko bumalik yung dateng ice , yung dateng ice na lageng nakatawa , yung ice na kaya akong ipagluto , yung ice na kasama ko mamasyal .

Nagumpisa nanaman tumulo ang luha ko .

"Mahal" hinde ko napansing nakatingin na pala siya sakin dahil sa mga luha ko , ng marineg ko siyang tinawag ko . Pinunasan ko ang luha ko at naupo sa gilid niya .

"Kamusta ka na ? Pagaling ka ah"

"Mahal , sorry ah . Sorry masyado na akong pabigat sayo ! Pag hinde mo na kaya pwede mo naman akong iwan"

Nagumpisa nanaman tumulo ang luha ko "ano ba pinagsasabe mo ? Kaya ko pa . Kaya natin ! Gagaling ka pa , gagawa ako ng paraan . Basta wag  na wag mo akong iiwan .. naiintindihan mo ba ?"

Nagumpisa nading pumatak ang luha niya "oo pangako , lalaban ako ! Mahal na mahal kita red"

"Mahal na mahal din kita ice .. alam mo yan sobra kitang mahal , kaya lahat gagawin ko para gumaling ka lang"

Nabalot ng ingay ng pagiyak naming dalawa ang kwarto .

- - -

Kinabukasan kinailangan ko munang iwan si ice sa ospital , wala si raine dahil malamang puyat dahil pumasok siya kagabe .

Complicated ChoiceWhere stories live. Discover now